20. Hindi kami ang bida

4 0 0
                                    

Kung ito man ang isusulat kong huling tula
Gusto ko itong bigyan ng magandang paksa
Na kung saan ikaw at ako ang bida
At lalamanan ko ito ng magagandang istorya

Ngunit hindi ito naging istoryang maganda
Dahil ang balak kong ilahad ay nag-iba
Kung saan hindi na pala ako ang bida
Kung hindi ikaw na lang mag isa

Pinilit kong isingit ang aking pangalan
Pero tila sulat ng lapis na nabubura biglaan
At hindi na nakabalik sa ating istorya
Dahil bumubuo ka na pala na may kasamang iba

Huli na ng lahat ay aking malaman
Dahil nasa gitna na pala ang inyong istorya
Kung saan masaya na at nagmamahalan
At kaunti na lang ay matatapos na

Hindi na pala natin ito tula
Kung hindi tula niyo na palang dalawa
Kung saan ako pa rin naman ang akda
At ang naglalahad ng istorya niyong masaya

Tuwang tuwa pa ko habang sinusulat ito
Dahil hindi ko namalayan na matatapos ko na ito
Kahit wala ako sa tulang isinulat ko
At hindi ko na pala ito kasiyahan kung hindi kasiyahan niyo

Tatapusin ko na ang ating tula
Ay mali tula niyo palang dalawa
Para kayo na ang magpatuloy ng inyong istorya
At kayo na rin ang maging akda

Isang maligayang pagbati sa inyo
Sana ay matapos niyo ang istoryang ito
Na kayo pa rin sana ang bida rito
At hindi biglang mawala katulad sa ng nasimulan ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang MakataWhere stories live. Discover now