CHAPTER 7

26 4 3
                                    

Hey Inks! I edit some details of the story dahil may iilan akong hindi gaanong naemphasize. Hope you enjoy reading until the ends. Thanks! 


"Diba sabi kong uwi agad pagkatapos ng cosplay? Look what happened! Pumayag ako dahil akala ko maaasahan ko kayo sa ganitong sitwasyon! But look at her now!"

Nagising ang diwa ko sa dumagundong na boses ni Kuya. Mariin kong pinikit ang mga mata nang masilaw sa liwanag. Looks like I'm in a hospital again. So it did really happen huh?

Siguro ay pinapagalitan nito ang driver at si Ate Mandy. Wala naman silang kasalanan. Ako ang nanlinlang sa kanila para makaligo ng ulan kaya ako dapat ang pinapagalitan.

"K-Kuya..." I weakly said. Hindi ko lang sigurado kung narinig ba ako dahil parang bulong lang iyon sa pandinig ko.

The shouting stopped and I felt a strong arms stopping me to get up and make me stay in place.

"How are you feeling?" he asked coldly but I can sense the concern in his voice.

I feel guilty. Really really guilty. But not guilty enough to regret what I did.

"Ilang o-oras akong nakatulog?"

"2 days."

Muli kong sinubukang imulat ang mata, sa pagkakataong ito ay malinaw na akong nakakakita. Parehong nasa gilid si Ate Mandy at Manong Ernesto na nag-aalalang nakatingin sakin.

Mas lalo tuloy akong naguilty. Napagalitan pa sila kahit na kasalanan ko naman.

"S-Sorry po...K-Kasalanan ko. Wag ka nang magalit sa kanila kuya...a-ako naman po ang—"

"Mahigpit kong binilin sa kanila na iuwi ka agad pagkatapos ng cosplay. Kasalanan mo pero may kasalanan din sila"

Napayuko ako at humihinging paumanhing tiningnan sina Ate Mandy. Tumango lang ang mga ito at marahan akong nginitian.

I feel guilty, yes. Dahil pinag-alala ko na naman si Kuya at napagalitan pa sina ate Mandy at Manong Ernesto...but somehow, I'm fulfilled. Dalawang bagay kasi ang naachieve ko kapalit ng panganib na ginawa ko.

I am lucky though. May posibilidad kasing pagkatapos ng nangyari ay hindi na ako kailan man magmumulat ng mata pero heto, buhay na buhay parin ako. Halos dalawang linggo akong nanatili sa hospital at nagpapalakas. Hindi naman naitatago ni Kuya ang galit niya sakin dahil kapag pinapalitan niya ang IV ko ay hindi niya ako halos kinakausap o sinusulyapan man lang.

"Nga pala...nasabi ko na sa Kuya mo ang tungkol sa fashion show na sasalihan mo" si Manager Kim nang dumalaw ito. Napalingon ako rito at napatigil sa kakascroll ng cellphone.

I only call her Manager Kim kapag nasa trabaho o kaya ay kapag iniinis ko siya. Pero kalaunan ay nakasanayan ko naring Manager ang itawag sa kanya imbes na 'Ate Kim'.

"Ano raw sabi?" I asked even if I already predicted what will happen.

Tumigil ito sa pagbabalat ng mansanas at seryoso akong tiningnan. "Pumayag siya."

Tumango ako. "I knew it. Pagkatapos ng nangyari alam kong hindi na siya papayag." I heave a deep sigh. Baka nga sa susunod na araw sasabihin na nitong tumigil na ako sa pagmomodelo.

"Aiya. Pumayag ang Kuya mo."

Muli akong tumango. "Yeah. I heard—" namilog ang mata ko nang mapagtanto ang sinabi nito.

"Pumayag siya?" gulat kong tanong.

Masaya itong tumango at bahagya pang tumili. Nahawa ako sa kasiyahan nito at napatili narin. Pumayag si Kuya? Wow! Iniexpect ko ngang dahil sa nangyari ay pipilitin niya akong bitiwan ang modelling.

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now