Chapter 13

358 5 3
                                    

Nagising na lamang si Frances na nakatali ang mga kamay at paa, may takip sa bibig at nakahiga sa loob ng isang tumatakbong van. "Hmp," wika nito habang pinipilit niyang sumigaw upang humingi ng saklolo. Natatakot siya. Bakit ba sa dinami-dami ng tao sa mundo ay isa pa siya sa mabibiktima ng isang kidnapping?! Ang malas-malas naman niya!

Mayamaya ay biglang tumigil ang sasakyan at ibinaba na siya ng mga kidnappers.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Pare, bago ang lahat, kailangan muna nating takpan ang mga mata niya. Iyon ang iniutos ni boss diba?" tanong ng isang kidnapper na tawagin na natin sa pangalang Pedro. Pero mas gusto niyang tawagin siya sa palayaw na "Pedo." (Pedo = Pedophile)

"No Pedo! No! Hindi ba't sabi ni bosing, takpan natin ang mukha niya?" wika ng isa pang kidnapper na tawagin na natin sa pangalang Juan. Pero mas prefer nito na tawagin siyang "Johnny."

"Engot ka talaga, Johnny! Edi hindi yan nakahinga kung tatakpan mo ang mukha nyan! Engot!" wika ni Pedo sabay batok sa kasama nito.

"Ikaw ang engot Pedo! Hindi ka lang engot, bingi ka pa! Hindi mo ba narinig ang sabi ni bosing?! Nangangagat daw ang babaeng iyan!" wika ni Johnny.

"Edi bibig na lang ang takpan natin!" wika ni Pedo.

"Bulag ka ba Pedo?! Kita mo nang may takip na ang bibig! Hindi ka lang pala engot at bingi, bulag ka rin!" wika ni Johnny.

"Haist. Tama na nga ang panlalait mo sa kakulangan ko! Kung makapagsalita ka naman, parang hindi ka rin kulang-kulang! Ang mabuti pa, isako na lang natin ang babaeng ito nang wala nang problema! Hindi na niya tayo makakagat, natakpan pa natin ang dapat nating takpan, kung ano man yung pinapatakpan ni bosing!" wika ni Pedo.

Isinako na ng dalawang kidnappers si Frances at dinala kung saan mang lugar siya dapat dalhin. Nang makarating na sila sa destinasyon ay nagulat na lamang si Donghae sa nakita nito.

"Hey! What are you doing with Jessica?! Why did you do this to her?! I only told you to cover her eyes and bring her here! Why did you put her inside the sack?! Is she dead?!" galit na galit na sambit ni Donghae. Itinulak niya ang dalawang kidnappers at agad na pinalabas si Jessica sa sako, sa pag-aakalang si Jessica nga ang laman nito. Balak lamang sana niyang sorpresahin ang dalaga para sa magiging date nila ngayong gabi. Gumawa siya ng isang eksena kung saan kunwaring makikidnap si Jessica at pagkatapos ay dadalhin siya ng mga kidnappers sa meeting place nilang dalawa. Tapos, magugulat na lamang si Jessica na sa isang romantic dinner pala ang magiging kinaroroonan nito. Pero ano ang nangyari?! Bakit si Frances ang laman ng sako?!

"Why is Frances here?!" tanong ni Donghae kina Pedo at Johnny. Mukhang nagkamali si Donghae sa pag-arkila sa dalawang engot na kidnappers. Haist. Palagi na lamang siyang pumapalpak.

"H-hindi....a-ako...m-mak-kahing...nga," wika ng dalaga habang naghahabol ito ng hininga. Hindi alam ni Donghae na mayroon palang hika ang dalaga at mukhang inaatake na ito ng kanyang sakit ngayon.

"Frances! What's going on?! Hey...do you have an asthma?!" nag-aalalang tanong ni Donghae habang hawak-hawak niya ang katawan ng dalaga. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Tumangu-tango na lamang ang dalaga dahil hindi na niya kaya pang magsalita. Mukhang hirap na hirap na ito.

"Boss, I have a solution for that! She needs CPR! The lips to lips thing, you know?!" sambit ni Pedo. Binatukan siya ni Johnny.

"Idiot! She’s not drowned so she doesn’t need a CPR, can’t you see that she has an asthma?!" wika ni Johnny.

“You’re a genious Johnny! So what should we do?”

“We should just let her be in that way. She’ll get over it later.”

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon