Eight

27 2 0
                                    

Kagabihan, nagchat si Sir. Sa susunod daw hindi na nya tatanggapin yung assignment naming kapag ganun ulit. Sinabi pa nyang copy paste yun.

"No sir. Dyan ka nagkakamali. Hindi yun copy paste dahil yung name lang naman namin ang pinalitan." Magkaiba naman yan sa copy paste, aba.

"Ganun pa rin naman yun. Same pa kayo ng format."

"Hindi talaga Sir, since yung name lang naman namin ang ginalaw at hindi yung content mismo. Tapos, isang computer lang ginamit namin. Nakisuyo kami doon kay kuya Ong na pwede bang palitan nya yung names. Nagtitipid lang po, oo." Natawa ako sa sariling paliwanag. Hindi talaga ako mauubusan ng rason. Kahit wala ng kakwenta kwentang rason.

"Sino ba source nyo?" tanong nalang nya. Sumuko na yata sa mga rason ko, hahaha.

"Sa akin naman nanggaling madalas ang lahat ng sources sa mga assignments na pinapagawa mo." Which is true. Iniba lang namin yung mga content. Tho, minsan din naman ay kay Holi kami nanghingi ng karagdagang impormasyon. The more sources, the merrier.

Lumipas ang mga araw at Friday na. Ang bilis lang talaga ng panahon. At kung tatanungin, araw-araw pala kaming nagkukwentuhan sa chat ni Sir. Mga ano lang, random things. Ewan, para kasing kailangan nya ng kausap lagi. I mean, gusto ko syang kausapin lagi para naman hindi nya maramdamang hindi sya nag-iisa. Na may kaibigan din sya. Tho, may napansin naman akong babaeng kasama nya minsan, di ko naman kilala pero isa pa yun, tahimik din. Girlfriend nya yun siguro.

Ano bang meron sa mga tao lately? Bakit ang seseryoso ng mga nakasalamuha ko? O ako lang 'tong pa chill chill lang sa life? Nasa lugar naman kasi yung pagiging seryoso ko. Bet ko talaga, maaga silang tatandan kapag masyado silang seryoso.

"Bye Sir!." Paalam ng ibang kaibigan ko sa kanya. Kami ang huling lumabas ng klasrom since wala ako sa mood at hindi yata maganda ang pakiramdam ko. Kasama ko si Holi at Mira palabas. "Bye Sir." Nagpaalam din ako at sandaling natigil sa paglalakad nang magsalita sya. "Tahimik ka yata ngayon?" Nilingon ko sya at nakangiti siyang naktingin din sa akin, nagbubura sya sa pisara. Right, parati pala akong may partisipasyon sa klase nya.

Hindi naman nya pinansin yung nagpaalam sa kanya. "Sa kanila nalang muna yun Sir. Give chance." Tipid akong ngumiti at tatalikod na sana nang may naalala. "Nga pala sir," nagbawi sya ng tingin at tumingin sa pisara. "Alam mo ba kung saang country nagsimula ang fake news?" yun kasi ang naging topic kanina since nirerelate nya sa mga latest events ang mga ididiscuss nya. Magaling syang guro actually. Nakukuha nya ang interes ng lahat at napagsalita din nya ang mga ito. Bihira lang kasi ang mga lalaking magpaparticipate sa isang discussion unless kung isa kang genius na may say sa lahat ng bagay.

So yun nga, kinuwento namin ni Holi ang mga nalaman namin from the workshop na naattendan naming noong isang buwan sa Quest Hotel. "Bakit hindi nyo yan shinare kanina sa klase? Pandagdag sana ng impormasyon since wala din naman akong masyadong alam dyan." Tumingin sya sa akin pero saglit lang, ngumiti ako at sinabing tinatamad kami. Si Holi naman, hindi naman yan magsasalita kung hindi yan tatanungin. Muli kaming nagpaalam ni Sir at ganun din sya.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong humiga. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Lalagnatin pa yata ako. Nag-isip ako ng mga dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Siguro dahil ito sa hindi pagkain sa tamang oras at puyat din. Tsaka, may sipon at ubo ako. Jusko naman. Dala na rin siguro ng panhon. Ewan.

"Sir, sorry kanina. Wala ako sa mood at masama talaga ang pakiramdam ko." Chinat ko sya at hindi ko alam kung bakit. Siguro gusto ko lang magpaliwanag sa kanya since unusual yung naging asta ko.

"That was unusual. Hindi ako sanay na tahimik sa klase ko si Miss Caro. How are you feeling na?" Agad naman syang nagreply. Nakauwi na ba 'to? Bilis magreply ah.

"I'm good naman. Mawawala din 'to." Pati sa chat, matamlay din ako.

"Hindi talaga ako sanay kanina. While nagsasalita ako sa harapan, I kept on checking on you. Kaso, you're spacing out. Tulala ka lang at walang kibo." Napangisi ako. Ikaw ha, kapag ako naman ang palaging nakatingin sa'yo, ni hindi kita makitang nakatingin sa akin o tiningnan man lang ako.

"Hahaha totoo, wala ako sa sarili ko kanina kasi giniginaw ako at ang init sa pakiramdam. Parang feeling ko any minute ay mabubuwal nalang ako bigla sa kinauupuan ko."

Nag-usap pa kami saglit at nag advice din sya sa akin na uminom ng gamot kaso hindi naman ako mahilig uminom nun kaya hindi ko rin sinunod. Alam naman nya. Sinabihan din nya akong magpagaling at kailangang makita nya ako sa lunes na walang sakit at okay na ang pakiramdam. Hindi naman 'to forever itong sakit ko.

Hindi naputol yung pagkukwentuhan naming maging noong nagdaang weekend. Umabot pa sa puntong dinideduce ko sya. Nakakatawa pero kung ano anong pinagsasabi ko at naiinis daw sya kasi paano ko daw nalaman gayong hindi naman kami magkaibigan at kamakailan lang din kaming nagkakilala. Sabi ko kasi sa kanya na magaling akong kumilatis ng tao.

"Okay, since you asked for it, ito na. Isa kang loner. Seryoso ka, oo at mature tingnan pero palaging may kulang sa buhay mo. May mga bagay na ginagawa mo hindi dahil gusto mo kundi dahil kinakailangan. Tapos wala kang ibang nakikita sa paligid mo kundi sarili mo lang din mismo. Tahimik kang tao pero alam kong maingay ang utak mo. Madalas kang natutulala at malayo kung makatingin. Palagi kang may iniisip."

Hindi agad sya nagreply, sineen nya ako at nagpatuloy. "Napansin ko yan noong isang araw, yung nadatnan mo kami ni Joy sa may gate 2? Doon ko napagtanto. Bago ka pumasok, nakayuko ka lang, malalim ang iniisip. Kinuha mo ang ID at sinout para makapasok ka at muli itong tinanggal nang nasa loob ka na. Ginawa mo yun dahil kailangan at hindi dahil gusto mo. Kasi kung gusto mo talaga magsout nun, hindi mo na sana isuot yung muli kung tatanggalin lang din naman."

"Tapos wala kang pake sa paligid mo. Masyado kang busy sa pag-iisip at hindi mo napansin ang mga taong kilala mo. Unless kung tatawagin ka nila mismo. Masyado kang malungkot, ang sagged ng balikat mo habang naglalakad ka at hindi lang yan, madali ka ring patawanin kahit ang ewan ng joke. You're trying to hide that pain, that emptiness with a smile."

Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko talaga sa sarili ko sa kanya. "Naiinis ako sa'yo and at the same time, kinilabutan. I mean, paano mo nalaman ang side ko na yun?" I guess, tama lahat ng sinabi ko. "Ni minsan, hindi ko ito pinapakita kanino man kahit sa mga kaibigan at kaklase ko. Ibang Earl Dion ang kilala nila. Pero ikaw..damn."

"Told you, madali akong makakasense ng tao. Galit ka ba?"

"Nope, actually, I'm amazed."

Napangiti ako sa sinabi nya. Kung may ideya lang sana sya na may napansin akong similarities sa kanya. Ganyan din kasi ako. "Alam mo ba kung bakit" Napalabi ako, pilosopa mood activated. "Malamang hindi. Hindi naman kita kilala at hindi din kita nakakasama 24/7. Pero naniniwala naman akong may dahilan kung bakit ganun."

"Me too. Hindi din ako naniniwalang ganyan ka lang. I'm sure there's behind that mask." Bahagya akong natigilan. Alam nyang may tinatago ako. Aware sya na nagsusuot ako ng mascara sa public. "Kasi, hindi ka naman makakadescribe ng ganun sa isang tao kung hindi mo nakikita ang sarili mo mismo sa kanya."

"I want to know more of Melody Meil Caro behindthat mask." This never happened before. Walang nag-attempt na kilalanin angboung pagkatao ko. So, that's when I gave him the poems that I've written."Read this, She In a Poetry."

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Where stories live. Discover now