Chapter 28

227 1 2
                                    

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Donghae, sandali lang," wika ni Jessica habang hinahabul-habol si Donghae. Hindi maintindihan ni Donghae kung ano ba ang nangyayari kay Jessica. Bakit dati, palagi syang pinagtatabuyan ng babaeng ito tapos ngayon hahabul-habol naman siya! Haist, ang kulit nya!

"Jessica...pwede ba, tama na."

"Pero hayaan mo muna akong magsalita!" wika ni Jessica.

Donghae gives up. Napabuntong-hininga na lamang ang binata.

"Fine. Go on."

"Donghae...ngayon ko lang narealize ang lahat...kung gaano ka kahalaga sakin. Kung gaano kalaki ang nawala sa pagkatao ko nung nawala ka sa buhay ko. Ngayon ko lang narealize, mahal pa pala kita..." nalulungkot na sambit ni Jessica.

"Jessica..."

"Donghae, patawarin mo ako. Patawad sa mga panlolokong ginawa ko sayo. Alam ko, nasaktan kita ng todo. Pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal pa rin kita..."

"May pag-asa pa ba?" tumingin si Jessica sa mga mata ni Donghae. Nangingilid ang mga luha nito. Ganun pa man, walang masabi si Donghae. Hindi nya kasi alam kung papaano kakausapin si Jessica. Hindi nya alam kung papaano sasabihin sa dalaga na tapos na ang lahat sa kanilang dalawa. Nakapag-move on na si Donghae. Wala na syang nararamdaman para kay Jessica Jung. Ibang tao na ang nilalaman ng kanyang puso ngayon...at ito ay walang iba kundi si Frances.

"I'm sorry Jessica..."

"Hmpft..." paiyak na si Jessica Jung.

"Please don't cr-

"I knew it. Si Frances ang dahilan ng lahat ng ito noh?!"

"Jessic-

"Napakaoportunista talaga ng babaeng yun! Mang-aagaw sya! Ang kapal talaga ng mukha nya! Napakalandi nya!"

"Shut up would you?! Wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Frances dahil wala naman syang ginawang masama sayo!"

Jessica smirks.

"Really? So...inlove ka na pala kay Frances ngayon?"

"Oo! Masama?!" nagulat si Jessica. Aba't nakukuha na syang sagut-sagutin ni Donghae samantalang noon ay halos araw-araw na lumuhod si Donghae sa harapan ng dalaga para lang muling makuha ang simpatya nito. Natahimik ang dalaga.

"Dyan ka na nga!" wika ni Donghae.

"Yah! Sandali lang!" sigaw ni Jessica. Hindi sya pinansin ni Donghae at nagpatuloy na lamang ito sa kanyang paglalakad. Dahil dito ay muling sumigaw si Jessica Jung.

"Tandaan mo to Donghae! KAPAG HINDI KA NAKIPAGBALIKAN SA AKIN, HINDI LANG IKAW ANG MAHIHIRAPAN! LAHAT NG TAONG NAKAPALIBOT SAYO AY MADADAMAY RITO! LALUNG-LALO NA SI FRANCES!" sa sinabi ng dalaga ay biglang natigilan sa paglalakad si Donghae.

"Huwag na huwag mong idadamay si Frances dito...dahil sa oras na ginawa mo yun...baka kung ano ang magawa ko sayo..." lumingon muna si Donghae kay Jessica bago ito tuluyang umalis. Natakot si Jessica. Ang mga mata ni Donghae...nanlilisik ang mga ito...

x-x-x-x-x-x

Limang araw na lamang ang natitira bago ang pinakahihintay na concert ng mga ELFs sa Pilipinas. Naghanda na ang Super Junior para sa kanilang pag-alis ng bansa. Woah...excited na excited na ang mga Filipino ELFs sa pagdating ng mga ito. Kalat na kalat ang balita sa TV, magazines, social networking sites at kung saan-saan pa! Grabe, sikat na sikat ang SUJU sa Philippines noh?!"

"Going back to the Philippines again. I'm so excited to see the Filipino ELFs!" iyon ang nakapost sa twitter ni Donghae. Kasalukuyan ngayong nagbabasa ng tweets si Frances habang nakaharap sa ipad nito. Tulad ni Donghae, excited na excited na rin sya na bumalik sa Pilipinas. Pwedeng-pwede na syang bumalik dahil nakalimutan na ng madlang people ang pangalan nya! WAHAHAHA! Sa bagay, matagal-tagal na rin ang lumipas since kumalat ang issue ng pagsuntok nya sa mukha ni Donghae! Hahahaha. At sa pakikipag-away nya kay Jessica Jung! Anyway, baka may nakakaalala pa rin nito kaya kailangan pa rin nyang mag-ingat.

"Ate...dumating na yung maghahatid satin sa airport! Tara, malalate na tayo!" sigaw ni Opers mula sa labas ng kwarto ni Frances.

"Andyan na!" sigaw ni Frances at pagkatapos ay dali-dali na syang lumabas ng kwarto.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Miss Kang, bakit ang tagal mong dumating? Ikaw na lang ang hinihintay namin ah..." wika ni Leeteuk kay Miss Kang. Papaalis na kasi sila dapat ng dorm ngunit naghintay pa sila ng ilang oras dahil hindi pa dumarating ang kanilang manager. Buti naman at dumating na ito ngayon.

"Guys, we have a problem."

"Hm? Bakit manager, may nangyari ba?" tanong ni Donghae kay Miss Kang. Napabuntong-hininga si Manager, at pagkatapos ay tumingin ito kay Eunhyuk.

"Eunhyuk, I have to talk to you."

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon