11. Nasaan Na?

3 0 0
                                    

"Nasaan na?"

Magpapasko na sinta ko
Ano ang nadarama mo
Nalulumbay ka ba sa mga oras na ito
O masaya ka kahit hindi naman totoo
Alam kong malamig ang iyong pasko
Dahil nilisan ka ng taong mahal mo
Na ngayon ay akala mo magkasama kayo
At sabay niyong sasalubungin ang pasko


Sabi mo magpapalitan kayo ng regalo
Bakit tila ito ay naging pako
Na sa sobrang lalim ng pagkakapalo
Hindi mo na nakuha ito
Manonood pa nga kayo ng mga fireworks diba
Sabi mo kukuhanan ko kayo ng litratong dalawa

Na sabay niyong sinalubong ang bagong taon
Pero nasaan na ngayon?

Sa sobrang babaw ng luha mo
Wala na kong nakita kung hindi ang luha mong tumutulo
Na kahit lumipas na ang ilang oras at minuto
Patuloy pa rin sa pagbagsak ito
Oh binibini ko binibini ko
Ang kaligayahan mo ay biglang naglaho
Na sa pagsapit ng araw ng pasko
Wala na kong ibang dalangin kung hindi kaligayahan mo
At darating ang araw na inaasam mo

Ang MakataWhere stories live. Discover now