CHAPTER 13

24 3 0
                                    

Hi! Halu! I know it's been so long pero gusto ko lang sabihin na tuloy parin po yung mga story ng napangakuan ko. Dapat sana kasi tapos na'tong Eight Pleas kaya lang ay mga binago ako kay nirevive ko yung story from the top. 

Anyway, finafinalize ko na to tapos after this yong Dating the Popular naman. I hope basahin parin to ng mga napangakuan ko hahaha at idedicate ko nalang siguro since tinakenote ko naman yung names and UN niyo.

Thanks and enjoy! :) 

EnkeDemoiselle | 2021


"Come in. Mabilis lang ako"

Nagdalawang isip pa ako bago tuluyang pumasok. Sumalubong sa paningin ko ang modernong desinyo ng boung unit. It is a mixture of brown, gray, black, and beige. The floor is wooden and there's a set of expensive looking rectangular leather couches in the living room beside the floor to ceiling glass wall. A wooden oval center table and a gray furry carpet.

May hagdan patungo sa second floor with a glass frame and banisters. The kitchen and living room is separated through a glass door, kaya naman kitang-kita ko ang kitchen mula sa kinatatayuan ko. Lihim pa akong namangha nang imbes na chandeliers ay parang mga polygons na may lights ang nakabitay sa ceiling. Overall, the room screams masculinity and elegance.

"You want something? Juice or water?"

Mabilis kong itinigil ang pamamangha nang magsalita ito. "Nah. I'm good."

"Okay then. Upo ka muna, magbibihis lang ako" with that he hurriedly went upstairs. Pumasok ito sa nag-iisang silid na naroon na hinuha ko ay kwarto nito.

Umupo ako sa pang-isahang couch para mapagmasdan ang tanawin sa labas. Nakatalikod kasi sa glasswall ang mahabang couch kaya doon ko pinili sa pang-isahan umupo.

Rid's unit was on the top floor. Kaya naman magandang pagmasdan ang boung syudad mula sa pwestong iyon. Nakangiti kong hinubad muna ang flats na suot para damhin ang furry carpet. And it feel so nice on her feet!

Muli kong pinalibot ang tingin sa paligid. Ang saya sigurong bumukod at magpakaindipendent. Napalabi ako nang maalalang nasa iisang tower lang si Rid at Martini—nasa katapat na room lang actually. Minsan na kasi akong nakapunta unit ni Mart, hindi ko naman alam na magkapitbahay lang pala sila ni Rid.

I wonder if Mart is home. Minsan lang naman kasi nito uwian ang condo kasi madalas itong nasa clubhouse nilang magpipinsan o kaya ay sa bahay ng mga magulang nito dahil nasa iisang subdivision lang din naman ang mga pinsan. Those Valentine cousin are inseperable.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong sinagot nang makitang si Elle iyon.

"Hey, babe!"

"Your face is all over the social media. You are seen kissing with Rhamid Alcazar!"

Hindi na ako nagulat sa binalita nito. Kahit saan ako magpunta ay may stalker ako. Rhamid on the other hand, obviously maraming stalker din at kahit pa anong casual ang suotin namin ay may makakakilala parin talaga. Napanguso nalang ako at dumausdos ng upo sa sahig para himasin ang mabalahibong carpet. Nakasandal ang likod ko sa couch.

"Yes, I am with him earlier. Bumalik na pala siya ng Pilipinas. Ayon nagkwentuhan kami saglit tapos nagpaalam at nagbeso" pagkukwento ko.

Geez! Those people. Ang galing talagang humabi ng kwento. Is that even a kiss?

Natawa ito sa kabilang linya. "Araw-araw ka nalang may issue. Ano kaya pa ba? Want me to fix it?"

"Hayaan mo nalang muna yon. It's Rhamid, you know...For publicity nadin" mahina akong natawa. "Lilipas din yan kapag may bago na namang nakuha. Why are they so interested in me these days?"

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now