Chapter 2

590 5 0
                                    

"Wow ate! Ang galing mo!" wika ng kanyang kapatid na si Opers pagmulat na pagmulat pa lamang ng mga mata ni Frances. Katabi nya ngayon si Opers na kasalukuyang may hawak-hawak na isang listahan.

"Ha? Teka, anong ginagawa mo dyan? Bakit ka nakaupo sa tabi ko? Teka, umaga na pala! Bakit naandito ako? Dito ba ako nakatulog?" tanong ni Frances.

"Oo ate. Dyan ka nakatulog. At saka ate, ang galing mo! Nagsasalita ka pala pag tulog?"

"Bakit? Anong sinabi ko?"

"Tinanong muna kasi kita kung ano ang tatama sa lotto. Sabi kasi nila, kapag tinanong mo ang isang taong tulog kung ano ang tatama sa lotto ay magkakatotoo ito! Sabi mo pa nga, 3. Tapos 5, then 10, 20, 16 at 4!"

"Ha? Talaga? Sinabi ko yan?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

"Oo ate! Tapos tumawa ka pa nga. Kaloka lang!" wika ni Opers. Biglang kinilabutan si Frances. Nakakatakot pala sya kapag nagsasalita habang natutulog. Kinikilabutan sya sa kanyang naiimagine. Pero teka lang, parang familiar yung mga numbers na sinabi ni Opers ah. Saan nga ba nya narinig yun?

"Ilan ang bulaklak na hawak ko?" bigla na lamang nagflash sa isipan nya ang mga katagang sinambit ng kanyang idolong si Donghae. Tinatanong sya nito kung ilan ang bulaklak na hawak nya. Tapos nanghula lang sya nang nanghula ng numbers. Baka yun yung mga numbers na inilista ng kanyang kapatid! Oh may gulay.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Opers at itinaya niya ang mga numerong iyon sa lotohan. Kinahapunan ay iniannounce na sa TV ang mananalo sa lotto na makakatanggap ng bonggang-bonggang 500000000 pesos!

Ang unang numerong lumabas sa screen ay 3.

"KYAAAA! Ate! Panalo na tayo!" wika ni Opers na nagtatatalon sa tuwa.

"OA much Opers? Number 3 pa lang ang lumalabas noh!" wika ni Frances.

"KYAAAA! Ate! 5! 10! 20! Eto na talaga to! Mama! Mayaman na tayo! I can't believe it!" sigaw ni Opers kaya naman nakuha nya ang atensyon ng kanyang mama na kasalukuyang nagluluto sa kanilang dinner.

"Anak! Mananalo na tayo! Kyaaaa!" nagtatalon na rin sa tuwa ang kanilang mama. Dahil din dito ay napasigaw na rin sa exciement si Frances dahil mukhang totoo nga ang sinasabi ni Opers. Mananalo na ata sila sa lotto. Ow may gulay 500000000 pesos!

"16!"

"KYAAAAA!" napasigaw na silang tatlo sa loob ng bahay.

At ang pinakahuling numero ay...tadaa! 4!

"KYAAAAAAAH!" ayan. To infinity and beyond na talaga ang sigawan nila. Ikaw ba naman ang tumama sa lotto at manalo ng tantananang 500 million pesosesosesoses eh ewan ko na lang kung hindi ka manggigigil sa sobrang kasiyahan. Baka nga himatayin pa kayo kung di nyo carry.

Makalipas ang isang linggo ay di na nagdalawang-isip pa ang pamilya Sadler na mangibang bansa specifically sa bansang Korea since longing dream naman yun nina Frances at Opers. At dahil nga sa sobrang yaman na din nila ay nag-invest sila sa isang malaking company at voala! Ayos ang business nila! Hindi lang iyon! Instant change na rin ang buhay nila dahil may bago na silang school na pinapasukan. Walang iba kundi ang Myong Ji University kung saan mayayamang tao at celebrities lang ang nakakapasok. Isa lang ang ibig sabihin nito, magiging kaklase na nila ngayon ang iba't-ibang KPOP artists tulad ng 2NE1, Girls Generation, MBlaq, Infinite, Exo, UKISS at higit sa lahat, ang SUPER JUNIOR! KYAAAAAAAAAAAAAAA!

"Ate! Excited nakong pumasok sa loob ng gate! KYAAAA!" wika ni Opers sa naeexcite na ring si Frances. Pagpasok na pagpasok pa lamang nila ng napakalaking gate ng Myong Ji University ay iba't-ibang tao na agad ang bumungad sa kanila! Maraming hindi kilalang tao pero mayayaman at may ilan na lamang na basta na lamang susulpot sa isang tabi tapos matatauhan ka na lang bigla dahil KYAAAA! Si Myungsoo pala yun ng Infinite na kumakain ng burger sa isang tabi! KYAAAA! laglag ang panty ng author (lol) tapos mayamaya si Thunder at si Dara magkasamang naglalakad tapos bigla na lang dadating si G-Dragon at magngingitian sina Dara at G-Dragon KYAAAA nakakakilig tapos habang naglilibot-libot ang dalawang magkapatid ay marami pa silang ibang celebrities na nakikita!

Kakaiba ang Myong Ji University. Bukod kasi sa mismong building kung saan ginaganap ang classes about academic subjects ay meron pang iba't-ibang building tulad na lang ng practice studio kung saan nagkakaroon ng dance workshops. Mayroon ding recording studios, siguro mga 3 or 5 sya dahil na rin siguro maraming celebrities ang gumagamit ng mga iyon. Hindi lang yun! Mayroon ding mga high class restaurants sa loob ng campus at mayroon ding isang malaking Dormitory! Wow lang! Pwede ka nang mabuhay at manirahan dito sa loob kahit wag kanang lumabas ng campus! Kumpletong-kumpleto sila rito!

"Opers, gusto kong makita ang Super Junior! Asan na kaya sila?" tanong ni Frances sa kanyang kapatid habang naglilibot sila. Mayamaya pa ay may napansin silang kumpulan ng mga kababaihan at kalalakihan mula sa may di kalayuan. Na-curious ang dalawa kaya pinuntahan nila ito.

"KYAAAAA!" sigawan ng mga kababaihan. Mayamaya ay may dumaan sa harapan nila na apat na naggagwapuhang lalaki: Si Yesung, si Siwon, si Eunhyuk at si Donghae! KYAAAAA! Parang F4 lang ang dating!

Hindi makapaniwala si Frances sa kanyang nakikita. Sa talambuhay niya ay hindi niya lubos maisip na makikita niya ang Super Junior sa personal at makakasama pa sa iisang school! How much more kung magiging magkakaklase pa sila?! KYAAAAAAAAA! This is really a dream come true for Frances!

Pero teka lang. Mukhang imposible na ba ang kwentong ito?! Malamang! Fan fiction lang ito eh! Pero teka lang ulit! For every joy comes the pain that gives us the same impact as the joy that we experienced. So anong masasabi nyo sa sobrang kaswertehan at kasiyahan ni Frances? Forever na ba talaga ito o biglang may mangyayaring hindi kanais-nais? Wahahahaha. Abangan.

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon