Thirty

9 0 0
                                    

“Hey, careful.” Aniya nang makitang naapakan ko yung matulis na part ng bato at medyo napangiwi ako. “Ay char, thoughtful pala si Sir.” Pang-aasar ni Holi na nasa hindi lang kalayuan namin. “Luh sya, di naman masakit.” Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako komportable na nasa tabi ko lang sya o kahit malapitan lang. Ewan, siguro kasi sanay akong puro babae kasama ko.

“Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan. Kapag ikaw nadulas dyan, yari ka talaga sa akin.” Aniya na nagagalit kunwari. Isa pa ‘tong ugali nya na hindi ako sanay. I mean, there is nothing wrong of being thoughtful naman. Ang akin lang, kaya ko naman ang sarili ko. No need to remind me about being careful kasi kaya ko naman alagaan sarili ko. “Yeah, whatever Sir. Dyan ka lang talaga? Ayaw mong lumapit dito? Ang ganda ng alon oh, lalo na kapag humahampas sila sa paa mo.” Pang-iinggit ko sa kanya.

Pagkarating kasi namin dito sa SRP Baywalk, napagdisesyunan namin ni Bae na bababa kami dito sa may mga rock formation. Hindi naman sila ganun ka laki, sakto lang para upuan at damhin ang hampas ng mga nagraragasang alon ng tubig dagat.

“Ang caring ni Sir sa’yo Bae tapos ikaw dyan nagmamadilta na naman.” Puna nya sa akin nang makalapit ako sa kanya. Umupo ako katulad nya. “Bahala sya dyan, yaan mo na nga lang.” Sabi ko at nilingon sya na ngayon ay nakaupo sa bandang likuran namin, medyo malayo sa naabot ng alon. Nakapatong ang dalawang braso sa tuhod nya at ginawa nyang unan. Nakatitig lang sya sa akin at nang marealize nyang nakatingin ako sa kanya, bigla syang pumikit at nilagay ang panyo sa ulo nya. Hindi ko tuloy makita ang mukha nyang namumula. I can’t help but smile. “Loko.” I murmured to myself.

“Kayo na ba Bae?” tanong nya sa akin. “Nope.” Maikli kong sagot habang nakatanaw sa may kalakihang alon na paparating. “Sagutin mo na kaya. Mukha namang gusto ka nong tao oh.” Apparantly, magkaiba ang gusto sa mahal. Tsaka, hindi naman yan nagtatanong or anything. “Lol, studies muna Bae. Distractions lang yang mga yan.” I mean, hindi naman sya mahirap na mahalin. Kung maawain kang tao, makikita mo ang mga paghihirap nya na gusto mo nalang damayan sya sa lahat ng pasakit at problema sa buhay nya. Na gusto mong pawiin yung mga negativities na nangyari at tumatakbo sa sistema nya at palitan iyon ng mga positibong bagay.

Yung feeling na gusto mong lagyan ng kulay ang madilim, magulo at malungkot nyang mundo. That’s how I feel sa kanya. Na gusto kong iparamdam sa kanya na may karamay sya at hindi na sya nag-iisa. That I am always here para sa kanya. Is this… love? That I don’t know. Ang akin lang naman, kahit palagi akong nagmamaldita sa kanya, kaya ko din namang seryosohin sya at damayan sa ibang mga bagay.

Tumayo si Holi nang palapit na nang palapit sa amin ang malakas na alon samantalang nakangiti lang akong tinanggap ang hampas nito dahilan para mabasa ang laylayan ng skirt ko. Ramdam ko pa ang pagkabasa ng inner shorts ko. “Ayan, nabasa ka tuloy.” Tumawa lang kami parehas sa kalokohan ko. “Picture tayo Bae.” Sabi nya sabay taas ng phone nya at nagselfie kami.

Tumayo ako at tiningnan ang kabuuan ng itsura ko. Ang basa pala ng skirt ko. Nilingon ko sya na ngayon ay nakatingin na sa akin at nakasimangot. Nginitian ko lang at pinakita ang basa kong skirt. “Bakit kasi hindi ka umiwas, nabasa ka tuloy.” Aniya na sinsermunan ako. I rolled my eyes, “Madali lang naman ‘to matuyo, don cha wori.”

“Ang kyut nyo mag-away noh? Ayiie, kopol gols.” Pang-aasar ng kaibigan ko. “Lol, anong kopol gols, di naman kami kopol kaya walang gols.” Umihip ng malakas ang hangin kaya nagulo ang ayos ng buhok ko. Mukha tuloy akong basang momo sa itsura ko.

Papalubog na pala ang araw at parang uulan yata. “Bae, ang gaganda ng kuha ko sa inyung dalawa. Para kayong nasa pre-nup shoots. Pasa ko ‘to sa’yo later.” Iniistolen pa kami nitong kaibigan ko. “Ito the best para sa akin.” Aniya sabay pakita sa akin ng picture. Sunset ang background, naka sideview ako, at makikita syang nakaupo sa likuran at nakatingin sa akin, nakatitig actually. Tapos sumunod naman yung the best picture daw, same lang ang kuha pero nakayuko na sya. “Bow down to my Queen.” Komento nya sa picture na yun dahilan para matawa ako. Mukha nga. Tapos ayun, bigla syang kinilig.

Matapos naming magpicture picture doon ay napagdisesyunan naming umupo na sa sea wall. Hindi naman sya ganun ka taas at naaakyat lang din. Dumami na pala ang mga tao ngayon. Sabagay, papagabi na din at marami talagang gustong tumambay dito. Malapit lang din kasi ito sa Plaza kaya after mag gala sa Plaza, pwedeng dumaan muna dito at damhin ang amoy ng karagatan. Tsaka, may maraming masasarap na kainan sa tapat mismo ng baywalk.

May dumaang naglalako ng mga pagkain, may mani, chicharon, boiled egg, may penoy at balut din at kung ano ano pa. “Anong gusto mo?” Tanong nya sa akin sabay nilingon ako. Parehas naming napagtanto na ang lapit na pala ng distansya namin. Hindi ko din namalayan kanina pag upo ko. Mga 6 inches din ang pagitan. “Ay sorry, sorry. Uusog ako, ayan 12 inches. Dito muna ako sa 12 inches.” Natawa ako, para syang sira. “Lol, ang oa nito. Okay lang naman.”

Bumili kaming chicharon tsaka mani. Ganun din si Holi na nasa baba lang. nahihirapan kasi syang tumuntong dito sa pwesto namin at umupo. Nakajeans kasi kaya hindi sya masyadong makagalaw at makaakyat. I’m taller than her din kasi. Pero konti lang kaso yun nga, di sanay sa akyatan kaya ayan, nasa baba sya.

“Bae, pahinging alcohol ha?” Paalam ko sa kanya na abala na naman sa cellphone nya. May karelasyon ata sya online kaya panay cellphone or baka na-oOP na sya kasi biglang naging third wheel. Tumango naman sya at nasa bag raw nya, kunin ko nalang daw. Yung bag nya katabi lang ni Ed at tinatamad akong bumaba. So ginawa ko, I slightly leaned and put my left hand on his left thigh, kung saan nakapatong ang isang kamay nya, for a support.

Ramdam kong bigla syang natigilan at nanigas sa kinauupuan. Mabilis lang naman yun kasi nakuha ko naman agad ang pakay ko. Hindi ko pinahalatang napansin ko sya at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang hingi din sya at ako namang may sira minsan ang utak, umandar ang kapilyohan. Dahan dahan kong nilagay ang bote ng alcohol sa nakalahad nyang kamay at sinadya ko talagang hawakan ang kamay nya sabay tingin sa kanya na namumula na. “Stop teasing me Em.”

Ngunit hindi ko pa rin pinahalata at nagmaang-maangan lang ako. Maya-maya pa, hindi ko na namalayan na hindi ko pala nabawi ang kamay ko at nanatali lang sya sa ibabaw ng hita nya kung saan nakapatong din ang mainit nyang kamay. Mula doon, nag-angat ako ng tingin at nadatnan syang seryosong nakatitig sa akin. I smiled and let my hand be comfortable with his warm, with his touch. Unti unti, I found myself loosened up with him beside me at a distance of 3 inches. And slowly, I’m captivated.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon