Twenty Three

14 1 0
                                    

"Wishing you a joyful Christmas filled with happiness with your family and loved ones! Merry Christmas! God Bless!" Bati ulit ni Cian pag sapit ng tanghali. Kakagising ko lang from my deep slumber at ngayon lang ako nakapag online. "Likewise dong, Merry Christmas din." Sagot ko rin sa kanya. Nagreply din sya na sana magkalablayf na daw ako. Parehas lang sila ng wish ni Holi, sana daw magkalablayf na ako. Jusko naman, sobrang loner ko ba at mga kaibigan ko na ang nagwish na sana nga magkalablayf na ako? Aanhin ko naman kasi ang love life, di ba? Tsaka, hindi ko kailangan ng lalaki para maging masaya, aba!

Hindi naman kasi kailangan na ang happiness mo ay nakadepende sa isang tao. Dahil kapag ikaw masanay at magkahiwalay kayo, nako sorry ka nalang. Baka isipin mong wala ka ng rason pa maging masaya muli. Char, speaking like a love guru. Natawa ako sa sariling kakornyhan. May sinend sa akin si Sir, isang screenshot mula sa isang sikat na page.

I WISH TO START MY 2018 WITH YOU.

Yan ang nakalagay sa picture. Napangiti ako saka naisip na pwede ko nga syang papuntahin dito sa lugar namin at aakyat kami ng bundok para salubungin ang bagong taon. Lalong lumawak ang ngisi ko sa magandang ideya. "No problem sir, your wish is granted." Although, I may not be a genie but I will certainly do it just to make you happy. Nabanggit din kasi nya sa akin na lonely din daw kasi sya tuwing new year's eve. At never pa syang nakakita ng fireworks in an aerial view. You know, city boy.

"Sigurado ka? Free ka around 11:30pm ng 31? Papayagan ka bang lumabas nyan?"

"Bakit? Ano bang gagawin natin?"

"Punta tayo sa 17th floor nitong condo, may ipapakita akong view na hindi mo pa nakikita before."

"Luh, safe ba?"

"Em, wanna try something crazy? Cause, I want to make your new year's eve exciting." Tinanong nya kasi sa akin kanina kung ano daw ba ang kadalasang ginagawa ko tuwing new year's eve. Wala naman masyado bukod sa nasa loob lang ako ng bahay at lalabas lang kapag alas dose na. "I want to watch fireworks with you." Dugtong nya pa. Napairap ako. Alam ko na ang iniisip nito. "You can bring some of your friends if you want to but pwedeng isa lang para hindi tayo pag-isipan ng masama ng guard?"

Manunuod kami ng fireworks sa 17th floor ng condong ini-istayhan nya ngayon. "Seriously Sir? Nakalimutan mo ba kung saang lugar ako nakatira?" Natatawang tanong ko sa kanya. "Walang wala yang 17th floor mo sir sa ibabaw ng bundok."

"Ay oo nga pala. How stupid of me."

"Ikaw nalang ang pumunta dito sir. Promise, hindi mo talaga pagsisihan at baka nga hahanap-hanapin mo pa." Alok ko sa kanya habang iniisip ang isang lugar na pwede naming puntahan upang panourin ang magandang scene tuwing new year's eve. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. I'm going to show you how beautiful new year's eve is. Parehas lang naman sila tuwing pasko pero kasi, iba pa rin kapag sasalubungin mo ang bagong taon.

"Huwag na, baka pagalitan ka pa e." Alam nya kasing kailanamn ay hindi ako nagdala ng lalaki sa pamamahay namin kahit pa kaibigan ko yan. May gusto ngang mamasyal sa lugar namin at ako ang tinanong para daw mag-aaccomodate sa kanya pero hindi ako pumayag. Bukod sa hindi pwede, ayaw ko rin naman. Hindi kami close para mag alok sya, aba. "Nah, one night lang naman yan tsaka bagong taon din."

"Oh sige, pero magpaalam ka muna, sabihin mo gustong bumisita ang Student Teacher mo para manuod ng fireworks display." Aniya. Sus, tinuruan pa ako. Alam ko na naman ang sasabihin ko. "Para naman kahit papaano hindi ka pag-isipan ng masama dahil may dinala kang lalaki."

"Walang problema yan Sir."

Kinabukasan ay ipinaalam ko rin kay mama na may bisita ako ngayong 31 pumayag naman siya. Sinabi ko rin kasi na siya iyong nagbigay sa akin ni Siby at ang kasama ko sa pagpunta ng museums. "Nanliligaw ba yan sa'yo?" tanong nya sa kin bigla. Napangisi ako at sinabing student teacher ko dati na gustong mamasyal at manuod ng fireworks. May kasama naman kami si Mary, kaibigan ko rin na kapitbahay lang namin.

Hindi mapalis ang ngiti ko dahil sa wakas ay pumayag din si mama. Tsaka, gusto ko rin kasing maranasan nya how does it feels kung kasama mo ang mama at papa mo. Sabi nya kasi di ba, hindi nya pa naranasan yan. Sa tiyahan at lola nya lang kasi sya nakatira. Sila na ang nagpalaki sa kanya. At sabi din nya, naiinggit sya sa pamilya namin dahil mukhang masaya daw. Kaya para hindi sya mainggit, imbitahin ko nalang. Para naman kahit papaano maranasan nya.

Nang matapos na akong magkape ay nakaramdam ako ng pagtawag bigla ng kalikasan. Pumasok ako sa cr dala ang cellphone ko. Nag online ako at saka ko lang nabasa ang chat nya kaninang madaling araw. "Em, I went to have a drink with Aira and her family. Nagkaayaan kasi. But now I'm home. I just realized, iba iba din pala talaga tayo ng mga family issues no? Her family is quite unique. May ibang pamilya ang papa nya at okay lang din sa mama nya. I got to know her mother also."

Hindi ko alam pero biglang humupa yung excitement ko kani kanina lang. At literal talaga na naglabas ako ng sama ng loob. Bwesit naman, oo. "At least you enjoyed. Told you iba iba naman talaga ang problema ng tao, nakadepende lang yan how you handle." Sagot ko nalang sa kanya. Nabwesit ako bigla.

Nagtanong din sya tungkol kay Saint GDL dahil hindi daw maalis sa isipan nya kagabi kung bakit ko raw ba sya nireject. Sabi ko nalang, I will fight for you but I will not compete. If I am interested into someone at kapag pakiramdam ko gusto may gusto kang iba, susupurtahan kita dyan pero kapag sabihin mong gusto mo ako, dyan na kita ituturn down. Aba hindi ako option no. Mukhang napansin naman nya na wala ako sa mood makipag usap sa kanya dahil sa mga blunt kong reply. Ganyan kasi talaga ako kapag wala sa mood. At mukhang nakuha na din nya ang ugali ko.

"Em, why is it like, you're back to the Melody I first know? You tightened your walls again." See? Natumbok din nya. Naiinis talaga ako, bwesit. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya kung bakit ako biglang nagkaganito or huwag nalang dahil mismong ako ay hindi makapaniwala sa nararamdaman ko. Jusko naman, umagang umaga kasi, sinira nya ang maganda kong mood. Bwesit talaga. Hindi nalang ako nagreply pa dahil baka kung ano pang masabi ko. Kailangan ko munang kumalma. Nag offline ako.

"May hindi ka nalalaman tungkol sa akin."

"I am afraid, if you will know, you will..."

"Em"

"Em"

"Em"

"Losing you would be the worst feeling ever. I think I love you na, deeply."

"So, kailangan ko na talagang sabihin 'to sa'yo."

"Em, I have a feto alcohol syndrome. That is acquired noong nasa sinappupunan palang ako ng mother ko. She was drinking and keep doing drugs when I was on her womb. This syndrome is rare. At ang results nito is, I get moody, my behavior would change. And worst part is, I cannot control the thirst for alcohol. If I can't drink atleast for two weeks. Manginginig ako na parang mababaliw. At hindi lang yan, matapos kong makainom, I'll have a mood swings."

"That is the reason why I don't want a family because I'm too scared I couldn't control myself. Kaya hindi na ako aasa at mangangarap pa Em because this is the curse that my parents have left me."

Pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob. Bumalik nalang ako sa kwarto ko. Pero bwesit, hindi ko pala sya matiis. Ano na naman ba itong nangyari sa akin. Galit ako pero hindi ko naman sya matiis. Nag online ako ulit at bahagya pa akong nagulat sa haba ng mensahe nya. Pero kahit naman ang dami nyang sinasabi hindi naman ako kumalma, mas naiirita pa nga.

"So? I don't care if you drink 24/7. Same as I care less sa papa kong palagi nalang umiinom these past few days as long as may control pa rin. Tulad nalang ng ang alak ay sa tiyan lang dapat at hindi nilalagay sa ulo. You could say na lasingero ang papa ko at minsan ay sumasali din si mama na ang ending ay aayain ako pero I declined dahil I don't drink liquor. Unless kung trip ko but rare lang yan. But the fact that you're a responsible drinker, that would be fine. As long as you don't become violent. What pains me was her. This is the very first time feeling a bit of jealousy and I hate it because this is so not me. I stared at Siby for a quite some time now as I tried to keep them at bay. Even when I'm writing this, my chest is aching as fvck. I need a distraction. Give me time to composed myself."

Tangina, I think, I'm going to get sick. Ang bigatng katawan ko.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Where stories live. Discover now