18. Malabo

3 0 0
                                    

Makita ko lang ang iyong ngiti
Hindi na agad ako mapakali
Dahil sa maganda mong labi
Hindi ko mapigilan ang aking sarili

Minsan na rin akong napatingin
Sa iyong mga paningin
Na parang ibig sabihin
Dahil kakaiba kung tumingin

Kamusta naman kaya ang iyong kamay
Na may mahahabang galamay
Ang mga ugat na buhay na buhay
At ang paggalaw nito ng sabay sabay

Tama bang tignan kita
At ilarawan kita isa isa
Kasi sa aking mga pinupuna
Ay ang mga bagay na gusto kong nakikita

Alam kong tingin lang ang magagawa
Dahil sa iyo ay wala akong pag-asa
Kahit anong pagpapansin ang ipakita
Ay wala ng dapat asahan kung hindi dedma

Kahit na isa lang na tingin
Malabo na sayo mangyari
Dahil kahit na apat na ang iyong paningin
Malabo ang aking minimithi


Ang MakataWhere stories live. Discover now