Chapter 14

345 5 3
                                    

Tumayo si Donghae mula sa pagkakatumba niya at pinunasan ang dugong lumabas mula sa pumutok nitong labi. Nanahimik na lamang siya at tila wala itong balak na gumanti sa suntok na ibinigay ni Siwon. Tiningnan ni Siwon ang binata. Seryosong-seryoso ang mukha niya at galit na galit ito sa kanya.

"You don't have a right to do that to her! That isn't a good joke, Donghae. Remember this, If you ever did this again, I'm gonna make sure that you would not only receive a single punch from me," sambit nito. Nagulat si Frances sa inakto ni Siwon. Hindi niya akalaing makikita niya ito sa ganitong sitwasyon. Nakakatakot sya. Ito ang pinakaunang pagkakataon na nakita ni Frances si Siwon na nagalit.

"Stop it! Stop the fight! Sheesh what’s happening?!" pag-aawat ni Eunhyuk sa dalawa. Mabuti na lamang at dumating ito kaagad kasama sina Sungmin at Yesung. Alalang-alala ang mga kaibigan nila sa mga ito.

"Ibwa! Wae ssaugo issseubnida?!" Pambungad ni Yesung kay Siwon.

(Translation: Bakit ba kayo nag-aaway, ha?!)

"Tsk," wika ni Siwon. Hindi na niya ito sinagot at sa halip ay umalis na lamang. Tulala pa rin si Frances. Hindi niya akalaing mangyayari ang lahat ng ito. Wala naman kasing kasalanan si Donghae kung tutuusin dahil hindi naman niya sinasadyang makidnap si Frances at lalong hindi niya kasalanan kung bakit siya isinako nina Pedo at Johnny na siyang dahilan kung bakit siya inatake ng hika.

Lumipas ang ilang araw. Tahimik lamang si Frances na nakaupo sa kanyang armchair at nililikot ang lapis nito.

"You don't have a right to do that to her! That isn't a good joke, Donghae. Remember this, If you ever did this again, I'm gonna make sure that you would not only receive a single punch from me," naalala na naman niya ang mga salitang binitiwan ni Siwon. Bakit kaya apektadong apektado ito sa ma nangyari sa kanya? At si Donghae...ang kalungkutang nadarama niya ngayon...nakaragdag pa ang problema nito kay Siwon. Hay, kaawa-awa naman siya. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata dahil sa stress. Pag mulat niya...

"HI FRANCES!" wika ng tatlong tinig. Nagulat ito dahil tumambad sa kanya ang tatlong naggagwapuhang lalaki na nakahalumbaba ngayon sa desk nito at mukhang nagpapacute. Si Yesung sa kaliwang bahagi ng desk, si Sungmin sa kanan at si Eunhyuk naman sa mismong harapan. Harap na harap. Close-up na close-up.

"KYAAAAA!" Hindi siya magkaintindihan kung papaano kikilos at magrereact. Gulat na gulat talaga ang dalaga.

"What are you doing here?!" Mulagang-mulaga ang mga mata nito.

"We're" -Yesung

"Here!" - Eunhyuk

"Because" - Sungmin

"WE WANT YOU TO HELP US MAKE UP THINGS WITH SIWON AND DONGHAE!" wika ng tatlo. Hindi pa rin nila inaalis ang mga cute expressions nila sa harap ng dalaga.

"HAAAA?" hindi makapaniwalang sambit ni Frances.

"WE" -Yesung

"KNOW" - Eunhyuk

"THAT" - Sungmin

"YOU ARE THE REASON WHY THIS IS HAPPENING!" wika ng tatlo.

"That's why you need to help us." nakangiting sambit ni Eunhyuk. Lalo lamang nadismaya ang dalaga. Talagang ipinagduldulan pa ng mga ito na sya ang may kasalanan.

"Eunhyuk! I saeloun nolaeleul chekeu aus-" bigla na lamang pumasok ng classroom si Donghae dahil excited na excited ito na kausapin si Eunhyuk nang madatnan niya ang tatlo na kino-confront ang dalaga.

(Translation: Eunhyuk! Tingnan mo tong bagong composition-)

Biglang ibinaling ni Eunhyuk ang tingin nito sa kanyang likuran at nagpanggap na may kinakalikot sa isang librong nakapatong sa may desk. Si Yesung naman ay biglang humarap sa may bintana at nagsisipol. Samantala, si Sungmin naman ay humarap kay Donghae at nag-smile na lang. Nagduda ang binata.

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon