Three

25 1 0
                                    

I am always straightforward. Minsan nga wala akong preno kung magsalita at di ko namamalayan, nakakasakit na pala ako ng damdamin. Huminga muna ako ng malalim dahil sumikip bigla dibdib ko. Ewan ko pero nahihimigan kong seryoso na talaga sya.

"Kahit naman gusto kita dong, hindi lang basta bilang kaibigan, at kung umabot man sa puntong mahal na kita, hindi talaga pwede. Di pa ako handa pumasok muli. Marami pa kasi akong responsilibities na ginagampaman. I need to focus sa goals ko."

At least, nasasabi ko ang tunay kong nararamdaman. Hindi man iyong direkta pero yun talaga ang totoo. Ayaw ko pa, hindi pa ako handa. Nasa sa kanya naman yan kung handa syang maghintay pero hindi ko rin yun sabihin sa kanya dahil alam kong kalaunan, mawawala din itong nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman ito ganun ka lalim at hindi naman ako ganun ka babaw na tao na kapag pakiramdam ko, gusto ko sya at ganun din sya sa akin ay susugal na agad ako.

"Sabagay, ako din naman, I'm not yet ready. Anyway, antok na ako babe, kakauwi ko lang kasi from work, tulog muna ako ha?"

Ngumiti ako ng mapakla, mawawala rin ito. At maglalaho din yang nararamdaman mo para sa akin dong. Tsaka, aware akong hindi ako ang hinahanap ng puso mo kundi sya. That girl whom you loved secretly for almost 7 years na. Siguro gusto mo lang syang kalimutan or what kaya sa akin mo dinidirekta ang atensyon mo.

I was preoccupied with our finals and ang daming projects na isusubmit. Partida busy pa kami sa campus radio noong nakaraang linggo kaya madalang na din akong makakapagreply kay Cian. Perhaps ganun rin naman sya since sabi nya nung huli, family related na naman. Naawa na ako sa kanya sa totoo lang, ang dami ng pinagdaanan nung tao pero ayun pa rin sya at hindi sumuko. Dapat lang naman no, kung gusto nyang makamit ang mga goals nya.

At ito na nga, enrollment na naman for second semester. Ang bilis lang ng panahon talaga. Akalain mo nga namang, second semester na to sa pagiging third year student ko.

Pero hindi kasing bilis ng panahon and usad sa pila sa registrar. Jusme, maloloka na ako sa tagal nila. Ang dami na ring nagrereklamo na mga estudyante. Sabagay, sino ba namang hindi kung umaga pa kami nandito at hapon na ngayon.

Pero tiis-tiis lang talaga kung gusto mong makapag enroll. Sa awa ng Diyos, nakaraos din naman at muntik pa akong masarhan ng accounting. Tsk. Buti naawa sa akin si Miss.

I checked my messenger pero hindi sya nagreply sa last reply ko noong isang araw pa to. Hindi nalang ako nag-atubiling i-chat sya. Baka busy yung tao. Matutulog na sana ako nang magpop up yung icon nya.

"Bbbaaabbee!" Napaangat ang isang kilay ko, excited naman nito.

"Oh? Anong meron at masaya ka yata?" Hindi sa ang taray ko ha, ganito ko lang talaga sya kakausapin minsan.

"E babe, naguguluhan kasi ako." Na naman? What is it this time?

"Saan ba?" Bumalik ako sa inuupuan ko kanina. Maaga pa naman.

"Sandali lang babe, namiss kita. Hahaha" Napangiti ako, parang bata lang.

"Ikaw ba, namiss mo ba ako?"

"Sorry, pero hindi e." True. Hindi ko sya namiss talaga, kahit naalala ko sya minsan since bukambibig sya ng kaibigan ko, lagi nya akong inaasar sa kanya. Pero, hindi naman. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na medaling makakamiss. Abnormal ko yata.

"Ouch, lagi mo nalang talaga akong ginaganyan babe. Ayaw mo talaga sa akin noh?" Napalabi ako, here we go again.

"Luh, di naman sa ganun. Hahaha,so, ano na yung ichichika mo dong?" Sabi ko nalang, baka kung saan saan na naman kasi kami mapupunta e.

"E kasi babe, this Sunday, may reunion kami, high school classmates." Napataas ang kilay ko, so? Ang saya kaya nyan, reunion. Yung amin puro nalang drawing. Tss.

