CHAPTER 18

17 4 2
                                    

"What do you think?"

Agad kong pinalibot ang tingin sa kwartong pinasukan namin. It's pretty big for me actually, pwede naman kaming magshare ni Ate Mandy ng room.

Malaki ang bahay nila rito sa Cebu. Halatang luma na pero dahil inaalagaang mabuti at siguro nakailang renovations narin kaya gumanda lalo at lumaki ng ganito.

Nameet rin namin ang parents niya kanina. Nakakahiya lang dahil talagang sinalubong pa kami sa bukana ng gate nila. Napag-alaman ko ring originally from Cebu ang Mommy niya pati narin ang iba pang mga kapatid nito. Yong Dad naman niya ay only child lang din gaya niya kaya mas marami siyang pinsan sa side ng Mommy niya rito sa Cebu.

"It's pretty. Si Ate Mandy?" tanong ko habang pinapasadahan parin ng tingin ang kabuoan ng silid.

It has a queen size bed that is all covered in white sheets. Napangiti ako sa pabilog at cream color na furry carpet. The walls and ceiling were painted in cream color too. There's also a mini balcony and the floor to ceiling white curtains were made of beautiful embroidery. May mga minimalist décor na nakasabit sa dingding at iilang abstract painting din. May iilang halaman at cactus rin sa silid. All in all, I love it.

"Nasa katabing kwarto lang. My room's also just beside yours. Kumatok ka lang kung may kailangan ka"

He walked in and open a cream colored door just beside the large mirror on the wall. I think it's the closet. Nilagay kasi nito doon ang travel bag ko. Nagtagal ito doon kaya pinuntahan ko muna ang mini balcony.

Sumalubong sakin ang panghapong hangin nang buksan ko ang sliding door. The sun is setting beautifuly. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang karagatan. Payapa rin ang mga ulap at tila walang iniindang problema sa mundo. What a perfect scenery!

Pinikit ko ang mata at dinama ang kapayapaan. Nililipad ng hangin ang buhok ko pero hindi na ako nag-abalang sakupin iyon. This place is still a city pero malayong-malayo sa maingay na traffic ng Manila ang kapayapaan rito.

Naramdaman kong may tumabi sakin at nang ayusin nito ang nagugulo kong buhok ay alam ko na agad kung sino iyon.

"You should rest. Aalis tayo mamayang gabi para sa event"

Mabilis kong naidilat ang mata at nilingon ito. He was facing me. Ang siko ay nakapatong sa barandilya habang ang isang kamay naman ay pilit inaayos ang buhok ko. Bahagya ring sinasayaw ng hangin ang buhok nito.

He's like an afternoon art made by a famous scenic artist. Mas lalong nadepina ang tangos ng ilong at lalim ng mga mata nito dahil sa panghapong araw. Like the beautiful sunset. Inaagaw na nga ng dilim, maganda parin.

"Ano ka ba, hindi mo na kami kailangang isama sa family event niyo. We can handle ourselves."

"The whole place were exclusive for the said event. You'll come with me. We'll eat, then after that we'll take a stroll."

Kinunutan ko ito ng noo. "But that's a family event! Personal yon. Hindi ka dapat nagsasama ng bisita"

Ngayon ay noo naman nito ang kumunot. "There will be other visitors too"

Huh? A family event pero may mga bisita?

"Anong family event ba yan?"

"It's my cousin's debut"

"A debut!" namilog ang mata ko. "Why are you inviting me to your cousin's debut? Hindi naman kami magkakilala ng pinsan mo. At isa pa, wala akong gift!"

Nagkibit balikat ito. "It's fine. You'll meet her later anyway."

"I didn't even know if I packed the right clothes! Wala akong masusuot!"

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now