Chapter 22

258 3 0
                                    

Ang sama ng pakiramdam ni Donghae. Parang wala syang gana na pumunta ng school ngayong araw na to dahil ayaw nyang makita si Jessica Jung. Pakiramdam niya ay magkakasakit sya dahil sa depression. Si Leeteuk kasi, pinaalala pa. Nasira tuloy mood nya! Haist...di bale na nga. Papasok na rin sya. Ayaw naman nyang magmukmok sa loob ng dorm noh! Pero infairness, di ata sila masyadong busy ngayon. Anyway, sabay na sana sila ni Eunhyuk na pupunta sa Myong Ji University nang sinabi ni Eunhyuk na aabsent sya.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Bakit ka aabsent pare?" tanong ni Donghae kay Eunhyuk. Pero kita naman nya na bihis na bihis ito, nakaharap sa salamin at kasalukuyang nagpapapogi. Mayamaya ay bigla itong humarap kay Donghae at mapormang naglakad patungo sa binata sabay suklay sa kanyang buhok na may cool na hairdo.

"May date ako pare," cool na cool na sambit ni Eunhyuk.

"Nang-aasar ka ba? Gusto mo bang suntukin kita ngayon na? Ilang suntok gusto mo?"

Nagulat si Eunhyuk sa reaksyon ng binata.

"Huy pare, chill ka lang! Anong nangyari sayo?! May nagawa ba akong masama?!" biglang nawala ang poise ni Eunhyuk dahil sa takot.

"Eh ikaw eh! Alam mo namang broken-hearted ako! Tapos dadalihan mo ako ng ganyan!"

"Yuck. So gay pare." Wika ni Eunhyuk.

"Eh? Ganun ba?" at biglang nandiri si Donghae sa nagawang pagdadrama. Eew...anyway...

"Sino ba yang kadate mo?"

"Hindi mo kilala pare. Wag mo nang alamin."

"Tss. Wag kang mag-alala. Di ko yun aagawin sayo. Dali! Sino? Haha."

"Tss. Si Opers. Yung kapatid ni Frances."

"Aba. Akalain mo nga naman. Ayos ah! Ang ganda ng kapatid nun! Mas matangkad pa nga yun sakin eh! Tsaka mukhang foreigner!"

"Malamang mukhang foreigner, diba taga-Philippines sya?"

"Oo nga noh." Tatangu-tango si Donghae.

"Teka...bakit di mo iinvite si Frances, yung kapatid nya? Diba crush na crush ka nun?" wika ni Eunhyuk. Napaisip si Donghae.

"Noon yun. Ewan ko lang ngayon. Tsaka, di bale na lang."

"Hmm...bakit parang ayaw mo?"

"Hindi naman sa ayaw ko...ano lang kasi...alam mo na...hindi ako prepared!"

"Hindi ka prepared?! Anong ibig mong sabihin? May pera ka naman, may kotse ka naman, bihis ka na naman," pagkatapos ay hinawakan ni Eunhyuk ang mukha ni Donghae at inexamine ito. "Wala ka namang pimples-

"Ulol! Bakit bigla kang naging concerned sa pimples?!"

Napabuntong-hininga si Eunhyuk. "Hay pare, hindi ko naman talaga kasi maintindihan kung bakit hindi ka prepared! Nasayo na ang lahat alam mo ba yun?!" wika ni Eunhyuk.

"Eh ano kasi, turuan mo muna ako!"

"Turuan saan?"

"Turuan sa mga gagawin ko. Alam mo naman kasing kinakabahan ako sa twing makikipagdate ako sa isang babae."

"Eh? Hindi ka pa rin ba nasasanay pare? Kailan ka ba huling nakipagdate? Ha?"

"Last year?"

Natawa si Eunhyuk. "Last year? Kayo pa ni Jessica nung time na yun diba?"

"Oo. Bakit ba?!"

"Ewan ko sayo pare! Ikaw na nga ang nagkagirlfriend dyan tapos hanggang ngayon hindi ka ka pa rin sanay makipagdate?! Eh ako nga, hindi pa nagkakagirlfriend!"

"Weh?"

"Oo nga!"

"Tss. Kahit na! Mas marami ka namang nakadate at mas marami kang experience compared sa akin!"

"Nang-aasar ka ba, ha?! Oo alam kong isa akong expert at marami na akong chicks na nakadate pero alam mo ba, ang sakit-sakit! Ni isa sa kanila, hindi ako sinagot! Ang sakit pare, bakit mo ba ako inaasar, ha?! WAAAAA!" at nagdrama na si Eunhyuk.

"Ha? Mukha ba akong nang-aasar? A-ano...sori pare!" at biglang kinabahan si Donghae. Mukha kasing naoffend nya si Eunhyuk sa sinabi nito. Si Eunhyuk kasi ay maraming beses nang na "busted" (kahit sikat sya. Akalain nyo yun?) sa dinamiraming babae na idinate nya. Kung ano ang dahilan, hindi ko alam...

"Hwag ka nang umiyak pare. Sori na!"

"WAAAAAAAAAH!"

"Alam mo pare, I have this king of feeling...mukhang magkakagirlfriend ka na ngayong month na to. April ngayon diba?"

"Oo pare. Bakit pare, anong meron sa April?"

"Wala lang. O sige na, umalis ka na! Baka mamaya malate ka pa!" at ipinagtulakan na ni Donghae si Eunhyuk palabas ng kwarto. Ang totoo kasi ay wala ring maisip si Donghae na kasagutan sa katanungan ni Eunhyuk. Gusto nya lamang pagaanin ang loob nito.

"Bye bye!"

Hm...pero ano nga ba talaga ang meron sa April?

Is it now the time to move on?

A time to start a new love?

Should he start with Frances?

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon