9. Hindi Naman Dapat

13 0 0
                                    


"Hindi Naman Dapat"

Hindi ko alam kung paano nagsimula
Ang nararamdaman kong kakaiba
Kung ito ba ay totoo o hula
Pero ikaw ang pinupuna

Ako'y sadyang namangha
Sa nakita ko sayong kakaiba
Pero hindi ibig sabihin ay may nadarama
Na maging dahilan nang pang-aasar ng iba

Sinabi ko sa aking mga kaibigan
Kung ano ang aking dahilan
Pero sa kanila ay iba ang kahulugan
Kaya ginamit nilang pang-asaran

Sa tuwing nakikita ka nila
Sa aking agad ang tingin ng kanilang mata
Na alam ko na kung ano ang ibig sabihin nila
Kaya iiwas na lang habang sila ay tumatawa

Nang dahil sa kanilang pangungutya
Hindi na napigilan ang nararamdaman
Kaya nahulog na sayo ng tuluyan
Kahit hindi ko naman dapat madama

Mukhang wala na akong magagawa
Kung paano pipigilan ang nadarama
Ng dahil sa patuloy na pangungutya
Ay hindi na ako makakaiwas yata

Ang MakataWhere stories live. Discover now