Thirty Three

9 1 0
                                    

As usual, sabi na naman nya grabe daw yung pag-iintinding ginawa nya, they were on and off the entire month of being in a relationship. Kasi nga pinangako nya sa sarili nya na aayusin na nya ang next relationship nya which happened to be theirs. Kaso yun nga, naging unhealthy.

Tinawanan ko nalang sya dahil namumula na sya sa inis. Hanggang ngayon, mukhang apektado pa rin sya sa nangyari sa kanila. Biriun mo yun, nagsisi pa sya kung bakit naging tanga sya sa babaeng yun. “Meh, nagmahal ka lang, yun talaga ang point.” Sabi ko at muling tiningnan ang mga kuha ko. “Okay na ba tayo? Gutom na kasi ako.” Right, kanina pa nga pala sya gutom.

“Sa gate 1 kita hihintayin.” Aniya pagkatapos. “Okay, kukuhanin ko lang yung mga gamit ko sa taas.” Pagkalabas ko medyo madilim na ang kalangitan. Mukhang uulan pa yata ah. Sakto namang nakita ko si Tui sa kabilang hagdan, pababa, kasama ang mga barkada nya. Siguro, papauwi na din sila. Isa din ito sa mga dahilan ko kung bakit ayaw kong makita niya kaming magkasama. I don’t want him to get hurt.

Even if never naging kami, yet I still care for him not in a romantic way but as a close friend. We used to be inseparable kaya madalas kaming mapagkamalang may relasyon. At yun nga, that confession he made, our feelings were mutual but I wasn’t ready. Well, that was a year or two and I already figure out my feelings for him. It wasn’t that strong, in fact, I’ve seen him now as a dear friend, a brother, nothing more. Perhaps, I’ve moved on.

“Oh, Fren, nandyan ka pa pala, uuwi ka na?” Tanong sa akin ni Liza nang madatnan ko syang mag-isa sa classroom slash tambayan namin, room 324. Tumango ako at kinuha ang mga gamit ko. “Kakatapos lang kasi ng editing namin. Pinapa-uwi na kami ni Madam.” Aniya nang tanungin ko sya bakit di pa sya umuwi. Right, aside sa school paper, abala din kami sa film making namin. Tapos may mga kanya kanyang revision pa sa thesis manuscript. Hindi naman ata kami masyadong busy, ano. Partida, major subjects pa lang yan, may minor subjects pa.

Sabay na kaming bumaba at sa gate 1 na kami dumaan since alas-sais na din ng gabi, allowed na. “Ay hala!” mahinang sigaw nya nang makitang naghihintay sa labas si Ed. “Naks naman, may sundo ka pala frenny.” Tinawanan ko lang sya, “Paano na yung manok ko? Paano na si dong?” oh, bakit nabanggit na naman si Cian? Kung sabagay, siya lang pala nakakaalam tungkol kay Cian. At palagi nya akong inaasar dun. “Tumigil ka nga. Friends lang kami.” Saway ko sa kanya na natatawa. Yes, we’re just friends because that’s how I wanted us to be.

I smiled at him when we reach outside kung saan sya naghihintay at sabay kaming naglakad. But with this guy beside me, I can’t say na I want us to stay as friends. Kasi pakiramdam ko, the more they asked and I answered them with an honest one, the higher the tendency that I will be hurt. So what happen now to my, I will never be fooled, keme? That news rendered my curiousity even more. I wanted to know him more kung bakit ganun sya. There must be a reason. He wasn’t born to break hearts.

They greeted each other and we talk for a while… Actually, I’m so freaking exhausted from all the works I’ve done these past few weeks. At palagi ko silang nararamdaman tuwing uwian. I got drained sometimes, tao lang din. May times pa na lutang ako. “Bye Frenny! Ingat kayo!” Paalam niya nang maghiwalay kami ng daan. I smiled and bid my goodbye as well, waving my right hand when suddenly, I got tripped!

I almost fell! Right, I was wearing my boots and medyo madilim sa parting dinadaanan namin. Kung hindi lang mabilis ang reflexes ko, maybe sumalampak na ako sa konkretong kalsada, una mukha. I laughed with my clumsiness along with my friend who is also laughing when she saw what happened. “A-are you okay?” Dinig kong sabi ni Ed na ilang segundo din atang natulala sa nangyari. I laughed.

“Yeah, I’m fine. ‘Di ko lang napansin ang dinadaanan ko.” That’s when he bursted laughing. Late reaction ang lolo nyo. “Fvck! I was amused by how you walk flawlessly until you tripped.” Aniya habang inaalalayan na ako. Hindi naman ako napano. I balanced myself well. “Sa susunod kasi, maglakad ka ng maayos, huwag yung para kang rarampa, wala ka sa runway.” Dagdag pa nya na muling inenspeksyon ang kabuuan ko at nag-alalang tiningnan ako. Ngunit, natatawa pa rin sya. Kahit ako, natatawa sa sariling ka lamyaan.

“Ano ba fren! Mag-ingat ka naman. Sir, ingatan mo nga yan, keep an eye on her baka madapa na naman yan at una mukha, sayang ang ganda.” Rinig kong sigaw ng kaibigan ko sa di kalayuan, natatawa pa rin. “Oo nga e, sorry sorry, I got shocked kaya hindi agad nakakilos.”

“That was epic. Kung sa movie pa ‘yun nangyari, may slow mo yun tapos nasalo ng lalaki ang babaeng natutumba sa harapan nya.” Sabi pa nya dahilan para matawa ako lalo. “I’m sorry I wasn’t fast enough to catch you. I was shocked at hindi agad nakakilos.” Sino ba naman kasing hindi magugulantang sa nangyari. Tsaka, nasa realidad naman tayo, walang slow motion na camera, walang director, walang script. “You’re clumsy din pala, mas lalo tuloy akong nagkaroon ng rason para alagaan ka.”

I straightened and composed myself, “Lol, I’m good naman, I can handle myself well.” Sabi ko sabay tawid sa kalsada. Nasa gilid lang sya, making sure na I won’t fall again. “Oh really? Ano pala yung kanina lang? Muntikan ka ng matumba.” He argued, insisting na gusto talaga nya akong alagaan. Which is no need naman talaga. “Really, okay lang. I’m just tired at inaantok na rin.” Natatawang pahayag ko. At this hour, pahirapan ang sakayan, rush hour kasi kaya matagal-tagalan pa kami rito. At umaambon pa, right, just right.

“You’re tired? Taxi nalang kasi tayo. Kahit ngayon lang.” Oo nga pala, palagi nyang ini-insist before na magtataxi kami pero ako yung may ayaw. Kung may chance naman na makakasakay at hindi nagmamadali, okay naman sa pampublikong sakayan at makipaggitgitan. “Fine.” Sabi ko nalang since inaantok talaga ako at ang bigat na ng katawan ko tapos palakas nang palakas ang ambon.

Agad naman nyang pinara ang taxi na paparating at saktong wala itong pasahero. Right after maka-upo ako, bigla kong naramdaman ang pamamanhid ng binti ko. Ang pagbagsak ng katawan ko sa sobrang pagod. Napahikab ako sabay nilingon sya na naka-upo malapit sa kabilang bintana. Nasa pagitan ang bag namin parehas. Kinuha ko ang bag, “Usog ka dito.” He was surprised at first pero sumunod din naman. Nilagay ko yung bag namin sa gilid nya, malapit sa bintana.

“Would you mind if I sleep? Inaantok kasi talaga ako e.” tumango lang sya sabay umo-o. He stiffened a bit when I put my head on his shoulder but recovered still. He wraps his arms around my shoulder para maging komportable ang ayos ko. His warmth is so enticing na lalong nagpapaantok sa akin. And that’s when I felt… home.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Where stories live. Discover now