Five

26 1 0
                                    

"Since hindi ko pa naman kayo kilalang lahat at palagay ko, marami sa inyo ang hindi pa nakakilala sa akin. Might as well, umpisahan natin ang klase sa pagpapakilala. Typical thing to do para sa first day of school." May ibang natawa at yung iba naman parang wala lang. Oh well, umirap nalang ako. Ano pa nga ba?

"My name is Earl Dion Perru and I'll be your student teacher in Political Science for awhile." Ako lang ba or talagang maraming kinilig sa klase lalo na ang mga kababaihan at binabae. Napailing ako. Tinitigan ko talaga sya habang nagsasalita sa harapan. May style pa yung pilantik ng kamay nya. Sayang naman ito kung lalaki pala gusto nya. May ibubuga din kasi.

Kaso, para sa akin, mukha syang si Loki Mendez ng Project Loki ni kuya Cris. Mahaba ang bangs at kung hindi lang kinakailangan magsalita, hindi ito magsasalita. Misteryosong tao. Yung isang tingin mo lang mapapatitig ka kasi bakit naman ito ganito kung umasta. Para bang bangkay na tinubuan ng mukha at katawan. Or ako lang talaga itong kung ano anong iniisip sa kanya?

Natapos ang klase na ganun lang pero may binilin syang assignment sa amin para next meeting. Wala namang nakapag reklamo since sobrang huli na din namin sa ibang klase. Puro kasi preamble.

Isang gabi nag chat sa akin si Tui. Napataas ang kilay ko. Ano na naman ang kailangan nito? Oo nga pala, hindi naman ako galit sa kanya o ano. Pero naging kaklase ko sya sa isang minor subject last year pero hindi naman ako pinansin nun. Nagtaka nga pati mga kaibigan ko kasi sila pinansin at ako lang yung hindi. Inasar nga nila ako na baka raw galit sa akin kasi pinaasa ko daw yung tao.

Tapos kamakailan ko ring nalaman na nagseselos pala sa akin yung girlfriend nya na ex na nya ngayon sa akin. Nagsorry na din naman sya at wala naman yun sa akin. Pinatawad ko lang din naman sya agad at magkaibigan na kami ulit. Hindi nga lang gaya ng dati na halos mapagkamalan na kaming magjowa.

"Mel! Pwedeng favor?" Jusmiyo, ano kaya ito?

"Ano na naman yan Tui?"

"Pwedeng pahiram ng ID mo bukas?" di ko maiwasang magtaka. Bakit? Nasaan ba yung ID mo? Mukhang gets na naman nya kung anong sunod kong sabihin sa kanya kaya sya na mismo nagsabi sa akin. "Nahulog kasi yung ID ko sa sasakyan kahapon." May kasunod pa yang smiley. Naiimagine ko tuloy yung mukha nya madalas kapag nakagawa ng katangahan. Ngising ngisi na parang bata.

"Jusko naman, ang tanga mo talaga kahit kailan noh?" Napatawa nalang ako. Tapos sa akin pa sya mamomroblema. Aba! "Bakit sa akin pa? Doon ka sa mga kaibigan mo." Speaking of, mukhang hindi na yata sila nag-uusap ng mga kumag na yun. Madalas ko na kasing makita ang mga yun na wala siya at nitong nakaraang sem lang, palagi nalang syang mag-isa.

"Bahala sila, mga BI naman yung mga yun. Anyways, tulungan mo naman akong makapasok bukas, kailangan ko kasing makaattend sa klase naming." Sasabihin ko sanang, bakit bagsak ka na naman ba? Pero hindi na, tinatamad na akong makigpagchikahan sa kanya. Umuo nalang ako para matapos na agad.

Kinaumagahan, nagpasama ako kay Joy para hintayin si Tui sa may gate 2. Yun kasi ang upasan kagabi. Asa naman syang itong ID ko ang ipapahiram ko sa kanya. Hindi noh? Ano sya sinuswerte? Kay Joy ang gagamitin ko. 10:30 pa naman ang first class namin at saktong may 30 minutes pa kaming maghintay. 10:30 din yung kay Tui.

Malapit na kaming tubuan ng ugat pero wala pa ring Tui na nagpapakita. Aba, ako na nga ang nagmamagandang loob tapos iindianin pa nya ako? Ano 'to? Lokohan? Ganun? Nagreklamo na si Joy na katabi ko lang kung nasaan na ba daw si Tui. Inasar pa ako ng gaga. Kesyo nagkabalikan na ba daw kami. "Lol, walang ganun Joy. Tsaka hindi naman naging kami." Hindi nalang sya kumibo pa at nagbubutinting ng phone nya.

Maya't maya lang din akong lumingon sa labas ng gate baka kasi nandun sya sa malayo, yung hindi kita ni kuyang guard. Pero ibang tao ang nakita ko. Isang naka dark gray na t-shirt, black slocks at phone sa kamay. Nakayuko ito na halos halikan na ang nilalakaran sa sobrang seryoso. May kinuha ito sa bulsa nya , isang ID at agad naman itong sinabit sa leeg at pumasok ng gate.

Nang makapasok ay panay pa rin ang yoko na akala mo ay walang tao sa paligid nya. Nang makalagpas kay kuyang guard at saktong katapat na namin ay kinuha nyang muli ang ID nya at sakto namang nagsalita si Joy. "Si Sir oh." Hindi ko alam pero kanina pa pala ako lihim na napangiti sa inasta nya. Pasaway din pala 'to.

"Hi Sir!" Magalak na bati ng katabi ko at agad syang napalingon sa pwesto namin. Saktong nakita nya ako at nginitian ko sya, "Good morning Sir!" tumango naman sya at bumati rin. Hindi ko alam pero lihim talaga akong natawa sa kanya. Hindi ko lang kasi akalain na ganun sya umasta. I mean, mukha syang good boy dahil siguro tahimik lang sya at palaging mag-isa pero rule breaker din pala.

Umiwas lang ako ng tingin nang lumiko na sya at hindi ko na nakita. 10:30 na rin pala pero wala pa ring Tui ang nagpapakita. Bahala sya. Umalis nalang kami doon at bumalik sa klase.

Hapon na at last subject na naman namin. Naka cross arms at nakapambabaeng upo lang ako sa upuan ko habang nakatingin sa unahan. Kitang kita ko mula rito ang upuan nya at ang lamesa niyo. Ewan ko ba pero mukhang wala ako sa mood ngayon magsalita. Ang strict pa ng aura ko. Jusmiyo, may times talaga na trip ko maging ganito. Tinatamad din akong dumaldal.

Pagkaraa'y biglang nalang may lumitaw sa harapan. Yung naka gray na t-shirt kaninang umaga pero black na ngayon. Hindi ko man lang namalayan ang dating nya, tulala pala ako. Spacing out na naman.

"Sorry, tinanggal ko muna yung coat ko, mainit kasi. Naiinitan ako." Paliwanag nya as if interesado kami, I mean ako lang pala ang walang pake. Pinasadahan ko sya ng tingin. Tinukod nya ang isang kamay nya sa lamesa at kitang kita ko kung paano gumalaw yung mga viens nya. May muscles pala 'to kahit payatot. Tumango tango ako, "Hmm, naggi-gym ka pala. Hindi naman halata." Bulong ko sa aking sarili. In fairness sa'yo ha?

Ngayon ko lang din naappreciate ang mga ganung mucles. Maganda pala talaga tingnan. Palagi naman akong nakakita ng mga macho sa tv o di kaya sa social media pero napapangitan naman ako. Siguro iba lang talaga sa personal. Kunsabagay, may nakikita din naman ako in person pero hindi ako nagagandahan.

Siguro naninibago lang ako sa kanya kasi payatot siya pero may muscles. Habang nagsasalita sya sa unahan, wala naman akong naiintindihan. Tinitigan ko lang sya na kahit kailanman ay hindi tumingin sa gawi ko. May galit ba to sa akin or di lang siguro nya ako kita. Bawat galaw nya, sinusundan ko. Hindi ko alam pero biglang humupa yung nararamdaman kong hindi ko mawari kung ano. Umayos ako ng upo at muling pinagmasdan syang nagsusulat. Hindi ako mahilig mag take down notes.

May activity syang ipapagawa. Nilarolaro ko lang yung pen ko habang nakikinig sa instruction nya at kamuntik pa akong antukin. Ano ba yan Melody!

Pagkaraa'y nagform kami into circle. Si ako na hindi naman nakinig talaga, sumunod nalang at muling nanahimik. Kaso mukhang nagkaproblema sa grupo naming. "Wait, anong gagawin ba?" Tanong ko sa kanila. Hindi naman sila nagtaka sa nagging tanong ko. Hindi nga kasi ako nakikinig.

"Hindi ko kasi alam kung paano to gawin." Sabay taas nung bond paper na hawak nya. Hindi ko sya kilala pero base sa uniform nya, mukhang tourism ito. "Sa dami nito, at 30 minutes lang yung binigay nya." Kailangan daw kasing i-discuss nya sa amin yung tatlong constitution ng Pinas at kung ano ano ang mga nangyari doon. Ito yung binigay na activity ni Miss noong isang linggo, yung apat lang ang natira.

Buti nalang at may kopya ako nun, nanghingi ako kay Holiscite. "Di ba binigay yan sa inyo para basahin at intindihin? Ganito nalang, i-share mo sa amin kung ano yung mga naiintidihan at natutunan mo tapos ako na magdidiscuss sa kanila sa mga hindi mo nabanggit. May kopya naman ako, hati tayo ng grupo." Since marami rami din naman kami.

Katabi ko si Joy at kumuha lang kami ng mga sa tingin namin ay importanting events. Binigay din namin ito sa iba para naman kahit papano, kapag natawag sila, may maisagot sila. Busy kami kakabutingting sa phone ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "Miss Caro." Nanigas bigla ang katawan ko sa hindi malamang dahilan.

Nilingon ko si Sir na naglalakad sa bandanglikuran ko. "Yes Sir?" Hindi muna ako tumayo. "Can you give at least one eventsa 1987 Philippine constitution?" Sa lahat, ako pa talaga ang tinanong?Napatingin ako kay Joy na may halong kaba at muli ay sa kanya na nakangiti.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Where stories live. Discover now