Thirty Five

13 0 0
                                    

"Good evening ladies and gentlemen. To those who want to go to the CR, kindly do so, for we are about to start in 5 minutes." Sabi ko sa mikropono habang tsinitsek ang mga films na dapat ipapakita ngayong gabi. Yes, aside sa pagiging scriptwriter ko dito, I am also assigned as the film steward with my partner, Joy.

Unti unti na ring nagdatingan ang maraming panahuin. Mas lalo akong kinabahan. Kanina pa ako nanlalamig at hindi makalma. Talaga ngang sobrang hirap mag organize ng ganito kalaking event. We've been doing this for years and yet iba pa rin kapag isa ka na sa mga organizers at lalo na kapag you're also part of the Technical Working Group. Sana mairaos namin ang event na ito dahil dito nakasalalay ang grades namin.

"Kinakabahan na ako." Rinig kong sabi ni Joy na nasa tabi ko lang din. Kahit naman ako, gusto ko ng maihi sa kaba. I looked at her, she's radiating as usual with her white top and black pencil with an embroidered rose on it. I was wearing a red top as my inner paired with black pencil and black coat. "Gusto ko ng maihi." mangiyak-ngiyak na pahayag ko.

Minutes passed, "Mel, we should start na." sabi ni Dean nang makalapit sa amin. Agad naman akong sumunod since yun din naman ang balak kong gawin. "Please welcome, your host for tonight, Mr. Michael Buenaflor!" Pagkasabi ko nun ang sya namang paglabas ng host na agad ding nag intro at tinawag ang co-host.

Everything were all prepared and well-rehearse until "We're sorry about that. We just have a technical problem. But our technical personnel were now fixing the problem, we will resume the film in a while. Now, for the meantime, we have a quick questions for you." Rinig na sabi ko nang dalawang hosts habang inaaliw ang mga tao. I was mentally cursing.

"Melody, what happened?!" Pasigaw na tanong ng Dean namin. Gusto kong maiyak sa kahihiyan at kabobohan. Lahat na. "Dean, hindi namin alam kong anong nangyari. Bigla nalang naputol yung film." Paliwanag ko na agad ding sinang-ayunan ni Joy. "Have you guys checked everything bago tayo nagsimula kanina? Di ba ang sabi ko i-test nyo lahat, from lights, to flow, at maging sa film!" Nanginginig sya sa galit at halatang dismayado sa nangyari.

"Yes Dean, we test everything, kahit noong nasa school pa lang tayo." She shook her head in disappointment. "I kept on asking you how was the preparation going at ang sabi nyo lagi, okay na lahat. Then what's this?!" tanong nya bago kami tinalikuran. I stood up and told Joy to look after sa set namin. Hahanap lang ako ng IT dito, I'm sure merong dumalo na kakilala namin.

While I was searching through the crowd, nahagip ko sya, nakaupo sa bandang likuran ng hall. Dumalo pala sya, muntik ko ng makalimutan. He was looking at my every move. Naiyak ako lalo at parang any minute gusto ko ng mag breakdown. But I don't have the time para magdrama ngayon, I need to fix this mess. As much as possible, kailangan kong magfocus ngayon.

With a stern look, hiding my pain inside, nilapitan ko yung IT na kaibigan namin na kanina pa rin pala nakamasid sa amin. "Pre, anong nangyari?" Agad nyang tanong sa akin nang makalapit ako. Ramdam ko pa rin ang mga titig ni Ed ngunit isinantabi ko muna iyon. "Pre, we need your help." Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay agad nyang naintindihan kong anong nangyari. Dali dali kaming bumalik sa lamesa namin at saglit pa syang napatitig kay Joy. May crush kasi sya dito.

"We should call Sir Vincent." aniya nang mapagtanto na kakailanganin nga namin ang tulong nya. "Nandito sya, kakarating lang kanina." hinayaan naming tawagin nya si Sir at unti unti ko na ring pinapakalma ang sarili ko. Kailangang hindi mahahalata ng mga tao na may malaking problema. Batid kong pati ang mga kasamahan namin ay nagtataka na kung bakit ang tagal naming maresulba ito. Ngunit pinipigilan lamang nilang lumapit sa amin dahil may kanya kanya din silang post.

