CHAPTER 29

38 1 10
                                    

"What is your goal in life?" wala sa sarili kong tanong habang pinaglalaruan ang mumunting balahibo nito sa dibdib.

Right after the wedding, he brought me to his Tito's Pineapple plantation. Hindi ko alam kung paano o kailan niya ginawa but he prepared a picnic date for us—with a thick comforter at the back of his Silvirado and a basket of foods and drinks, under the thousands of stars glimmering in the sky. It's just too romantic that we couldn't contain our feelings and ended up tangled in sheets.

"Why do you ask?" patuloy parin ito sa paglalaro sa buhok ko at ang panaka-nakang halik nito sa noo ko.

"Just curious"

"Hmm...My goal? I don't really have something in particular. You see, I already have everything—oh! Not everything. You're still not using my surname and you're not living in my house. So...that's my goal." bahagya itong natawa.

Sinimangutan ko ito pero sa huli ay napangiti nalang din.

"How 'bout you?"

"Hmm...me?" labi na naman nito ngayon ang pinaglalaruan ng daliri ko.

"To make a miracle." I whispered slowly while looking at him.

Hinintay ko ang reaksyon nito. Imbes na matawa ay masuyo lang itong ngumiti at mariin akong tinitigan. His dark eyes reflected the night sky. Breathtakingly beautiful.

"That's great. People do amazing things when they have a goal. I'll support you with that."

I arched my brow and looked at him playfully.

"You think I can make a miracle?"

"You're awesome, Babe. You can do everything and I will always be right here" masuyo nitong pinatakan ng halik ang labi ko.

My smile frail when my irregular heartbeat starts to hurt. I am happy. Overflowing with happiness actually.

Iniwas ko ang tingin at binalingan nalang ang mga bituin. They are so beautiful. Like a dimonds in the sky.

I stretched my arm trying to reached them. Kahit alam kong imposible. Kahit alam kong hindi mangyayari.

Then, Mateo also stretch his arm to reach my hand and intertwined our fingers. Nakangiti kong pinagmasdan ang magkahalugpong naming kamay. Narealize kong...

Oo nga pala. I don't have to reach for another start because I already have one. The brightest star in my life. The one who holds my whole galaxy in his eyes.

Natawa ako sa sariling kakornihan.

Nang umuwi kaming Maynila ay agad kong pinalitan si Kuya. Hindi na naman ako kailangan ipakilala sa mga stockholders at boardmembers dahil kahit noon paman ay tumutulong na talaga ako sa kompanya, hindi nga lang kasing hands-on ng ngayon.

Hindi parin pala sila nagbabati ni Ate Kimona. Mukhang nagtampo nga talaga iyon sa kapatid ko kaya naman todo suyo si Kuya. I also heard Ate Kim rejected his second proposal so my brother took her to Maldives. Para raw masuyo itong mabuti, with the help of the scenery.

Tentative pa kung kailan sila babalik pero wala namang kaso iyon dahil kaya ko namang ihandle ang kompanya. Hindi ko nga lang naiiwasan ang iilang batikos ukol sakin tungkol sa pagiging 'third party at dahilan ng hiwalayan ni Stephanie at Mat' daw kuno. Hindi man iyon totoo at hindi ko man pinapansin, ayaw ko ring magkaroon ng problema sa kompanya dahil lang doon.

"Sa bahay na muna ako uuwi bukas at sa susunod na araw" sabi ko habang naghahapunan kami.

Simula kasi noong umalis si Kuya ay sa bahay niya na ako umuuwi. Kinuwento ko narin kay Ate Mandy ang lahat para hindi na ito nagugulat kapag magising na wala ako sa bahay at para hindi ako isumbong kay Kuya dahil hindi ko pa rin kasi nasasabing pumirma na ako sa kontrata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now