Chapter 29

215 3 3
                                    

"Weeee! Ang sarap ng feeling na naandito na ulit tayo sa Philippines. Namiss ko to!" ang saya-saya lang ni Frances sa muling pagtapak ng kanyang mga paa sa Lupang Sinilangan. Grabe, iba na ulit ang environment! Back to normal na! Maraming mga pinoy ang nagkalat sa paligid. Malamang. Haha.

"Ate! Nagtext yung mga classmates ko. Andun daw sila ngayon sa bahay natin. Naks! May welcome party tayo!" wika ni Opers sa kanyang Ate.

"Hoy! Andun din kaya sina Manilyn, Kristine, Kim at yung iba pa! Akala mo ikaw lang! Hahaha for sure, iinterviewhin nila ako ng bonggang-bongga." Wika ni Frances. Patungo na sila ngayon sa Batangas kung saan sila nanirahan dati.

Samantala, hindi natuloy ang flight ng Super Junior patungong pilipinas dahil sa kasalukuyang problemang kinakaharap nila ngayon.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Why is this happening Miss Kang? Bakit hindi makakasama si Eunhyuk?" tanong ni Siwon sa kanilang manager. Kasalukuyang nagpupulong ang mga miyembro ng Super Junior kasama si Miss Kang upang maliwanagan ang lahat kung bakit nangyayari ang bagay na ito.

Nagbuntong hininga si Miss Kang. "Kinausap ako ng general manager kahapon. Sinabi niya sa akin na nagbigay ng warning ang mga major stockholders ng kumpanya. Babawiin daw nila ang mga shares nila kung hindi namin tatanggalin si Eunhyuk sa grupo."

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Miss Kang. Ang buong akala nila ay hindi lamang makakasama sa concert si Eunhyuk. Yun pala,tatanggalin na si Eunhyuk sa Super Junior?! Mas malala pa?! Ano ba talagang nangyayari rito?!

"Pero bakit?! Anong kinalaman ni Eunhyuk dun?!" nag-aalalang tanong ni Donghae. Si Eunhyuk naman ay napatungo na lamang at nanlumo sa mga sinabi ni Miss Kang.

"Nangyari to nang simulang kumalat ang issue tungkol kina Eunhyuk at IU. Nag-spread sa mga social networking sites ang mga pictures nila na magkasama at intimate sa isa't-isa. Alam nyo naman na maraming ELFs ang nagalit, hindi ba? Dahil dito, maraming stockholders ang gusto nang mag-back out...at marami sa mga stockholders na ito ang kabilang sa ELFs..."

"Gusto nila na tanggalin namin si Eunhyuk...patawarin nyo ako...wala akong magawa tungkol dito...I can't handle it anymore..." wika ni manager. Konting-konti na lamang at lalabas na ang mga luha sa kanyang mga mata.

Nalungkot ang lahat. Alam nila na wala silang magagawa kapag ang mga nakatataas na ang nagdesisyon. Wala silang kakayahang kalabanin ang mga ito. Naalala ni Donghae ang mga nangyari noong nakaraan. Si Kibum. Pinatanggal din sya ng SM Entertainment Company sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Wala man lamang silang nagawa. Tapos ngayon, eto na naman...mauulit na naman ang nangyari noon! Bakit si Eunhyuk pa?!

Tumayo na si Donghae at naglakad patungo sa may kitchen ng dorm. Nagtungo sya sa may sink at natulala na roon. Mayamaya pa ay unti-unti na syang napaiyak. Sobrang nalulungkot sya sa kahihinatnan ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi nya lubos maisip na mapapahiwalay na si Eunhyuk sa kanilang lahat, na mapapahiwalay na si Eunhyuk sa kanya. Si Eunhyuk...hindi na sya magiging kabilang sa Super Junior, ang grupong pinakaiingatan at pinakamamahal nya simula pa nang umpisa. Marami na silang napagsamahan, marami na silang iniyakan at tinawanan...pero ngayon, magkakahiwalay na sila. Hanggang dito na lang ba talaga ang pagsasamahan nila? Nang dahil lamang sa walang kwentang issue na iyon, magkakahiwalay na sila? Bakit ganito ang takbo ng patakaran sa mundong kinabibilangan niya?

"Donghae..." narinig niyang may nagsalita sa kanyang likuran. Si Eunhyuk. Pinuntahan nito ang matalik na kaibigan dahil alam nya kung ano ang magiging reaksyon ni Donghae. Tama nga ang hinala nya, umiiyak nga ito.

Nilingon ni Donghae ang kaibigan at niyakap ito. Pagkatapos noon ay saka na bumuhos ang mga luha ni Donghae.

"Iyakin ka pa rin besprend!"

"Ulol. Upakan kita dyan eh! Nagagawa mo pang magbiro, tatanggalin ka na nga rito sa grupo!" maluha-luhang sambit ni Donghae.

"Eh ano naman? Di pa naman ako mamamatay! Wag mo nga akong iyakan dyan."

"Tss. Kahit na! Pano na ang pinagsamahan natin. Pano na ang magiging concert natin?! Hindi ako magiging masaya kung wala ka!"

"Pare...bakla ka ba?" tanong ni Eunhyuk.

"Hindi ah! Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!"

"Ang drama mo kasi eh. So gay pare. Haha"

"Kasalanan mo to pare! Bakit ka ba naglabas ng ganong pictures! Yan tuloy ang napala mo!"

"Hindi ako ang naglabas nun noh! Si IU kaya?!"

"Eh bakit ka ba nagpapicture nang ganun? Parang lunud na lunod ka sa kaligayahan dun eeeh! Manyak ka talaga kahit kalian!" nakita kasi ni Donghae yung picture na yun. Grabe, bakit pa ba kumalat yung walangyang litrato na yun?!

"Eh ano kasi! Di ko naman sinasadya! Mahal ko si IU eeeeh!"

"Weh? Di nga. Manyak ka lang pare eh."

"Magtigil ka nga dyan! Akala ko ba besprends tayo?! Bakit mo ako sinisiraan sa readers?! Akala mo ba ikaw lang ang nalulungkot?! Mas nalulungkot ako noh! Ayaw ko lang ipahalata dahil ayokong umiyak!"

"Mamimiss kita pare. WAAAAH!" wika ni Donghae.

"Basta pare...ipagpatuloy mo lang ang aking nasimulan. Wag kang susuko sa laban ng buhay! At isa pa pare, ingatan mo si Frances. Wag kang gagaya sakin! Wag kang magpapakalat ng pictures!"

"Sira!" pagkatapos nun ay binatukan ni Donghae si Eunhyuk. Pero may point nga naman si Eunhyuk. Sa oras na malaman ng media na may namamagitan na kina Donghae at Frances...baka matulad sila sa nangyari kina Eunhyuk at IU. Kailangan ng dobleng pag-iingat.

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon