Two

36 1 0
                                    

Nakatingin lang ako sa laptop ko, hindi alam kung anong isusunod na isulat. Writer's block ata tawag nito. Sinara ko nalang yung word ko at nag Facebook. Mamaya ko nalang tatapusin yung story na ginawa ko.

It's been two days na akong abala sa NearGroup. Marami palang gumagamit nito. I even recommend this app to some of my colleagues, nakakaaliw kasi at ang daming pwedeng mapagtripan. Napangiti ako, wala na talaga akong ginawa kundi mantrip ng mga tao. Nakakaloka.

Hi

Yoo

Ano? Hakhakhak!

What's up?

Ceiling. Hakhakhak!

Hahaha

Tf haha

Tawang tawa ako sa reaksyon nya. Literal talaga na I looked up to see a ceiling. Totoo naman yun ang nakita ko. Akala ko di na magrereply pero tinanong nya ilang taon na ako at taga saan. Kaya naman kinuha ko yung Philippine History ko na notebook at binalikan yung lesson namin.

Age and loc?

Ms. Hakhak

240 months and South-East Asia, 5-12

N Latitude and 119-122 E Longitude ..

Hakhakhak!

Wow hahaha

Gets mo? Hakhakhak

Hindi

Hahaha

In a way I can understand please?

Kaso, tinamad akong mag explain kaya sinabi ko nalang bagsak siya sa Math at Philippine History. Nagpatuloy lang yung pagchachat namin at hindi ko namalayan na lumalim na pala ang gabi. Maaga pa pasok ko bukas. Nagpaalam muna ako sa kanya at hiningi naman nya yung Facebook account ko. Binigay ko naman, siguro dahil sa antok at gusto ko ng matulog kaya ayun.

Kinabukasan, nag pm siya sa akin thanking me for last night daw. Naaliw siya at nawala yung antok niya. Nasa work pala kasi yun. Nireplyan ko nalang ng walang anuman. Wala din naman akong ginawa kagabi.

Nagpatuloy lang yung pagchachat namin ni Cian hanggang sa hindi ko namalayan na umabot na ito ng isang linggo at naging isang buwan. Marami syang kwento sa buhay, yung dating buhay nila, yung estado nila ngayon, lahat sinabi niya. Pati nga yung mga kakwelahang pinanggagawa nya sa buhay teenager.

Masasabi kong hindi nga talaga biro ang mga pinagdadaanan ng tao. Tama nga din ang kasabihan na ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas ka minsan din naman ay sa ilalim. Tulad ng nangyari sa pamilya ni Cian. They were once at the top but something came up and everything they enjoyed slowly getting its way to emptiness.

In an instant, lahat ng pinaghirapan ng tao ay minsan dadalhin ka nito sa kaginhawaan at minsan din ay magdudulot ito ng kalungkutan. Hindi mo kasi alam kung hanggang kailan mo yan mahahawakan. Kaya ayun si Cian, huli na nyang narealize ang lahat, ang totoong nangyari sa paligid nya.

Sabi ko nalang, at least may natutunan sya sa pinagdaanan nilang yun. Mahirap din kasi ang traydorin ka ng sarili mong kadugo. May mga tao kasi na akala mo maasahan sa lahat ng bagay at aspeto ng buhay yun pala nandyan lang kapag meron ka pa. Let's say kapag may pera ka pa. Saklap no? Pero, yun ang realidad. Mas masakit nga lang dahil kadugo mo.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Where stories live. Discover now