"Tapos? Ayaw mo bang pumunta?"

"Hindi naman sa ganun, kaso."

"Ano ba? Binibitin mo na naman ako e."

"Nandun kasi sya. Magkikita kami ulit after 6 years." Napatawa ako, anong problema kung nandun sya?

"Sus, pumunta ka nalang. Kahit naman di kayo nagkikita ng mahabang panahon, palagi mo rin naman syang pinagmasdan sa malayo." True. Sinabi nya kaya yun sa akin. Dumating pa nga sa point na, pinadalhan nya yun ng favorite nyang Jollibee. Kasi broken hearted si ate mong girl at pagoda daw.

"Para naman masabi mo na sa kanya ang tunay mong naramdaman at sabihin mo na ring ikaw yung nagpadala sa kanya ng Jollibee noong isang buwan. Hahaha" Ang tanga din kasi ng isang 'to e. Babae na nga yung lumapit sa kanya dati, siya naman yung umayaw. I mean, wala syang ginawang action bagkus hinayaan nya lang ito hanggang sa magkahiwalay sila dahil nga graduate na. They eventually went on separate ways.

Kaso ang loko, late na nyang na realize na mahal nya yung tao at ayun wala ulit syang ginawa para puntahan ito. Jusko. Kaya hanggang tingin nalang sya makalipas ang ilang taon. Nagka nobya ng tatlo pero din rin nagtagal.

"Ayoko babe e, nahihiya ako. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya, alam mo na." Sabagay, nawala sa kanila ang lahat but I don't think, basihan yun. Ewan.

"Edi, yung likuran mo ang ihaharap sa kanya. Easy." Biro ko pa.

"Ayan ka na naman babe e. Dinadaan mo sa biro ang lahat."

Kung ako sa kanya, pupunta ako sa reunion na yun, maybe not for her but for my classmates. Pero nasa kanya pa rin naman yun.

"Ganito nalang, magpakita ka lang dun, kahit hi lang sabihin mo sa kanya, tapos kumustahan, ganun. Para naman maibalik nyo yung friendship nyo tapos doon muna sabihin sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Jusmiyo, madali lang naman yan dong kung gugustohin mo lang."

"E sa ayaw ko e, bahala na nga lang."

Nagkibit balikat nalang ako. "Ikaw bahala. Malaki ka na naman. Pero sayang talaga dong e, chance mo na sana yun." Single na kasi ulit si ate. Tigas din kasi nya minsan. Gusto ko lang naman maging happy sya at si ate girl ang magiging dahilan nun. Siya lang naman kasi ang kulang sa kanya para magiging totoong happy talaga sya. Hindi din kaya biro yung nararamdaman nyang tinatago nya lang.

Makalipas ang isang lingo, nagging busy na ulit ako, pasukan na naman kasi. Hay naku, di ko nga alam kung nakapag relax ba ako sa dalawang linggong pahinga. Paano kasi, thesis yung inaatupag ko. Jusmiyo. Unang lingo ng Nobyembre yung proposal namin, kumusta naman daw yun?

"Miss Caro?" kinakabahan ako, jusme. Tinawag na ni Miss Lomina yung apelyido ko. This is our third day at Friday ngayon, we are going to memorize the preamble of 1987 Philippine Constitution sa harapan for us to proceed to the lesson. PolSci. Tsk.

Tumayo na ako at sa kasamaang palad, di ko na memorize ng bou, kabisado ko pa to kaninag lunch e. Tss. Siguro dahil kinabahan ako. Ayun, maaga kaming umuwi. Apat lang daw yung natira sa boung klase. Yun kasi ang rule, kapag di mo na memorize yung preamble, uwi ka nalang. Sa susunod nalang ulit.

"Hi miss." Bati namin kay miss nang madaanan naming sya sa activity center. Sya yung student teacher naming sa natural science kaninang umaga. Ang cute nya, super, pati yung height nya din. Pero cute talaga sya. Marami din akong nadaanang mga student teachers, I see, based sa nalaman ko, sa school na to daw muna isasabak yung mga student teachers before sila pupunta sa ibang school.

Oh well, wala naman akong pake dun since di naman education kurso ko.

Speaking of, kaya pala may namataan ako kaninang mga naka formal suit sa last class namin which is yung political science. Na hindi ko rin naman pinagtuunan ng pansin kasi akala ko, kaklase lang namin sila.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon