VI - Trust or Doubt?

960 19 8
                                    

Nag-madali na akong hanapin sila Cy at Reece at hindi na nag-paalam kanila Aisha at Rae. Nung nakita ko na sila, agad ko namang hinatak si Cy palayo sa kanya at mukhang nagtataka siya kung bakit niya ginawa yun.

"Eumeleia?" Lumapit siya sa'min pero lumayo din ako, tumakbo na din ako habang hawak ko pa din si Cy sa kamay. Ayokong madamay pa si Cy dito, kahit ako na lang masaktan basta wag lang ang kapatid ko.

Huminto ako kung saan nakaupo sina Aisha at Rae at sumenyas na umalis na kami dito. Mukhang na-gets naman nila yung ipinapahiwatig ko kaya tumakbo na kami palayo ng arcade bago pa kami mahabol ni Reece. Tumigil kami sa isang sulok, may pintuan sa gilid at mukhang yung mga staff lang ng mall ang pwedeng pumasok dito.

Nagpahinga muna kami saglit at tahimik yung paligid namin. Unang nag-salita si Cy. "Ate.. I want to be with Kuya Reece more! I want to play with him! Why did you take me with you?"

"Sorry, Cy-Cy pero kailangan kasi natin lumayo sa kanya! Masamang tao siya!" Sinabi ni Aisha yun habang naka-luhod siya at nakapatong yung mga kamay niya sa balikat ni Cy. Nakita ko sa expression ng mukha ni Cy na parang naguguluhan siya. Of course, he wouldn't understand such things..

"No! You're wrong, you just.. don't know him that much! You probably haven't been with him for such a long time, either! And.. who are you to tell me that anyway?!" Nagulat ako sa ginawa ni Cy, hindi ko aakalaing magagalit siya ng ganito dahil lang kay Reece.. sinisigawan niya yung mas nakakatanda sa kanya.

"Huh..? Hindi mo ko na-aalala? It's me! Aisha.. you know, we played lots at your house before! I've been your sister's friend ever since! Promise! Hindi ako nagsisinungaling! Palagi pa nga natin inuubos yung mga cookies na ginagawa ni Manang sa bahay niyo eh tapos hindi natin tinitirhan si Ia diba?" Nagulat pa ako sa mga sinabi ni Aisha.. hindi ko aakalaing naging kaibigan ko pala talaga siya dati.. I'm so glad she's still here with me!

Friends.. will always be together forever, no matter what happens; even if you get an amnesia, or lose your voice. A true friend will never leave by your side.

..now I understand. I am really thankful that I found such a unique person.

"I-Ia? Bakit ka umiiyak?!" Hindi ko na namalayan na biglang may tumutulong luha mula sa mga mata ko. Pati din pala si Cy umiyak na din. Masyado nanaman akong nagiisip, kaya ako nagiging iyakin eh.

I waved my hands in front of Rae again, for the third time. I wiped my tears with the handkerchief I got from my pocket. Nilapitan ko si Cy at inilapat ko yung panyo na hawak ko sa mga luha niya at inalis din ang mga ito. Pagkatapos nun, tumingin siya sa'kin at ngumiti na lang ako.

"I-I'm sorry, Ate Aisha! I-I said b-bad things.." Nau-utal utal na sabi ni Cy. Aisha just gave him a big grin and a thumbs up. "Okay lang yun! Hindi naman maiiwasan na magalit ka, diba? Lahat naman ng tao nagagalit! Kahit ako! Ngayon, galit ako dahil sa Reece na yun!" Tumingin si Cy sa'kin.. parang nagtatanong kung bakit galit si Aisha sa kanya.

Kinuha ko naman yung phone ko at nag-type kaagad, saka ko din ito ipinakita sa kanya. 'You might not understand the story.. so just stay away from him, okay? He's kind of.. dangerous.' Nakita kong nalungkot si Cy pero tumungo pa rin naman siya.

"Ate.. let's go home na. I'm tired!" Napagod na din naman ako ngayon at nagugutom na din ako, kailangan na talaga namin umuwi para kumain ng tanghalian kaya tumungo naman ako. Nag-type ulit ako sa phone ko at ipinakita yun kanila Rae at Aisha. 'Sige, uuwi na kami ah? Pagod na daw kasi si Cy, kahit ako din eh. Kita na lang tayo sa Monday :)'

"Awww, sige! Ingat kayo! Sa Monday na lang tayo mag-usap." Tumungo ako at niyakap silang dalawa, saka ko kinuha yung kamay ni Cy at lumabas na ng mall. Tinawagan ko yung driver namin at binigay ko yung phone ko kay Cy para syempre.. siya na ang kumausap at sunduin kami dito. Pagkatapos ng conversation nila, binigay ulit ni Cy yung phone ko sa'kin at binalik ko naman yun sa bulsa ko.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon