15. Ikaw lang

4 0 0
                                    

Hawakan mo ang aking kamay
Kasabay ng pagpasok mo sa aking buhay
Na binigyan mo ng magandang kulay
Dahil sa pagmamahalan nating naging tulay

Saksi ang ating mga mata
Kung paano tayo pinagtagpo ng tadhana
Na ngayon ay tayo na ang magkasama
Sana ay hanggang sa ating pagtanda

Wala na akong hihilingin pa
Dahil nandito ka na
Sana ay wag ka ng mawala
Dahil ikaw na talaga at wala ng iba 

Magtiwala lang tayo
At maging bukas sa isa't isa
Hindi ko hahayaang maghiwalay tayo
At masira ang pagmamahalan nating dalawa

Gagawin ko ang lahat
Upang ako ay maging sapat
Kahit kumulubot ang balat
At lahat sayo ay handa kong ipagtapat

Ang MakataWhere stories live. Discover now