XXX - Frustration

319 6 0
                                    

Rain is walking along the street with Yna beside him. They were supposed to get to their group meet-up by now but Yna decided to just go home, so Rain has to make sure she gets there as safe as possible. And now, they came across a crying girl sitting on one of the benches in the park near Yna's house. "Sino 'yun?" Rain just shrugged as his answer. "Lapitan kaya natin? Mukhang pinalayas ata siya, may dala siyang bag eh."

"Sige, tingnan natin." Sagot naman ni Rain. Lumapit sila sa nakita nilang babae at iyak pa rin ito ng iyak. Kinalabit ito ni Rain pero hindi pa rin siya pinansin ng babae kaya nagsalita na siya. "Miss, okay ka lang? May problema ba? Bakit ka umiiyak?"

"Malamang hindi okay yan Rain, umiiyak eh." Sarcastic na komento ni Yna. Hindi na lang ito pinansin ni Rain at kinalabit pa rin niya yung babae hanggang sa itinaas niya na ang ulo niya. Nagulat sila nang makita nila si Eumeleia. "Tss, siya lang pala. Teka, ba't ka nandito? Sinundan mo ba si Reece?"

Walang ginawa si Eumeleia kung 'di titigan lang sila, takot sa nakikita. Kahit na madilim na, kitang-kita pa rin na namumugto na ang mga mata niya. Hindi siya gumalaw, kahit punasan ang mga luha niyang tumigil na sa kakabagsak. Ni hindi man lang niya kunin yung phone niya at kausapin sila. Yna sighed and said,"Wala ka talagang kwenta, lumayas ka na dito, bago pa kita paiyakin lalo." Naglakad na siya papalayo pero nakatayo pa rin si Rain sa harapan ni Eumeleia. Maya maya, sumunod na rin siya kay Yna at iniwan si Eumeleia.

"Aish, nakakainis talaga yun. Gusto ko siyang sabunutan!" Sigaw ni Yna.

Nanahimik lang si Rain at pati na rin si Yna. Nang makarating sila sa bahay ni Yna, "Oh sige, papasok na'ko. Uwi ka na kaagad ha? Bye."

"Yna." Tawag ni Rain sa kanya.

"Oh? Bakit?" Lumingon siya at hinintay lang si Rain na sumagot ulit -- kaya lang umiling si Rain at sinabing, "W-Wala pala. Nakalimutan ko eh. 'Ge."

Naglakad na ng mabilis si Rain at hindi na lumingon pa para tingnan si Yna. He looked furious, mad, frustrated, annoyed at something -- but he didn't know what it was. And then he saw Eumeleia again, now sitting on the grass, no longer crying, probably. Her head was under her arms, on the bench.

"Ano ba kasing ginagawa nun dun? Parang ewan."

Nilapitan niya ulit si Eumeleia at nakitang nakabukas ang cellphone niya habang hawak pa rin niya ito. It showed that a contact has been deleted. Kinalabit niya ito at hindi siya gumalaw. Naramdaman niyang naa-awa na siya sa kanya kaya kinuha niya na lang ang cellphone niya at hinanap ang contact ng mga kaibigan niya, kung sino man. Si Reece. Yun ang unang naisip ni Rain, kahit na maisip pa lang ang pangalan at mukha niya, naiinis na siya kaagad.

Hinanap niya ito sa contact list ni Eumeleia ngunit wala ito doon. Naisip niya na baka yun ang contact na nai-delete ni Eumeleia. He then texted Aisha instead with the words, 'Hey Aisha. I'm here at Marshville at the park. Let's meet up now, I have something urgent to say to you.' He knew it would be convincing if he typed it in English, and after he did, he sent it right away and put her phone inside her bag.

He ran away right after it.

end of chapter thirty.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon