XXIII - Dazed

330 6 0
                                    

Sumunod naman na magbibigay ng papel si Reece. Kinuha niya yung dilaw na papel at ibinigay niya ito sa'kin. Bakit? Wala naman siyang ginawang kasalanan sa'kin...

Tinanong ni Ma'am kung bakit, pero ngumiti lang siya at sinabing, "Secret muna Ma'am! Hehehe!"

Pagkatapos nun, kinuha niya na yung pulang papel at naghiyawan nanaman yung klase. Napayuko na lang ulit ako. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumayo siya at nagtaka ang lahat. Pati nga ako eh.

Naglakad siya papunta sa harap at nalungkot ako. I was expecting something... it hurts so much. Expectation isn't the reality, huh...

Narinig kong bigla siyang tumawa at sinabing, "Joke lang! Hehe!" Yung mga paa niya nakikita ko sa harapan ko at umupo rin sya. Hinawakan niya yung mukha ko at itinaas ito para makita niya ang mga mata kong may luhang tumulo. "'Wag ka na umiyak. Sige ka, gusto mong i-kiss kita sa harapan nila?" Bulong niya sa'kin. Kaagad ko namang inilayo yung mukha ko sa kanya at inabot niya na sa'kin yun papel. Bago siya bumalik sa pwesto niya, bumulong pa ulit siya sa'kin. "I love you so much."

Is this what the sorry is for? Was that actually a warning for me? Akala ko ba mahal niya ako? I thought, that finally, someone gave me inspiration to be positive. That finally... someone gave me real love.

Somehow, though, something is telling me that I shouldn't give up on him yet. There's still hope because... I still love him. Maybe the girl did it on purpose... or she was probably just toying him.

"Shhh... okay lang 'yan."

That familiar voice.

Yna?

Tumigil na ako sa paghikbi pero meron pa ring mga luhang tumutulo. "Nakita ko kayo ni Reece kanina... akala ko mabait siyang tao. Grabe siya. Ang lakas ng loob niyang gawin yun sa'yo." Tumahimik muna siya bago nagsalita, habang ako nakayuko lang at iniisip pa rin si Reece.

Why isn't he chasing after me?

"Sorry pala ah? Aksidente ko kayong nakita eh, magkikita din kasi kami ni Rain dito malapit sa garden." Tumigil siya saglit bago nagsalita. "Oh... andito na pala siya. Gusto mo bang ihatid kita sa kwarto mo? Saan ba yun?" Tinulungan niya akong tumayo at tinanong niya kay Rain kung nasaan yung kwarto ko. Hindi naman alam ni Rain yun, bakit magtatanong pa siya?

Napabuntong-hininga si Rain bago sumagot. "Bigyan mo ng cellphone 'yan."

"Ha? Ah, oo nga pala." Binigay niya na yung phone niya sa'kin at sobrang bagal ko namang magtype. Nanghihina ako ng walang dahilan. "Yun. Sige, puntahan na natin. Hawakan mo kamay ko kung gusto mo, okay?"

Yeah, that'll help, I guess.

Hinawakan ko naman kaagad yung kamay ni Yna habang naglalakad na kami. Kasama rin pala namin si Rain.

After a few minutes of walking, we finally reached in front of our room. "Andito na pala tayo." I nodded my head and bowed as my thanks. Umalis na sila kaagad at tiningnan ko sila bago buksan yung pinto. Ang saya nilang tingnan. Gusto ko ganyan din kami ni Reece. Gusto kong mag-sorry na kaagad sa kanya kaya lang hindi ko kaya...

Pumasok na ako at napansin kong tulog na si Rae. Dumiretso na ako sa kama ko at nakatulog na rin kaagad.

Please... Reece, let's make up already. I miss you.

* * *

"...she here? Is she okay?"

"Ang ingay mo naman, tulog pa kami eh!"

"Kasi naman eh... andyan ba si Ia?"

"Oo naman, bakit mo natanong? Teka, gisingin ko lang."

Ang ingay naman. Lalong sumasakit yung ulo ko, parang pinupukpok lang ng martilyo. Hindi ko pa mabuksan yung mata ko dahil sa sobrang antok. "Ah! Shi- nilalagnat siya. Pakipatay nga muna yung aircon."

A Reviving VocalWhere stories live. Discover now