XVI - Start

385 8 4
                                    

So, Aisha's brother is already teaching me on how to play the guitar. Medyo awkward pa nga dahil hindi ko naman siya close at hindi rin ako nakakapagsalita kaya medyo mahirap pa ako turuan. Nung nagtagal naman, naiintindihan ko lalo yung mga itinuturo niya at nalaman ko na yung mga basics.

But I have a bad feeling about this. My heart is beating so fast. Why is it like this?

"Oh sige, Ia. Try natin mag-play ng kanta. Ito, yung kinompose ni Aisha matagal na. Alam mo naman na yung mga chords 'diba? Sundin mo lang yung nandyan sa papel." I nodded as he spoke.

At sinunod ko nga yung mga sinabi niya. Binasa at ginawa ko yung mga chords na nakasulat dun at hindi ko na namalayan na tuloy-tuloy na pala ako sa pag-gigitara. Nagulat ako sa ginawa ko kaya tumigil ako.

Nagtaka naman yung kuya ni Aisha kahit na alam ko pati siya nagulat din. "Oh, bakit ka tumigil? Perfect mo na yun eh! Hindi ka na pala kailangan turuan!" I shrugged out of shock. I am not supposed to be playing like this, it's just too fast. So, why?

"Aisha! Okay na si Ia!" Sigaw ng kuya niya. Kahit na hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko, tumayo na rin ako at nagpaalam sa kanya. Nagpasalamat din ako dahil napagtiyagaan niya ang isang tulad ko. "Sabi sa'yo Ia, kaya mo eh! Tara na!"

Aisha pulled me from the living room and I still have the guitar on me. I don't even know why we're running, it's not like we need to rush. I held it tightly and then she took me to her room. Nakita ko si Rae sa loob at nginitian ko naman siya.

'I can't do it yet.' Sinabi ko na kaagad yun sa kanila habang nagpapahinga pa kami. "Ha? Bakit naman? Kaya mo na eh!" Kontra ni Aisha.

I wanted to say, 'I can't because I'm not yet ready and I'm afraid of something unexplainable', but I don't want to disappoint them. Not when they're already so pumped up about the competition. Not when they already have high hopes for me. So, instead of saying it, I just shrugged it off and I showed them what I typed.

'Never mind. What are we waiting for?! Let's do it!'

* * *

 A month has passed since we planned on joining the contest. We still haven't handed over our registration form and we are lacking of another important member, the drummer. I guess it's okay if we don't have that pers--

"No! Hindi, hindi okay, Eumeleia. Alam ko 'yang iniisip mo! Never! Kailangan nating 'yung drummer na yun, kahit pa lalaki yan o babae. Kahit nga bakla o tomboy eh, basta! Ano nang gagawin natin? Haist! Nakaka-stress naman ito!"

Habang sinasabi ni Aisha 'yung mga 'yun, paikot-ikot siya sa loob ng kwarto niya. Si Rae naman tinatawanan lang siya. "Bakit kasi kailangan pa natin lumaban d'yan? Wala naman tayong mapapala eh, puro expert na 'yung mga sasali d'yan!"

"Well, we won't know unless we try, right?" Tumingin sa'kin si Aisha at tinaas pa yung kilay niya ng ilang beses. Natawa na lang ako imbis na sumagot, nakakatawa kasi itsura niya!

"Ay, speaking of drummer, bakit 'di na lang si Nathan? Diba drummer 'yun?"

I liked the idea of him being our drummer. He's like our only girl in the group.

"Hindi." Just as expected from her... of course, she would reject him, even if it means not having to compete in that event.

May biglang naisip si Aisha at sinabi niya ito sa'min. "Si Kuya na lang kaya?"

"Ay! Hindi yun pwede noh! Alam mo namang nagtatrabaho yun eh!" Kontra naman ni Rae sa kanya. Mukhang naiinis na si Aisha sa kanya, haha!

"Bahala ka, wala tayong mahahanap n'yan eh. Tatlong linggo na lang natitira oh, tapos sa Friday na yung last day ng pasahan ng form. Saan naman kasi tayo maghahagilap ng talented na drummer na willing makipag-jamming sa'tin, unless na kakilala naman natin 'yun! Kung kakilala natin, edi walang problema! Isa na dun si--"

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon