CHAPTER 17

23 3 0
                                    

"K-Kuya?" napabangon ako sa walang tigil na pag-iingay ng cellphone ko.

"Ano tong naririnig ko? May boyfriend ka raw? At si Zyrrid? Zyrrid Valliente! Magkakilala pala kayo non?"

Napatigil ako sa pagkusot ng mata at kinunot ang noo. Nilingon ko ang nakasarang bintana bago binaling sa wall clock. It's just 5 in the morning!

"W-What...sinong...hindi, Kuya. Where did you hear that?"

"Well, sister, it's all over the news! Totoo ba ito? Nagboboyfriend ka nang hindi man lang sinasabi sakin?!"

Ramdam ko ang pagkainis sa boses niya. Nahilot ko ang sintido. Ito na nga ba ang sinasabi ko! A rumor will always spread like a wildfire.

"Kuya, hindi. Wala po akong boyfriend. Wag kang magpapaniwala sa mga naririnig mong balita. Kung paano kumalat ang balitang yan ay hindi ko alam. And it's not like this is the first time that my name was engage on a 'boyfriend-rumor' something. They just love to make issues about me. Those aren't true." sinundan ko iyon ng paghikab.

"But this is the first time that your 'boyfriend-rumor' has a name"

"It's not true."

"And Zyrrid Valliente?"

I heave a sigh. "He's a friend. Hindi ko po siya boyfriend"

Ilang sandali ko pang kinumbinsi si Kuya na hindi totoo yong narinig niya. Paulit-ulit na paliwanag pa ang sinabi ko kung bakit kami magkasama ni Rid kagabi sa ball, at iyon ay dahil inimbita ko ito dahil isa ako sa nag-organized ng event at nagbibigay ng invitation sa mga maimpluwensyang tao para sa charity. Iyon din naman talaga ang totoo.

I wonder though how that news reached to him. Si Congressman lang naman daw ang sinabihan! Ba't ngayon pati kapatid ko ganoon ang naririnig? Sabi ko na ngaba at mapapasubo na naman ako sa kasinungalingan ng gagong yon kagabi eh!

Nang tuluyan ko nang naipaliwanag ang side ko at mukhang naniwala naman na sakin si Kuya ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Sabi ay sa biyernes paraw ang uwi nito.

Oo nga pala! Magpapaalam pa nga pala ako para sa Cebu. Hindi ko kasi nagawa kagabi dahil pagkatapos kong maglinis ng katawan ay nakatulog na agad ako sa pagod.

I dialled my brother's number. Ilang sandali pa ay sinagot na nito.

"May nakalimutan ka?"

Umayos ako ng upo sa kama. Iniimagine kong nasa harap ko siya para makapagpaalam.

"Uh...Kuya, ano...yon nga...mag...uh...m-magpapaalam po sana ako..."

The other line went quiet. Hindi naman ito ang una kong beses na magpaalam pero bakit parang ito palang ata ang unang beses kong kinabahan. Sana naman payagan ako.

"Magpapaalam, saan?"

Tumayo ako para makalma ang sarili. I am now pacing back and forth in my room.

"Uh...pupunta po sana akong ocean park..."

"Oh, okay. Pahatid ka kay Manong Ernesto at isama mo si Mandy—"

"Sa Cebu...po sana..."

I bit my lower lip. Ilang sandali ulit itong natahimik.

"Sa Cebu? Bakit sa Cebu? May trabaho ka ba roon?"

"Uh...wala po. I'll just wanted to see the...ocean park?"

Kahit ako ay hindi nakumbinisi sa sariling sinabi. Kung gusto ko lang naman palang pumunta ng ocean park ay mayroon naman dito sa Maynila. Bakit kailangan sa Cebu pa? May mga isda rin naman dito, Aiya!

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now