UM: Chap 25

2.5K 76 3
                                    

Pinasundan

Lumipas ang pitong na buwan ng pagbubuntis ko at malaki na ang tiyan ko. Nagii-stay na rin dito sina Mommy at Kuya. At si Daddy naman ay paminan-minsan lamang dumalaw dito sa Laguna kagaya ngayon.

"Oh my, hija! Ang laki na ng tiyan mo!" sabay tawa ni Mommy at natutuwang hinaplos ang tiyan ko.

Napangiti ako at bahagyang tumawa rin.

"You should eat healthy foods, Lissandra. Iwasan mo ang pagkain ng mga pagkaing hindi ma-sustansiya para sa bata," seryosong bilin sa akin ni Daddy na abala pa rin sa pag-kain.

Tumango ako. "Yes, Dad."

"Lily," narinig kong tawag ni Yaya Olie na nasa hamba na ng pinto dining room.

"Bakit, 'Ya?"

"Narito ang mga kaibigan mo sa sala. Dinadalaw ka ulit," nanlaki ang mga mata ko at agad na tumayo.

"Dahan-dahan naman, Lily," saway ni Kuya.

"Oh, I'm sorry," sabi ko at pumunta na sa sala.

I frowned when I saw them carrying bags again for my baby boy.

"Lily!!" tawag nila sa akin at tumakbo papunta sa akin sabay yakap.

Natawa ako at nangingiti. "Nandito na naman kayo. Dito na kaya kayo tumira?"

Nginisihan ako ni Rian. "Ilan ba guest room niyo rito?"

Umirap ako sa kanya. "Five."

Tumango si Kail. "Oh, eh dito na nga lang talaga tayo tumuloy!" sabi ni Kail at tumawa.

Nginiwian ko sila. "I should have your shares. Hindi pwedeng libre kayo rito," pagtataray ko kahit hindi na naman kailangan ng shares nila.

"Ilan ba gusto mo?" mayabang na sabi ni Deity kaya't natawa kaming lahat.

"Ewan ko sa inyo. Are you hungry? Join us on the dining room," aya ko sa kanila.

"Teka. Ito munang gifts namin sa baby mo. I bought different kinds of shirt for him! Look!" sabi ni Rian at kinuha niya ang  kahon ng damit sa loob ng paper bag at ipinakita sa akin.

"Wow, thanks!" tinignan ko ang damit at maganda nga iyon.

Pinakita rin sa akin nina Deity at Kail ang kanila na mga sapatos naman at cute na PJs.

"Baka hindi niya pa magamit 'yan. Masiyado pang malaki," puna ko.

"We'll buy more na lang after," sabay kindat sa akin ni Deity.

"Puro rich naman pala ang ninang ng anak ko," ani ko at nagsi-tawanan kaming apat.

Tatlong buwan na ang pagbubuntis ko ng malaman nilang buntis ako at si Jackson ang ama. Noong una ay medyo nagalit pa sila sa akin at nag-tampo dahil sa pagtatago ko sa kanila pero kalauna'y naintindihan naman nila ang sitwasiyon ko kaya ito, palagi na silang dumadalaw dito sa Laguna from Manila.

Ang sisipag nga magsi-biyahe.







"Does your Dad have plans to tell Jackson about your son?" biglaang tanong ni Kail ng bumalot ang katahimikan sa loob ng kwarto ko.

Nakita kong siniko ito nina Deity at Rian kaya't bahagya akong natawa. "Okay lang, Deity, Rian."

Yumuko sila kaya parang nalulungkot din tuloy ako. "I don't know if Dad will still tell him about our son. Gusto ko man pero.. baka masira ko lang ang pangalan niya kapag nalaman ng mga tao na may anak siya sa akin," kumunot ang noo nila sa sinabi ko.

Unregretful Mistake ✓Where stories live. Discover now