2.Birong mapanakit

20 0 0
                                    

"Birong mapanakit"

Pagbilang ko ng sampu simulan na natin ang laro
Isa, dalawa, tatlo
Saglit lang huwag na lang pala tayo maglaro
Mag biruan na lang tayo
Mas masaya pa sa laro
At sigurado akong magugustuhan mo to

Sinimulan ko sa pag iisip ng talata
Talata ng aking birong isasagawa
Para man kahit papaano ako'y may planong magagawa
Ng hindi sumablay sa taong nakakakita

Sa pamamagitan ng ilang mga salita
Na paulit ulit sinasabi ng aking bunganga
Sigurado akong ika'y mapipika
Mapapaisip ka kung paano ko sayo to nagagawa
At gagawa ka din ng paraan para mapikon din akong twina

Mga tao sa paligid ay tuwang tuwa
Sa palabas na ating ginagawa
Na parang away para sa kanila
Dahil ang alam nila
Hindi tayo nagkaunawaan sa isa't isa

Dalawang araw na ng ang palabas ay matapos
Bakit tila ako ay nalulungkot ng wagas
Napapatingin sa baba at taas
At nagbabakasakaling may inihanda kang palabas

Kaso wala

Hindi ako mapakali
Dahil ang isip ko ay nawiwili
Hindi ka man masisi
Basta hinahanap ang tuwa na para akong kinikilitito
Lumipas ang mga panahon

At tumigil na sa aking kalokohan
Dahil may hindi maganda sa nararamdaman
Na para bang unti unting nasisiraan
Dahil ikaw na ang gusto at hindi na ang biruan

Sabi ko sa sarili ko
Titigilan ko na ito
Dahil alam ko na ang kasunod nito
At huwag na sanang umabot sa ganito

Kung kailan ang lahat ay tinapos
Tsaka naman dumating ang kampus
At sila naman ang gumawa ng palabas
Na kinakilig at kinalungkot ng lubos

Paano ako lalayo
Kung sa tuwing aasarin ako sayo
Na ayokong marinig ng tainga ko
Dahil ayokong makaramdam ang puso
Na dahilan para lalong mahulog sayo

Hindi ko na nga napigilan ang sarili
At tuluyan nang nagkagusto sayo
Hindi ko man gustuhin
Pero ito ang kinasaya ng loob ko

Bakit ganun?
Bakit tila ako ay naloko
Sabi ko sa sarili ko isa lang tong biro
Isa lang tong palabas na gawa gawa ko
Tila ako ata ang napaglaruan

Hindi maiwasang masaktan
Hindi naman alam ang dahilan
Ang isip ay naguguluhan
Kung paano ito malalampasan

Sinasaktan ang iba para lang ako'y tigilan
Hindi ko na gusto ang ginagawa
Dahil gusto ko nang tapusin ito

Ang MakataWhere stories live. Discover now