CHAPTER 26

20 3 0
                                    

Iniwas ko ang mukha sa hawak nito.

May girlfriend siya, Aiya! Bakit mo hinayaang halikan ka niya? You should respect his relationship!

But he kissed me first—na mali. Maling-mali dahil may girlfriend siya! Is he toying with me? What a jerk!

Tumayo ako at umambang aalis na. Isang pagkakamali ang makinig kay Ate Mikaela at pumunta rito.

Hinawakan nito ang dalawa kong siko bago paman ako makahakbang paalis.

"Bitiwan mo ako. I came here to apologize and I guess my business is done—"

"Your business with me will never be done. No. You are not going away anymore"

Mahigpit ang hawak nito sakin at nagtatagis ang bagang sa pinipigilang galit.

"Let me go! Aalis na ako"

"Aalis? Ulit? And where to? Gaano na naman katagal? Hindi ka pa nga nakakabawi sa ginawa mo, aalis ka na naman?" nakangisi ito pero puno ng poot ang tinging ipinukol sakin.

Nagpumiglas ako. "Bitiwan mo ako, Mateo! Uuwi na ako"

"Not unless you sign the contract"

Matigas itong umiling at walang sabi-sabi akong binuhat na parang sako. Napatili ako at mahigpit na napahawak sa damit nito.

"Ibaba mo ako, ano ba!"

Hindi ako nito pinakinggan at nagpatuloy lang sa pag-akyat. Pumasok siya sa nag-iisang silid sa ikalawang palapag ng bahay at nilapag ako sa kama. Binundol ng matinding kaba ang dibdib ko.

Mabilis itong lumabas ng silid at sinarado ang pintuan. Tinungo ko iyon at nang subukan kong buksan ay nakalock na.

Kinalampag ko ang pintuan habang nagsisisigaw.

"Mateo! Buksan mo to! Palabasin mo ako rito! Mateo!"

Tumulo ang luha ko. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kailanman naisip na gagawin niya sakin ito. And what will he do to me? Bakit niya ako kinulong rito sa kwarto niya?

Pinalibot ko ang tingin sa kwarto para maghanap ng bintana. May malaking bintana sa uluhan ng kama niya pero agad rin akong napailing nang maalalang nasa pinakamataas na palapag nga pala kami.

Yong cellphone ko nasa clutch kong dala na nahulog ko kanina. Muli kong sinuyod ng tingin ang madilim na kwarto at baka may magamit akong pwede panangga para protektahan ang sarili. Ang tanging ilaw lang doon ay ang liwanag mula sa labas na pumapasok sa bintana.

Kinapa ko ang pader para hanapin ang switch ng ilaw at napahinga nalang ako ng maluwag nang mahanap. Pinalibot ko ang tingin sa boung kwarto pero agad iyong napako sa picture frame na nasa bedside.

Namilog ang mata ko at unti-unting lumapit.

It's my picture!

May yakap-yakap akong wizard stufftoy at sa likod ko ay tanaw ang boung EK. May iilang ilaw rin na nagsisilbing parang alitaptap sa likod. Hindi ako nakatingin sa camera pero nakangiti ako.

Kailan niya kinuha iyon? Hindi ko napansing kinunan niya ako ng larawan noong nasa EK kami. At bakit may picture ako rito sa kwarto niya? Anong ibig sabihin nito?

Ang takot at kaba ko ay unti-unting napapalitan ng kakaibang emosyon na hindi ko maipaliwanag. Mas dumoble rin ang kalabog sa dibdib ko pero hindi na iyon dahil sa takot.

May mabilis na kamay ang umagaw sa picture frame at agad iyong isinilid sa pinakaunang drawer. Nakasunod naman doon ang tingin ko.

"Sign this then you can go home"

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now