14. Wala na

4 0 0
                                    

Ikaw jan na nasa isang tabi
Bakit ikaw ay nananahimik
Kanina lang ay para kang kiti-kiti
Pero ngayon ay wala ng ang pagkasabik

Umasa ka ba naman kasi
Yang mga labi mo grabe kung makangiti
Akala mo ay yan na ang huli
Kaya nilubos mong mabuti

Nakalimot ka ata
Kaya ka nagpadalos dalos bigla
Kung nag iisip ka muna
Hindi ka sana magkaka ganyan diba

Quarantine ngayon kuya at ate
Kaya wag kang biglang babale
Ng mga lalaki o babae sa tabi tabi
Baka mamaya ikaw ay madali

Pero ayan nahulog ka na
Akala mo naman ikaw na talaga
Kaya may pa ngiti ngiti ka pa
Di mo ba inisip na ikaw nga ba

Sa susunod kasi
Isipin mo munang maigi
Kung ito ba ang ikabubuti
At kung tama ba ang iyong pagpili

Ang MakataWhere stories live. Discover now