7. Walang tayo

8 0 0
                                    

"Walang Tayo"

Ano bang samahan ang mayroon tayo?
Bakit tila ito'y isang laro
Na pagkatapos ng ilang minuto
Ay tayo ay magkakalayo

Araw-araw tayong nagkikita
Tayong dalawa ang parating magkasama
Minu-minutong gumagala
Para pasayahin ang bawat isa

Ilang taon na tayong magkaibigan
Bakit ngayon ay tila kakaiba
Hindi maipaliwanag ng nararamdaman
Basta ang puso ay may iniinda

Hindi ka ba nagtataka
Kasi ako ay naloloko na
Manhid ka bang talaga
O hindi ka lang naniniwala

Kay tamis ng ating samahan
Pero ito ay walang kahulugan
Walang ibang turingan
Kundi tayo ay magkaibigan

Saan ito patungo
O hanggang dito na lang ito
Wala akong pinupunto
Gusto ko lang malinaw tayo

Ayokong may masaktan
Ayokong may luhaan
Ayokong may lumisan
Na may bahid ng kapighatian

Siguro mas mabuti na ganito
Para walang magbago
Na hindi mawala ang mayroong tayo
Ng walang masaktang mga puso

Ang MakataWhere stories live. Discover now