Twenty One

11 2 0
                                    

"Was it just me or I really felt it that you were comfortable habang magkasama tayo?" Biglang message nya sa akin. Hindi agad ako nakasagot, naisip ko rin kasi. Sa dalawang araw na magkasama kami, parang nasasanay na din ang sistema ko. Pero alam ko ring sa kanya lang ako ganito kahit pa sabihin nating ngayon ko lang din ito ginawa. Malakas kasi talaga ang pakiramdam ko na may magbabago. Hindi ko lang alam kung ano o sino.

"Anyways, I wanted to say it kanina but you seem a bit tired na. Gusto ko lang namang ipaalam sa'yo na, I am here for you as a friend not a suitor." Kasi nga alam mong I don't entertain sa ngayon. Paano pala kapag hindi kita sinabihan nyan dati? Will you still say the same? Alam mo ba kung bakit sinabi ko yun sa'yo? Kasi alam kong may potential na maging suitor ka nga. Napailing nalang ako sa naisip. Mabuti at naramdaman mong ayaw ko ng manliligaw. Kaya ayan at pinili mong maging kaibigan ko lang.

"If not friend, someone you know you can rely on." Sana nga ay sinsiro iyan. Baka kasi sa paglipas ng panahon, bigla ka nalang maglaho na parang bula. "I don't want to hinder you sa mga goals mo instead I want to contribute kahit isang porsyento lang. I decided to buy that dog kasi you really love animals but giving you a real one might hurt you kasi baka mamatay lang din." I really don't know what you are up to. Aware naman ako sa mga pinanggagawa mo. Kailan lang din tayong nagkakakilala tapos gumaganyan ka na. Ewan, baka nagoover think lang siguro ako.

"I will never forget this day tsaka yung kahapon din. I get to see, talk and really know the woman I think I love na." Ang bilis mo palang ma in love Sir. Seryoso ba tayo dyan? Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapakla. Ayan tayo e. Nakikipag-usap lang, sinama sa lakad nya, in love ka na agad? Ganito na ba talaga ang mga tao ngayon? I'm just being nice to you lang naman, hindi big deal. Hindi ko nalang yan sinabi sa kanya, baka isipin pa nito ang arte ko. "Thank you so much for giving me the opportunity."

"You're welcome Sir, salamat din." Reply ko sa mahabang mensahe nya. Parang nagpapaalam naman ito. "Anyways, I'll be in your hometown na in a few days from now." Aniya. Napasimangot ako, kasi naman namimiss ko na yung lugar namin. Kung sana pwede akong makabisita man lang doon kahit saglit lang di ba? Kaso, hindi kasi ako papayagang bumyaheng mag-isa e. Jusko naman, bente uno na ako, ang daming bawal sa akin. Oh well, masunurin kasi akong anak.

"Sir, pagdating mo doon, huwag mong kalimutang pumunta sa tulay ha?" sobrang ganda kasi roon. May plaza sa gilid ng malawak na karagatan. May mahabang tulay din. May sinend ako sa kanyang picture kung saan nandun ako sa tulay mismo. Hindi naman talaga sya mukhang bridge, isang mahabang kalsada lang sya papunta sa bandang gitna ng karagatan.

"Wow, ikaw yan?" Aniya. "Short hair ka pa ah." Oo nga pala, this year lang yan, noong February. Umuwi kasi kami ni papa noon sa lugar nila pero isang araw lang. Kabitin nga e. "Pero kahit anong style naman ng buhok mo, you are still beautiful." Napairap ako sabay ngiti, "Matagal ko nang alam yan Sir." Tumawa sya dahil ang taas daw ng confidence level ko.

"Ate, uuwi ako sa probinsya ngayong miyerkules. Sama ka." Alok bigla ng pinsan ko kinabukasan. Agad nagningning ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng dugo. Weird. Uuwi lang naman kami. "Maaaaa!" sigaw ko sabay bumaba sa higaan. Ang laki ng ngisi ko, jusko naman. "Uuwi si Lyn-lyn sa Moalboal ngayong miyerkuless, sama ako ha?" Tumingin naman si Mama sa pinsan ko na sumunod din pala sa akin.

"May pera ka ba?" Napasimangot ako, alam naman nyang bakasyon, wala akong allowance. "Alam mong kakaanak lang ng ate mo, ang laki ng bills sa hospital." Nanlumo ako bigla, kahit naman kasi may kasama akong umuwi doon, wala din naman akong pamasahe. Alangan namang lalakarin ko di ba? Ang layo ng Moalboal sa Bulacao, aba.

Naiinis nga ako sa kanila minsan e. Ilang beses ko na kasing sinabing magpapart time job ako, kasi naman nakakaburyo kaya sa bahay minsan. Ayaw naman nila akong payagan. Kesyo focus daw ako dapat sa pag-aaral ko. Tsaka, baka daw hindi kayanin ng katawan ko. Stress na nga daw ako sa school, dadagdagan ko pa raw ba. Namimiss ko na tuloy magtrabaho. May work kasi ako dati, noong mga panahong tumigil muna ako sa pag-aaral.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon