Chapter 33

257 4 2
                                    

"SJ! SJ! SJ! SJ!" 

Eto na naman ang lahat. Nagsisigawan ang lahat ng tao. Eto na naman ang Super Show 5 na pinakahihintay ng mga Filipino ELFs sa buong Pilipinas. Tandang-tanda ni Donghae ang mga pangyayari noong una silang nagpalabas ng kanilang concert sa Korea...kung saan binigo sya ni Jessica noon. Pero ngayon na nagbago na ang lahat, naging masaya na sya sa bago nyang mahal. Pinunan lahat ni Frances ang mga kalungkutan na naramdaman nya. Pinunan lahat ng babaeng iyon ang mga hinanakit at pasakit nya sa buhay nya. Ganun pa man, nangangamba siya sa mga bagay na maaaring mangyari. Alam ni Donghae na maaaring gawin ni Jessica ang plano nya sa kanit na anong oras at pagkakataon. Dahil dito ay maaaring masira hindi lamang ang career nya pati na rin ang image ng dalaga. 

Ipaglalaban nya si Frances. Ipaglalaban nya ang naging desisyon nya. Ipaglalaban nya ang taong mahal nya. What the hell is wrong with loving her anyway?! Kasalanan bang mahalin sya?! Porke ba hindi sya tulad nya...porke ba hindi sila magkatulad...porke hindi sya tulad ng iba...hindi na sila pwedeng umibig sa isa't-isa?! It's just so unfair! 

x-x-x-x-x-x 

Naging maayos naman ang takbo ng concert. Nag-enjoy ang lahat...at masaya syang napapasaya ang lahat. Masaya si Donghae na napapasaya ang mga taong nasa paligid nya. Masaya sya at napapasaya nya ang ELFs. 

Higit sa lahat, masaya syang nakikita ang ngiti ng babaeng pinakamamahal nya. Ang babaeng hindi masyadong napapansin sa karamihan ng mga tao sa loob ng coliseum. Ang babaeng nakatayo lang sa gitna ng napakaraming nagsisiksikang mga tao at wari mo'y isang ordinaryong fan lamang. 

Si Frances. 

Ang mga ngiti nya...sapat na iyon para magbigay ng kasiyahan at kasiglahan kay Donghae ngayon. Mahal na mahal nya talaga ang dalaga. Sa totoo lang, ngayon nya ulit naranasan ang ganitong klaseng pakiramdam...at hindi nya nais pa na mawala ito sa kanya kahit na kalian. 

Matapos ang ilang nakakatuwang mga performances ay dumating na rin ang part kung saan magpapartner ang ilang myembro ng SJ at ng SNSD. At syempre, kabilang dito sina Donghae at Jessica Jung. Maraming fans ang nagsigawan sa pagtatambal ng dalawa. Malamang, marami pa rin kasing adik at naniniwala sa HAESICA love team. Isa pa, wala namang nakakaalam sa existence ng FRANHAE love team. (FRANHAE= Frances + Donghae) 

Nagsimula na silang sumayaw. Halatang-halata kay Jessica ang pagkasensual nya sa pagsayaw kaya naman masyadong kinikilig ang fans. Ganun pa man, medyo nalungkot si Frances sa kanyang napapagmasdan. Nahihirapan syang tingnan ang performance sa stage. Kahit na maraming nagpeperform doon ay parang sina Jessica at Donghae lamang ang nakikita nya...silang dalawa lang... 

Napaisip tuloy sya. 

Karapat-dapat nga ba talaga sya para kay Donghae? Pwede ba talaga sila...bagay ba sila? 

Pakiramdam nya...ang taas-taas ni Donghae...parang ang layu-layo nya. Lumalayo sya sa kanya. Pakiramdam nya, naiiwan na lamang syang mag-isa. Pakiramdam nya, sya na lamang ang natatanging taong tahimik sa palibot ng maraming nagsisigawang ELFs sa coliseum. Ang sakit ng nararamdaman nya. Hindi na nya kayang tumingin kaya nagdesisyon na lamang syang umalis nang biglang huminto ang music. 

Nagulat ang mga tao. Bigla na lamang tumahimik ang buong paligid. 

Anong nangyayari? 

Mula sa pagtalikod ni Frances ay dahan-dahan syang lumingon pabalik sa stage. Nanlaki ang mga mata nya. Nagulat sya sa nakita nya sa stage. 

Si Jessica Jung...hinahalikan si Donghae. Maging si Donghae ay nagulat. Hindi nya akalaing hahalikan sya niJessica sa harap ng maraming tao. Mayamaya pa ay pinigilan ni Donghae si Jessica sa pamamagitan ng pagtulak niya sa mga bisig ng dalaga papalayo sa kanya upang maalis nya ang pagkakahalik ni Jessica sa kanyang mga labi. 

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon