Chapter 5

427 4 2
                                    

Ito na ang pinakahihintay ng lahat ng ELFs sa buong mundo: ang SUPER SHOW 5 (SS5)! Maswerte ang mga taga-Korea dahil napagdesisyunan ng SM Entertainment Company na sa Korea ganapin ang concert ng Super Junior. WEEEE...excited na excited na sina Frances at Opers! Ito na ang pinakamasayang araw para sa kanilang magkapatid at laking pasasalamat talaga ni Frances sa taong nagbigay sa kanya ng mga VIP tickets! Wow! Hulog talaga sya ng langit, kung sino man sya. Syempre idol na idol nya ang SUJU, specially si Donghae. Si Donghae na palaging nakapagpapangiti sa kanya sa tuwing nasisilayan nya ang mukha nito. Si Donghae na maputi at mukhang anghel. KYAAA! Si Donghae na palaging nagpapasaya sa araw-araw nyang pamumuhay dito sa earth! 

Pero! Alam naman nyang hanggang dun lang yun. Nakakalungkot mang isipin pero may girlfriend na ang lalaking iniidolo nya. Pero, okay na din. Dapat naman kasi nating tanggapin na tao rin sila diba? Tao na marunong magmahal at makaramdam. 

Pero ulit! Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na mag-girlfriend at boyfriend sina Lee Donghae at Jessica Jung? Oo hindi ko nakalimutan. Pero hindi ko pala nasabi kung ano na ang status ng relationship nila ngayon: nagkakalabuan na sila. Hindi malinaw kung ano ang naging dahilan ng pagkakalabuan ng dalawang celebrities pero may kumakalat na issue na may secret lover daw si Jessica?! At meron ding kumakalat na issue na nambababae raw si Donghae! UWAAAA! Which is which?! Pero alam nyo ba kung ano ang reaksyon ni Frances? 

Malungkot sya. Alam nya kasing mahal na mahal ni Donghae si Jessica Jung at naniniwala sya na hindi kayang gawin ni Donghae ang mambabae. Hello lang? Hindi ugali ni Donghae yun noh! Loyal sya sa mahal nya! Sure na sure si Frances dun. Syempre, no.1 fan sya ni Donghae eee. 

"Gulliver neon SJ, 

Gulliver neon SJ, 

SJ in the house, 

Make way for the new king!" 

Masayang nanonood ng concert ang magkapatid nang biglang may lumapit na staff kay Frances at bumulong ito sa tenga nya. Kasalukuyan syang nakaupo sa may VIP seat. 

"Miss Sadler, may nagpapapunta po sa inyo sa backstage," wika ng staff. Nagulat naman si Frances. Aba't may isang staff ng concert na lumapit sa kanya? Ang weird naman. At saka, bakit sya kilala nung staff na yun? Ano bang meron? Ang weird talaga. 

"Bakit po?" tanong ni Frances. 

"Huwag ka nang magtanong miss, sumunod ka na lang. May surpresang naghihintay sayo sa backstage." Wika ng staff. 

"Wait lang. Ow may gulay ngayon ko lang narealize, Filipino ka pala! Haha I'm so overwhelmed may staff palang Filipino rito sa SUJU! I'm so happy and overwhelmed!" 

"Hindi po ito ang tamang oras para sa pagiging overwhelmed nyo. Halina kayo dali! Sayang ang oras." Wika ng staff at pagkatapos ay hinila na nya si Frances papalayo. 

"Teka lang teka lang hindi mo naman ako kailangang higitin noh! I can walk on my own," wika ni Frances. Pagkatapos nun ay sumunod na sya sa staff na naglalakad sa unahan nya. Medyo mahirap dumaan dahil maraming taong nagsisiksikan at saka magulo. Pero sa bandang huli, nakarating na rin sila sa backstage. 

Habang nasa backstage sila ay narinig naman nya ang boses ni Donghae mula sa stage. 

"This next song is for the one I love...Jessica." wika ni Donghae sa microphone. KYAAAA! Magdededicate ng kanta si Donghae kay Jessica! Gusto niyang manood! 

"Uy Miss Staff, gusto kong panoorin yung pagkanta ni Donghae! Babalik muna ako sa upuan ko ha!" 

"Wait lang Miss Sadler! Hindi ka pwedeng umalis! Dito ka lang!" 

"Pero- 

"Basta! Dito lang po kayo ha! Huwag kayong aalis! Teka muna may kukunin lang ako sandal. Dyan ka lang!" 

"Pero- 

Hindi na nakagigil pa si Frances dahil bigla nang umalis ang staff. Huhuhu...gusto talaga nyang manood eeeeh! 

Nag-iritan na ang mga tao. Huhuhu. HAESICA love team, teka lang. Ibig sabihin ba nito, magkakaayos na sina Jessica at Donghae?! UWAAAA! Hindi nya dapat mamiss ang special moment na ito! 

Lalo pang nag-iritan ang mga tao. Umakyat na rin si Jessica sa stage. Handa na si Donghae para alayan sya ng awitin. Sinubukan ni Frances na silipin ang mga pangyayari mula sa backstage. Totoo nga! Nasa stage na rin si Jessica! Nagsimula nang kumanta si Donghae! KYAAAA! Nakakakilig! Matapos nyang kumanta, lumapit sya kay Jessica at inalayan ito ng bulaklak! KYAAA! Pagkatapos noon ay bigla syang lumuhod sa harapan ni Jessica! KYAAAA! Pwede na ba syang mahimatay?! As in kahit 1 minute lang?! KYAAAA! 

"Jessica, jeoleul yongseohasibsio. Nan-i il-eonan iyuleul moleugess-eo hajiman, naneun modeun munjeleul haegyeolhagiwihan modeun jag-eob-eul suhaenghabnida. Dangsin-eun na-ege tto daleun gihoeleul jul su issseubnikka?" wika ni Donghae. 

(Translation: Jessica, please forgive me. Hindi ko alam kung bakit tayo nagkakaganito pero, gagawin ko ang lahat para maging maayos tayong dalawa. Can you give me another chance?) 

Lumipas ang ilang Segundo na nakatayo lang si Jessica. Mayamaya, may mga luhang unti-unting lumalabas sa mga mata nya! Tuluyan na syang umiyak sa harapan ni Donghae. 

"Dangsin-eun jeoleul salanghabnikka??" biglang nasambit ng bibig ni Jessica. 

(Translation: Mahal mo ba talaga ako?)

Nagulat si Donghae sa tanong ni Jessica. Nagtaka sya kung bakit ito pumasok sa isipan ng babae. Mahal na mahal nya ito at hindi nya ito kayang ipagpalit sa kung sino man. 

"Nan dangsin-eul aju manh-i salang haeyo. Munjega mueos-ibnikka? Malhae. Naegadeul-eul su issseubnida." 

(Translation: Oo naman babe. Ano bang problema? Sabihin mo sakin. Makikinig ako.) 

"Geojismal jaeng-i! Dangsin-eun munjega mueos-inji moleuneun hasigessseubnikka? Uliui munje?!"

(Translation: You liar! Sigurado ka bang hindi mo alam kung ano ang problema ko? Ang problema natin?!) 

She says in a very angry tone. Natahimik ang lahat ng tao. Lalong naguluhan si Donghae. 

"D-dangsin-eun mueos-eul uimihabnikka? Nan jeongmal ihaega an dwaeyo" sabi ni Donghae.

(Translation: W-what do you mean? I really don't understand)

Mayamaya, may biglang tumulak kay Frances mula sa backstage kaya napapunta sya sa may stage ng di oras. Biglang tumutok ang spotlight sa kanya. 

"Geunyeoneun nugu-inga?" 

(Translation: Sino sya?) 

Biglang itinuro ni Jessica si Frances. T-teka, a-anong sinasabi ni Jessica? Di nya gets eh. Hindi naman sya magaling umintindi ng Korean Language.

Napatingin si Donghae kay Frances. Kilala nya ito. Hindi ba't kaklase nya ito sa Myong Ji University at isa sya sa mga fans nito? 

"Geulae. N-naneun geunyeoleul algoissda. Geunyeoneun peulaensiseuui, naui- 

(Translation: Yeah. I-i know her. She's Frances, my-)

"Dangsin-ui YEOJA CHINGU?!" 

(Translation: Your GIRLFRIEND?!)

Oh no...naguguluhan na ba kayo?! Pati si Frances naguguluhan na rin eeeh! Ano ba itong nangyayari?!

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon