CHAPTER 11

15 3 0
                                    

In life, you need to take every chances you get because some things only happens once. You don't know, one day, you'll just be a memory to some people. So, do your best to be a good memory.

That line from a famous comedian I watched in a random show last night really moved me. It was lingers in my memory until now, every words she said. It's just so... truthfully meaningful.

Mabilis akong napahawak sa gilid ng mesa ng makaramdam ng pagkahilo. Naramdaman ko ang mabilis na pagdalo sakin ng kung sino, at sa pamilyar na amoy palang nito ay alam ko nang si Rid ito.

"Hey, ayos ka lang? Pagod ka na ba? Don't overdo yourself, upo ka muna." Inalalayan ako nitong makaupo.

Nang medyo nawala na ang pagkahilo ko ay akmang tatayo na sana ako para magpatuloy sa ginagawa nang may pumigil at pinirmi ako sa upuan.

"Hindi naman masamang magpahinga saglit. Wait here at kukuha ako ng tubig." sinamaan pa ako nito ng tingin na parang nagbabanta bago umalis.

Mariin kong naipikit ang mata nang muli na namang sumakit ang ulo ko at panandaliang nagblur ang paningin ko. Napapansin ko nitong nakaraang araw na palaging sumasakit ang ulo ko. I think I really need to rest. Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko lang at tiningnan ang schedula para sa linggong iyon. I only have two comercials and a pictorial, tapos yung rehersal naman ng fashion show ay sa sabado pa naman. Not that hectic though dahil next week pa ang susunod kong taping. Magpapaalam nalang siguro ako kay Manager Kim bukas na kukuha ako ng dalawang araw na pahinga.

Pinalibot ko ang tingin sa busy'ng basketball gym. Nagparticipate ako sa isang organisasyong namimigay ng pagkain, anti-rabies shots, at mga bitamina sa mga aso at pusang kalye. I am wearing a white jeans and a blue shirt na may puting footprint ng aso sa bandang dibdib, kagaya ng suot ng halos lahat ng nandito.

"Here. Drink at magpahinga ka muna" nakabalik na ito at nilahad ang bottled water sakin na tinanggap ko naman at agad ininuman.

It's really hot today. Kahit naman nasa gym kami ay nararamdaman parin namin ang init. Ano nalang kaya yung mga aso sa lansangan?

Kaninang umaga pa kasi kami rito at nagpapack ng mga pagkain at treats, paisa-isa namang umaabot ang mga donations kaya medyo natatagalan talaga kami at hindi matapos-tapos ang ginagawa. May mga lugar narin naman na kaming pinuntahan at lahat ng makita naming aso at pusa sa daan ay nabibigyan.

"Miss Aiya? Hi po!" napalingon ako sa dalawang dalagitang lumapit.

"Yes?" nakangiti kong tanong sa mga ito. They are not one of the volunteers.

"Pwede po bang magpapicture?" magalang na tanong nong medyo kulot kaya naman ngumiti ako at tumango.

Nagpapicture kami sa isang volunteer na lumapit. Nasa ginta ako ng dalawa at inaakbayan ko naman sila. After a couple of shots they hugged and thanked me then bid their goodbyes. Muli akong umupo nang makaramdam ng hilo, medyo masakit parin ang ulo ko kaya marahan ko itong hinihilot.

I heard someone tsked and out of nowhere, naramdaman ko nalang na may nagtatali sa buhok ko. Nang matapos ito ay mabilis kong kinapa ang buhok. Hindi maayos ang pagkakatali nito pero hindi ko nalang tatanggalin at baka maoffend ito.

Napatingin ako rito ng umupo ito sa mesa sa harap ko at pinaypayan ako. He's also wearing the same blue shirt as I am wearing and he paired it with a faded jeans and white sneakers. Nasa bibig na naman nito ang paborito nitong DumDum.

I don't know why he's here. Hindi ako naniniwalang nagsasasali siya sa mga ganito dahil wala naman sa katauhan nito ang magsayang ng oras at magvolunteer sa mga ganito. Mas gusto ko pang isipin na pipiliin nitong magsayang ng oras sa opisina nito or sa mga babae kesa sa ang magpakain ng mga hayop sa lansangan. Nagulat nalang ako kanina nang pagdating ko nandito naarin siya.

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now