10. Label

6 0 0
                                    

"Label?"

Ano ba ang ating ginagawa
Bakit hindi ko na ito maunawaan
Na sa bawat ating pagkikita
Ang iyong kilos ay may iba ng kahulugan

Hindi naman ako humingi ng kahit ano
Ang gusto ko lang ay malinaw tayo
Dahil sa tuwing kasama mo ako
Laging ikaw ay tuliro

Umaasa ako na sana ay sabihin mo
Ang ugnayan na mayroon tayo
Para ako'y hindi na para tumungo
Sa iniisip kong imposibleng maging tayo

Matagal na nung tayo nagkasama
Na sa bawat ginagawa ay magkasama
Na sa iyo ay hindi man lang bumagabag
Dahil kahit salitang kaibigan ay di mo ko matawag

Ang MakataWhere stories live. Discover now