13. Judger

3 0 0
                                    

Sandali at tayo ay huminto
Dahil nandito na tayo
Sa lugar na maraming tao
Na kung saan ay maraming pinupunto

Nauunawaan mo na ba
Ang iyong mga naririnig na salita
Tila nakakapagtaka diba
At hindi mo inaasahan na sila pa

Kailangan mo na lang dumedma
At lawakan ang itong pang-unawa
Dahil sa ito ay likas na sa bawat isa
At tayo rin ay ang gumagawa

Kahit saan ka magtungo
Marami kang makikita nito
Nauunawaan mo na ba ako
Kung bakit kita dinala dito

Ito lang naman ang lugar ng mga mapanghusga
Na kahit saan ka magpunta
Ay maririnig mo sila
At kung minsan ikaw pa ang bida

Magugulat ka na lang
Bigla ka na lang sisikat
Na akala mo sikat kang nilalang 
Pero puro mali ang isinisiwalat

Kaya maraming tao ang nahihirapan
Dahil sa maling kilos nila
Ay may isyu na agad na mararanasan
Kaya ang iba ay nagtatago na

Kailangan mo na lang talaga 
Sila ay dedmahin at iwasan 
Dahil pagmali ang iyong napakita
'Wag ka ng magtaka kung ikaw ang pinag-usapan

Ang MakataWhere stories live. Discover now