"Mabuti nalang talaga at dumalo ako dito." ani Sir Vincent nang makalapit sa amin. "Sa susunod kasi, tawagin nyo ako kapag may ganito kayong event." Aniya na natatawa pero halata namang nanenermon. "Kung hindi pa ako dumalo dito, patay ka kay Dean nyo." sabi nya sabay turo sa akin. Gusto ko na namang maiyak, pinapamukha na naman ni Sir sa akin.

Maya maya pa ay dumating si Dean kasama si Hazel na may dala dalang pagkain. "Mel, I instructed them to get food para sa kanila. How's it going?" Sabi nya at doon ko lang din napansin na marami rami din pala silang dalang pantawid gutom. "Oh Sir Vincent, thank you at nandito ka." Bati nya kay Sir nang makita ito sa harap ng dalawang monitor. "Yun na nga Dean e, mabuti nalang talaga at pumunta ako dito. Isa pa, this is the first time na hindi ako imbitado sa lahat ng events nyo." aniya sabay tawa. "Sabi ko nga dito kay Mel, patay sya sa inyo kapag hindi nito magawan ng paraan."

"Please distribute it to them, Hazel. Panigurado, gutom na yan sila." utos nya kay Hazel na agad naman nitong sinunod, sinamahan din sya ng iba pang kasamahan namin na na-assign sa food committee. "Ayun na nga Sir, panay tanong ako sa kanila kung okay na ba lahat. Ang sabi okay na daw, tapos ganito naman pala ang mangyayari." Yes, ganyan talaga sila mag-uusap. Samantalang natatawa na naiiyak naman kami dito. May binigay lang na instructions si Sir lalo na at may event pa kami kinabukasan.

"Mel, anong nangyari?" Agarang tanong ni Mira sabay abot din sa amin ng snacks. "Nakikita kita kaninang sobrang bilis maglakad. May problema ba? Yung film natin, bakit nahinto?" sunod sunod na tanong nya, halatang nagtataka at nababahala na din sa mga naganap. Pinaliwanag namin sa kanya ang nangyari at lalo syang naghehestirya. Buti nalang at kumalma din kalaunan.

"Next time, huwag nyong ilagay lahat ng film nyo sa iisang PC lang. Much better if bibili kayo ng hard drive na malalagyan, yung 1 terabyte para malaki ang storage. And one more thing, more extra laptop or kahit PC set the better para back up just in case may mga technical errors ulit. You can borrow naman sa office ko, just ask for permission from the admin." Muling paalala ni Sir. "At huwag din kayong makalimot na magdala ng isang tao from our department. We're here to help naman lagi pagdating sa mga ganitong events ninyo."

No matter how organized you can be, there will always be a problem in between. Kahit anong plano mo, may mangyayari pa ring hindi mo inaasahan. Pero the show goes on. Hindi porket may problema, aayaw ka na. Face it, conquer it, and learn from it.

Napahinga ako ng maluwang nang matapos ang event. Hindi man ganun ka perfect but, at least nakayanan. Kailangan lang din naming laktawan ang film na naputol. Ayaw nya talagang mag play. May virus na daw yun. Nakatitig lang ako sa Dean namin na nagsasalita sa harap, doing her closing remarks. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makitang tuwang tuwa sya kahit pa nagkaproblema noong una. Seeing her smile like that is enough for us to be appease. Lalo na at ang tagal nya natapos.

May second event pa kami bukas. First event pa lang, sobrang stressed ko na, sana naman bukas wala nang abirya. "You did great, by the way. You handled the the problem very well. Kahit pa muntik ka nang maiyak. Congratulations." Sabi nya dahilan para mag-init ang boung mukha ko. Bwesit naman e. Bakit ba ako kinikilig? "I was looking at you the whole time, hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa'yo e. Pero ang ganda mo dyan sa sout mo. You looked too formal, bagay sayo." doon ko na sya nahampas sa braso. "Aw! What's that for?"

"Ako tigil tigilan mo ha, naiinis pa rin ako sa boung pangyayari. Pero salamat at naappreciate mo ang look ko tonight."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Where stories live. Discover now