Chapter 25

255 2 2
                                    

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"ANONG SABI MO?! MAGDADATE KAYO NI FRANCES?!" wika ni Eunhyuk na may halong pagka-shock. Para siyang nakatanggap ng isang terrible news sa naging reaksyon niya.

"Yeah...why? Is there any problem with that?" tanong ni Siwon kay Eunhyuk. Nagtaka ang binata kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ng kanyang kaibigan. Napatingin din ito kay Donghae na kasalukuyan ngayong kasama ni Eunhyuk. Mukhang nagulat din ito sa sinabi nya.

"H-ha? W-wala naman. Walang problema. Nga pala pare, congratulations sa inyong dalawa ni Frances," wika ni Eunhyuk na pilit na ipinapakitang masaya sya sa pagiging magkasintahan nina Frances at Siwon. Pero sa totoo lamang ay nalulungkot ito dahil nahuli na sila ni Donghae. Kung kailan pa naman nakamove-on na si Donghae at nagkagusto sa ibang babae ay saka naman ito mawawala na parang bula. Nakakalungkot at nakakapanghinayang.

"Don't congratulate me yet, bro. Hindi pa kami ni Frances. Nanliligaw pa lang akosa kanya," wika ni Siwon.

"Ha? Nanliligaw ka pa lang?!" wika ni Eunhyuk. Bigla namang nabuhayan ng dugo sina Eunhyuk at Donghae.

"Yeah...bakit? May problema ba?" tanong ni Siwon.

"Ha? Wala naman pare. Hahahahahaha!" plastik na tawa ni Eunhyuk. Si Donghae naman ay nakaramdam ng kaginhawahan dahil sa sinabi ni Siwon.

"Anyway, Frances wants to have a double date. Pwede ka ba Donghae? Ayaw kasi nyang kami lang dalawa. Siguro ay naiilang sya sakin," malungkot na sambit ni Siwon.

"Ha? Double date?" pag-uulit ni Donghae sa sinabi ni Siwon.

"Yup. Pwede ka bang sumama samin? Please..? Hindi kasi makikipagdate sa akin si Frances kung wala kaming kadouble-date," wika ni Siwon kay Donghae.

"Sino namang idadate ko?" tanong ni Donghae kay Siwon. Sino nga naman bang idadate nya? Eh si Frances lamang naman ang laman ng puso't isipan niya?

"Akong bahala sa date mo, Donghae. Trust me. Sige Siwon, pumapayag na si Donghae," wika ni Enhyuk kay Siwon.

"Ha?! Anong pumapayag?! Eh ikaw nga ang nagdesisyon dyan!" sambit ni Donghae.

"Great. Salamat bro. Magkita na lamang tayo bukas sa labas ng school," wika ni Siwon at pagkatapos ay nagpaalam na ito sa kanila.

Dumating na ang araw ng double-date nina Siwon, Frances, Donghae at Eunhyuk. Nagtataka ba kayo kung bakit kasama si Eunhyuk? Ganito kasi iyon.

"Pare. Bakit ka pumayag? Sino naman kaya ang idadate ko? At isa pa, baka sumama lamang ang pakiramdam ko kapag nagpunta ako roon. Malulungkot lang ako," wika ni Donghae.

"Alam ko pare. Masakit. Kaya nga mas kailangan mong magpunta roon. Kailangan nating bantayan ang dalawang iyon para hindi makadiskarte si Siwon!" wika ni Eunhyuk.

"Ha? Sasama ka?"

"Oo! Ako ang magiging date mo!" wika ni Eunhyuk.

"Yuck. Baliw ka ba pare? Date iyon! DATE! Anong tingin mo sa akin, bading?!"

"Patay malisya pare. Friendly date lang naman." wika ni Eunhyuk.

Umaga ang nakaset na oras ng date nila at hindi sila magdadate sa isang restaurant o kung saan mang sosyal na lugar. Gusto kasi ni Frances na maranasan nina Siwon na mag-enjoy naman sa isang ordinaryong place. Dahil dito ay naisip ng dalaga na mas maganda kung magpipicnic na lamang sila sa isang kagubatan kung saan nakakarelax ang lugar at sariwa pa ang hangin.

"Are you sure of the plan, Siwon? Why do we need to have a double-date? And besides, why is Donghae coming with us!?" nag-aalalang tanong ni Frances sa binata.

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon