5. Sa piling mo

21 0 0
                                    

"Sa piling mo"

Oy ikaw
Kamusta ka na
Katulad ka pa rin ba nung dati
Yung dati na mayroong ikaw at ako
Na dating ikaw na masiyahin
Na wala ng bukas kung makahalakhak
Tipong makasama lang kita kumpleto na araw ko
O sa madaling salita
Ikaw pa rin ba yung taong minahal ko noon

Oo minahal kita
Binuhos ko lahat ng oras ko sayo
Lahat ng bagay binigay ko sayo na dapat ay sa iba
Pero dahil mahal kita wala akong binigay sa iba kundi sayo
Sayo ko lahat tinuon

Oras, pagmamahal, pag aaruga
Ano pa bang hindi ko naibigay
Wala naman na diba
Kasi lahat nasayo na
Wala na kong tinira para sakin
Ni hindi ko na nga naisipang bigyan yung sarili ko
Kasi mahal kita
Ikaw lang

Pero wag ka mag alala hindi ko sinusumbat sa iyo
Gusto ko lang malaman mo
Kung gaano ako nahulog sayo
Kahit na pinagtatabuyan mo ako
Tinatadyakan palayo
Na para lata na nakaharang sa daraan mo
At parang isang basura na iniwan mo lang kung saan mo gusto

Nakakapagtaka kung bakit
Pero wala akong magagawa
Hindi naman pwedeng biro lang ito
Dahil nakakasakit na

Sobrang sakit na naiisip ko na lang kung bakit
Bakit ko nararanasan ang mga ito
Nagmahal lang naman ako
Pinatunayan kong totoo ang lahat
Pero bakit ganito ang bumabalik

Hindi ko naman sinasabi na minahal kita dapat mahal mo rin ako
Pero sana man lang malaman mo na nasasaktan ako
Nasasaktan sa mga pinaggagawa mo

May mali ba sa ginawa ko
Diba wala naman
Pero bakit ganoon ang turing mo sakin
Bakit

Susulitin ko na itong mga sandaling kaharap kita
Hindi ko man masabi baka ito na ang huli
Huling beses na makikita kita o makikita mo ako
Huling beses na maririnig mo ang boses ko
Kaya sana'y pakinggan mo ako

Mahal na mahal kita
Salamat sa mga ilang panahon na magkasama tayong dalawa
Dahil sayo ako'y natutong magmahal
At sa pagmamahal na yun
Marami akong natutunan

Sabi nga nila
Kapag nagmahal ka
Mahal lang daw
Hindi mahal na mahal
Alam mo kung bakit
Kasi kapag nasaktan ka daw masakit lang
Hindi masakit na masakit
Tama nga siguro sila noh

Pero wag ka mag alala
Makakalimutan din kita
Sa bawat araw na lilipas
Sa mga darating na panahon
Masasabi kong tama na
Nakakasawa na

Kung hindi man ako para sayo
Para kanino ako
Kanino ko dapat ibigay ang buong puso ko
Na minsan ng nagkamali sa minahal kong tao
Saan ko siya matatagpuan

Sana makahanap ka ng babaeng mas higit pa sakin
Na mamahalin mo at hindi sasaktan
At makakasama mo sa habang buhay

Ang MakataWhere stories live. Discover now