CHAPTER 21

13 3 0
                                    

"Aiya! Tumahan ka na! May masakit ba sayo? Tatawagan ko ang kuya mo—"

Mabilis akong umiling kay Ate Mandy at pinigilan ang kamay nitong akmang magdadial. Muli akong napahikbi.

"Susko! Ano bang masakit sayong bata ka? Tatawag na talaga ako ng doktor!" hindi nito alam kung saan ako hahawakan.

"Ate..." 

Muli akong umiling. Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Pinipigilan kong humikbi pa lalo at baka mabaliw na si Ate Mandy sa pag-aalala.

It's my fault. Kaya hindi dapat ako umiiyak ngayon na parang pinagtaksilan ako dahil unang-una palang ako na ang may kasalanan. Ako ang dapat sisihin.

"A-Ayos lang ako, Ate"

"Ayan ka na naman eh! Sabihin mo nga kasi kung may masakit sayo"

Yumuko ako at muling nagsituluan ang mga luha ko. Hinimas ko ang soot na bracelet. Simula nang dumating ako rito, ang bracelet na iyon lang ang tanging nakakapagpanatag sakin. Kahit napupuno ako ng lungkot at sakit, agad gumiginhawa ang pakiramdam ko kapag nakikita o nahihimas ko ang bracelet.

Pero ngayon, tila nawalan ito ng epekto. Nawala ang mahikang taglay nito na nakakapagpakalma sakin. Kahit anong himas ko ay hindi napapawi ang sakit sa loob ko.

"Ate...masakit po yong puso ko. P-Parang...tinutusok ng ilang milyong karayom"

Nagbuntong-hininga ito at pinulot ang magazine na nahulog ko kanina. Binuklat-buklat nito ang mga pahina at nang matagpuan ang hinahanap ay mabilis nitong pinunit at pinagpipiraso.

Kagaya ng puso kong nagkapira-piraso. I can't blame him. Umalis ako ng walang paalam. Diniactivate ko lahat ng social media accounts ko at pinutol ang komunikasyon namin. Wala siyang narinig ni kahit isang salita mula sakin sa loob ng dalawang buwan kaya hindi nito kasalanan kung umiiyak man ako ngayon.

But, heck! It's only two months since I left at may bago na ulit siya?!

Hindi dapat ganoon! Wala naba ang galit nito at nakamove-on na kaya ngayon may bagong girlfriend na? It's just two freaking months, Mat! How can you forgot me in two months?!

"Sunny! May bago akong takyan—" natigilan ang kapapasok na si Alvin nang makita ako.

Mabilis kong iniwas ang tingin at pinunasan ang bakas ng luha sa pisngi. Narinig ko ang paglapit ni Ate Mandy rito at paghampas.

"Ikaw ang nagbigay noong magazine, ano? Kutong-lupa ka talaga!" mahinang sisi ni Ate Mandy rito at hinampas pa ang nakarolyong magazine sa payat na katawan ni Alvin.

Todo aray naman ang binata at pilit umiiwas kay Ate Mandy para makalapit sakin. Nang nasa tabi na ito ng higaan ko ay nginisihan ko lang ang nakakunot nitong noo.

"Ba't ka umiiyak? Sinong umaway sayo? Si Ate Mandy ba?"

Dahil sa narinig ay mabilis na naman itong napalo ng magazine ni Ate Mandy.

"Ay, naku ka talaga!"

"Aray, Ate! Masakit na ha! Kakasuhan kita ng physical injury"

"Physical injury! Mukha mo may injury!" ganti ni Ate Mandy rito.

Saglit nawala sa isipan ko ang nabasa sa magazine kanina dahil sa kakulitan ng dalawa.

"Why are you here, chimp?"

Nakasimangot itong bumaling sakin. "Magpalit ka na nga ng nanny. Yong maganda at mabait"

"Aba't! Hoy, ikaw na buto't balat lumilipad! Lumayas ka nga rito"

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now