XLVII - Mysteries Unsolved

298 6 6
                                    

As I was wandering through the second floor of the museum, a young boy was sitting inside the fence pole barriers with pieces of 'something' holding in his hands. Even though I know I have to go find Mom now, something was telling me I should go to him. And so I did and I was so shy - it was embarrassing to go up to a boy you don't even know. As if someone was controlling my body, I walked towards him but thank goodness, he suddenly ran away. However, he dropped something.

"H-Hey! Wait! You dropped this!" I tried to catch him to give him this piece of painting but I couldn't. I already lost sight of him because of the number of crowd in the museum.

The piece I was holding was from a wooden blue painting.

I decided to just keep it in my pocket and give it to my grandfather later. Still holding my teddy bear, I ran around trying to find my mother.

Nagising ako bigla sa hindi malamang dahilan. Nalaglag 'yung kumot na nasa balikat ko nung umupo ako ng maayos at ngayon ko lang na-realize na nasa apartment nga pala ako nila Rain! Wala na rin siya sa kama niya at nung lumingon ako doon, may nakita akong isang papel na hindi ko naman nakita kagabi. Binuksan ko ito at binasa ang naka-sulat.

'Ia! This is Aisha. Your mother looked for you and I said you were here at our house for a joint-class project.

May utang ka na sa'kin ah!

Bumalik nga pala ulit ako dito dahil dumating 'yung driver niyo at binigay yung mga damit at iba pang gamit mo sa'min. Binigay ko na kay Rain dahil gising na siya kaninang umaga.

Patingin nga pala ako ng gitara mo sa Monday ah? Text na lang tayo. Bye!'

Tinupi ko na ulit yung papel at tumayo para itupi rin yung kumot na nalaglag. Nilagay ko na ito sa kama at pagkatapos nun, lumabas na ako ng kwarto. Nagulat ako nang makita kong nag-luluto si Rain.

"R-Rain?"

Lumingon siya habang hawak yung mga ginagamit niya sa pag-luto, pero pagkatapos niyang tumingin sa'kin, nag-patuloy pa rin siya sa pagluluto. "Eumeleia, gising ka na pala. 'Yung gamit mo pala nasa sala, dinala ni Aisha kanina lang."

"May I use the bathroom?" Nahihiya kong sagot sa kanya. He just nodded and went back to his business on the kitchen stove.

Kinuha ko na yung gamit ko na nakalagay lang sa isang upuan at hinanap at pinuntahan yung cr nila. Pagkatapos kong ma-ligo at mag-ayos, hinanap ko na si Rain. Sakto naman na tapos na siyang mag-luto. Tapos, ngayon ko lang din naalala kung bakit nga pala ako napunta dito!

"R-Rain, okay ka na ba? Wala ka nang lagnat?" I tiptoed to reach his forehead and touched it and I just realized what I just did - now, I'm panicking and I'm sure I look like a red potato or something. However after a few seconds, he just laughed playfully and it somehow echoed in my mind. It was cute. "Yeah. O-Okay na ako." Again, I just brushed the thought away and continued to talk to him.

"Pero may mga sugat ka pa rin! Bakit ka nga ba talaga nagkaroon niyan? Nakipag-away ka ulit?" Tanong ko sa kanya habang nag-huhugas siya ng kamay. "Hindi." Pinunasan na niya yung kamay niya sa isang towel at tinuloy niya na yung sinasabi niya nung hinawakan niya ang mga balikat ko. "Mamaya na lang natin 'to pag-usapan, okay? Kumain muna tayo."

Napilit na nga niya akong kumain. Umupo na ako habang pinagmamasdan yung pagkain sa harap ko.

"Marunong ka pa pala mag-luto kaysa sa'kin."

"Ha? Hindi ka ba marunong?" Tanong niya kaagad nung sinabi ko yun pagkatapos uminom. "Nope!"

"Ah... tinuruan lang ako ni Kuya eh."

A Reviving VocalWhere stories live. Discover now