XXII - Kiss

385 5 2
                                    

"Oo nga pala, my name is Yna! Ako yung girlfriend ni Rain, nice to meet you all! Sabi kasi niya sa'kin sinusubukan niyo siyang kaibiganin, kaya lang ayaw niya. Kaya pipilitin ko siya! Okay lang ba? Pwede ko rin ba kayo maging kaibigan?" Ngumiti siya ng napakalapad at lahat kami dito ay nakatunganga lang, hindi alam ang gagawin.

Yna is okay, I guess.. but him? I don't want to see his face anymore.

Aisha broke the silence, thankfully. "Oo naman! Buti naman at may isa pa tayong kasamang babae! Hehe! Ako nga pala si Aisha. This is Rae, and Ia." And the introductions went on. It felt unusual, why did she not smile at me? She did it to everyone else, but why did she glare at me? I didn't do anything bad to her, right? I feel like I'm at fault here.

"Tara na, Rain! Sumama na tayo sa kanila, ah?" Hinawakan ni Yna yung kamay ni Rain at si Rain naman... nginitian siya? Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Yung totoong masaya siya. Ngumingiti rin pala siya. Marunong din pala siyang sumaya kahit papaano, akala ko buhat niya na lahat ng problema sa mundo -- tulad ko.

The day went on as, well... not really expected. Yna and Rain were enjoying themselves with us... I think so, except for me. It was really awkward with Yna, and I have absolutely no idea why. At least I had fun with Reece, he's always there whenever I need him. He kept his promise. And now I really trust him.

We went back to the hotel at around three, fourty-five pm and Yna and Rain had to part ways with us since she checked in on a different hotel. We quickly proceeded to go to the dinner room and waited for our classmates in other sections to assemble.

"Bakit kaya wala pa yun si Rain?" Tanong ni Nathan sa'min habang nakatayo at tumatanaw para hanapin si Rain. "Ewan. Baka nag-ano na sila." Sabay tawa nanaman ng malakas ni Blaize, sumabay na rin sila Nathan, pati nga si Reece eh. I guess he has that side of him too.

"Hoy! Grabe ka naman! Ang inosente ni Yna eh! Bastos ka talaga kahit kailan." Pinalo ng mahina ni Aisha si Blaize na nasa tabi niya at tumawa lang ulit siya. "Oh, ano naman? Mag-jowa naman sila eh."

"Ano ka ba! Ang babata pa natin, ganun na kaagad iniisip niyo? Porket ba mag-jowa pwede nang mag-ga-ganun?" Tinawanan lang ng mga boys si Aisha, hindi na ako nakatingin sa kanila at nag-laro na lang ako sa phone ko. "Nakakainis talaga kayo. Bakit ba ako may mga kaibigang bastos? 'Diba noh, Rae?"

"Ha? Ewan ko sa'yo. May gagawin kami ni Ia mamayang gabi, h'wag ka muna maingay, iniisip ko pa kung ano pwede kong gawin sa kanya." Napatingin ako kaagad sa kanya at nagulat din si Aisha sa nasabi ni Rae. Nakitawa na rin ako sa kanila dahil pinagtutulungan na namin si Aisha.

"Ha?! Pati ba naman ikaw, Rae?!"

"Anong sinabi mo?!"

Sabay pang nag-salita sina Aisha at Reece. Nag-react si Reece sa sinabi ni Rae at ngayon naman, pinupuntirya na namin yung nasa tabi ko. "Uy! Hahahaha! Oo nga, Rae. Tuloy mo 'yan ah? Kami nang bahala kay Red." Blaize made funny gestures as he said that and I can't help but laugh.

Si Reece naman nakatulala na lang at maya-maya, tumawa na siya. "Hahahaha, sige. 'Di naman totoo yan eh, 'diba noh Eumeleia?" I felt like teasing him so I shook my head and typed. 'It's true. I accepted Rae's offer. I was really curious about it.'

"Ha?!"

Tinawanan namin siya at napaupo na lang siya. "Bahala nga kayo d'yan. Nagtutulungan kayo ah, sige, tingnan natin mamaya." Tumigil siya saglit at tumingin sa'kin. "Lalo ka na." Ako naman ngayon ang natulala. What is he going to do to me?

"Uy! Ayun si Rain oh. Rain! Dito ka!" Napunta ang atensyon ng lahat kay Nathan na kumakaway-kaway at nakatingin sa direksyon ni Rain. "Yung totoo, may gusto ka ba kay Rain?" Tanong ni Reece sa kanya.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon