Chapter 32

225 4 0
                                    

One day before the concert.

"Ate, ang tagal-tagal mo naman! Bilisan mo nga! Kailangan na nating umalis ng maaga para hindi tayo gabihin sa byahe. Sa Manila kaya tayo pupunta, hello?" wika ni Opers kay Frances habang nag-aayos si Frances ng gamit. Luluwas na kasi sila ng Maynila kasi nga concert na ng SJ kinabukasan diba?

"Oo na! Teka lang di ko kasi maintindihan kung ano ang dadalhin ko eeeeh...masyado akong naeexcite na makita si Donghae! KYAAAA!"

"Adik ka talaga ate. Dali na, alam ko namang miss na miss ka na rin ng Donghae mo kaya bilisan mo na!" wika ni Opers. Oo nga pala, may alam si Opers sa relasyon ng dalawa. Ang nakakaalam lang ng sikreto ni Frances ay ang pamilya nya. Hindi nya sinasabi sa ibang tao kahit sa mga kaibigan nya na sila ni Donghae. Bawal yun.

Habang nagbabyahe sila ay nagring ang phone ni Frances. Tiningnan ni Frances kung sino ang tumatawag. Si Donghae.

"Hello?" wika ni Frances.

"Babe, we have to talk." Malumanay na sagot ni Donghae.

"Hm?" medyo nawirduhan si Frances sa sinabi ni Donghae. Bakit kaya ang lumanay niyang magsalita? Parang ang lungkot nya.

"Hey, what's wrong? Is anything bothering you? Are you ok?" tanong ni Frances. Pagkatapos noon ay nakarinig siya ng isang malalim na buntong hininga mula sa kabilang linya.

"Uhm...I don't know where to start..."

"Hm? Why?" naguguluhang tanong ng dalaga.

"I'm sorry...but..." gusto na sanang makipag-break ni Donghae.

"What?"

"I can't say it."

"Psh. Ewan ko sayo. Ano bang problema mo?" medyo naiirita na si Frances.

"Huh?" hindi naintindihan ni Donghae ang sinabi ni Frances dahil tagalog.

"I said, WHAT THE HECK IS YOUR PROBLEM?! You're really weird, you know?!"

"Yeah right! I'm weird! Anyway, don't forget to attend the concert! I love you!" wika ni Donghae. Natameme naman si Frances.

"Huh? O-okay. I-i love you too." Mamula-mulang sambit ni Frances.

Donghae smirks. "I realized just now that I can't afford losing you."

"Huh?"

"Nothing."

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.

"Yah...no matter what happen, will you promise not to leave me?" tanong ni Donghae.

"Hm? What are you talking about? I really don't understand you. You're really weird, Donghae."

"Just promise me. That's all I have to hold on to." Wika ni Donghae.

"Ok. I promise."

"Great. See you at the concert."

"See you." Sagot naman ni Frances.

Nagbuntong hininga muli si Donghae bago nagsalita.

"Bye..."

"Bye..." sagot ni Frances.

Ano naman kaya ang pinaplano ni Donghae? Ang balak kasi nya kaya sya tumawag ay para makipag-break na kay Frances. Pero bigla nya ring naisip, hindi nya pala kaya. Mas masakit ang mararamdaman nya kapag nangyari yun at naniniwala rin naman sya na masasaktan rin ng husto si Frances kapag nakipagbreak sya rito. He can't afford it. Pero ano nang gagawin nya? Napapraning na ata sya...

Nagtungo si Donghae sa labas ng kwarto ng hotel na tinutuluyan nila. Kitang-kita niya mula sa taas ng building ang panoramic view sa maynila. Maraming mga buildings, ilaw, traffic at kung anu-ano pa. Pero isa lang ang iniisip nya ngayon...si Frances. Anong gagawin nya kapag ginawa na ni Jessica ang balak nya? Pano na kapag naexpose na si Frances sa publiko? Siguradong maraming tao ang magrereact at lahat sila ay maaapektuhan. Ni hindi nga alam ng mga kaibigan nya sa Super Junior na girlfriend na nya ang dalaga. Si Eunhyuk lang ang nakakaalam. Pero sa mga sandaling ito, wala na si Eunhyuk. Sino pa ngayon ang pwede nyang masandalan? Ang pwede nyang pagsabihan ng problema? Haist...napapikit na lamang sya habang nag-aalala. He feels so down right now. 

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon