Sixteen

19 2 0
                                    

Byernes na ngayon at gaya ng inaasahan kapag desyembre, palaging umuulan. "Its okay kung hindi ka tutuloy." Aniya nang mapansin naming parehas ang panahon, makulimlim kasi. Kaso, nakokonsensya naman ako, wala na nga akong Christmas gift sa kanya tapos hindi pa ako sisipot sa usapan namin. "No, this is the only thing that I can give to you ngayong pasko. Don't worry, malapit na ako." Reply ko sa kanya. Totoo, bago sa akin ang gawin 'to. Ni minsan kasi hindi ako lumabas kasama ang isang lalaki kahit kaibigan ko pa yan, pwera nalang kung may kasamang mga kaibigan. Pero, lalabas lang naman ako kung kinakailangan.

Bali, ako at oras ko mismo ang Christmas gift ko sa kanya. Corny pakinggan at parang walang kaeffort effort pero ito lang talaga ang naisip kong paraan para pasalamatan sya at kukunin ko rin yung gift ko noh, akin kaya yun. "You'll laugh at me kapag nakita mo na ako. I looked like a delivery boy sa itsura ko." Sus, kahit naman noong student teacher pa kita palagi akong palihim na natatawa sa'yo.

Habang binabaktas ko ang kahabaan ng sidewalk ng Cebu Normal University, walang tigil naman ang dagundong ng puso ko. Tangina, bakit ba ako nagkakaganito? Wala naman syang ginawa para maging ganito ako sa kanya. Biglang umambon kaya kinuha ko yung payong ko at na nasa back pack. Palapit na ako nang palapit hanggang sa nasa harapan na ako ng gate. Ang sabi nya nasa may waiting shed daw sya. Ang waiting shed na katapat mismo ng gate. Para akong tanga kasi hindi agad ako lumapit sa kanya. Tho, hindi ko pa naman sya nakikita pero nararamdaman kong kanina pa sya naghihintay.

Mga ilang minuto din akong nakatayo doon at pilit pinapakalma ang sarili. Nanginginig na ewan. Parang gusto kong maihi, bwesit. "Kaya mo 'to Melody. Harapin mo na sya, ito naman. Kailan ka pa nahihiya ha?" tangina, naghihintay nga pala sya. Aba, kumilos ka na nga dyan! Dahan dahan akong lumapit doon sa gilid ng waiting shed pilit nilalabanan ang pangangatog ng binti. Bwesit ka talagang lalaki ka.

Ilang beses pa akong huminga ng malalim. Pakiramdam ko kasi, kinakapos ako ng hangin e, hindi ako makahinga ng maayos. Aba, wala naman akong history ng hipa ah! Hindi rin ako asthmatic, nakakainis na ha. Unti unti ko na syang nakikita na ang lungkot lungkot ng mukha. Tulala itong nakatitig sa simento. Iniisip siguro nitong nagbago na ang isip ko. Tumutupad naman ako sa usapan. "Hi, Sir!" tawag ko sa kanya habang nakangiti. Bwesit, bakit ba ako ngiting ngiti? Tinikom ko nalang ang bibig ko at tumalikod. Agad naman syang tumayo nang makita ako. Tuleg, ang laki naman yata ng regalo nya.

Panay ang salita nya patungkol sa gift pero wala talaga akong naiintindihan. Kahit nagbiro pa sya ay hindi ko talaga masyadong nakuha. Nangingibabaw kasi yung malakas na tambol ng puso ko at ang cliché pakinggan pero baka marinig nya yun kaya medyo dumistansya ako ng konti. "Hmm, samahan mo nalang ako sa loob Sir." Sabi ko nang hindi makatingin sa kanya ng diretso. Pupunta kasi ako sa museum nila dahil may kailangan akong tingnan doon para sa thesis ko. Alam naman nya yun kaya pinili ko ring ngayong araw ko gawin ang pagpunta dito at para isabay nalang yung pagkuha ng regalo ko. "Sigurado ka?" aniya na parang hindi makapaniwala. "Yes oh yes!" sagot ko sabay ngiti at nag-iwas agad ng tingin.

Mas nauna pa akong pumasok sa kanya at nakalimutan ko ngang kailangan pa palang mag log book. Natataranta kasi ako at gusto ko nalang tumakbo palayo sa kanya. Bwesit talaga oo. "Ms Caro." Tawag nya sa akin pero hindi agad ako lumingon, kunwari namangha sa fountain nila na nakapatay naman. "Ms Caro." Nilingon ko sya at saka sumagot, "Yes sir?" hanep ka talaga sa mga damoves mo Melody. Geh, kunwari ka pa. "Kailangan daw mag log book." Aniya at lumapit ako. Nanginginig pa akong nagsulat ng pangalan ko at iniwan din naming ang ID naming kay ateng guard. "Grabe, ang lamig." Talaga lang ah? E naka turtle neck na sweater ka nga e. Nilalamig ka pa? Gusto kong hampasin ang sarili ko. Kung ano ano ng palusot ang ginawa ko hindi lang nya mapansin na kinakabahan ako. Hindi dahil sa lalaki ang kasama ko kundi ay dahil sa kanya mismo! Lintek talaga.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon