CHAPTER 28

13 1 0
                                    


He asked for almost everything I did while I was away and recovering. And everytime I would answer, he would seal a kiss like he's sorry and thankful at the same time.

"So you recover your memories months ago, then why didn't you contact me huh? Bakit ngayon ka lang bumalik?" he asked while still giving my neck and jaw feathery kisses.

Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Inangat nito ang mukha para matingnan ako. Agad ko namang iniws ang tingin.

"I-It's beacause...you're dating somebody else!"

Okay, it's true but that's not really the main reason. I was very very insecure with my looks back then. Iyon talaga ang totoong nagpipigil saking bumalik.

Sumeryoso ang anyo nito at mariin akong pinakatitigan.

"I never dated anyone outside our relationship. Kahit galit ako sayo dahil umalis ka ng walang paalam. Kahit na wala akong narinig na balita tungkol sayo. I stayed loyal and faithful to you"

Ngumuso ako dahil pakiramdam ko maiiyak na naman ako.

"Liar. I heard news about you dating and your current girlfriend is Stephanie—"

"She's just a colleague, Sunshine. I don't have a girlfriend" muling pumalupot ang braso nito sa baywang ko.

Nalalasing na naman ulit ako sa lapit namin.

"I don't have a girlfriend anymore. But I have a wife now..." he said huskily while staring down at my lips.

He was about to kiss me again when the door suddenly opened.

"Opps. Sorry!"

Sabay kaming nataranta ng babaeng nurse na pumasok. Siya sa paglabas, habang ako naman ay sa pagtulak kay Mateo palayo at pagbaba sa hospital bed. He doesn't seem to care that a nurse caught us in that situation!

Oo nga at wala kaming ginagawa pero ano sakali ang iniisip noong nurse!

"Mateo!" pinandilatan ko ito ng mata.

"Why are you scared that someone caught us anyway? We're married"

Sinimangutan ko ito.

"Baka hinahanap na ako ni Kuya"

Mas hinigpitan lang nito ang pagkakayapos sa baywang ko at sinubsob ang mukha sa leeg ko.

"Let's get wed..."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

"W-What?"

Nag-angat ito ng tingin.

"I want you to be legally mine, Sunshine. Hindi lang dahil may kontrata kang pinirmahan o may kasunduang dapat bayaran. I love you and I want you mine. Completely. Let's get wed."

May dinukot ito sa bulsa ng pantalon na sout at pinakita sakin. Ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko habang nakatingin sa hawak nitong singsing. It's a beautiful infinity ring with a medium cut diamond!

Parang tumalon ang puso ko at hanggang ngayon ay hindi parin nito naaabot ang sukdulan ng banging pinaghulugan. Gusto kong matawa at umiyak sa tuwa, hindi ko alam! Nababaliw na yata ako.

"I bought this on our first anniversary. Yes, I was mad but I was sure then that I wanted to marry you. So bad. Marry me, Sunshine. Let's start our family..."

Ang puso kong akala ko ay hindi na maaabot pa ang sukdulan ay bigla nalang lumagapak. Sa taas ng pinaghulugan ay nagkadurog-durog ito.

Nagsituluan ang mga luha ko.

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now