Chapter 16-What goes around, comes around???

1.5K 27 8
                                    

Ilang araw at linggo pa ang lumipas, hindi masyadong nagkikibuan sina Dylan at Judith kapag nasa work sila, si Dylan naman, kapag nasa bahay lang siya, ay hindi na rin gaanong nakikipagbonding sa asawa…

Kapag wala siyang ginagawa, ay naiisipan niyang gawin ang noon pa ma’y hilig niya, ang Painting.. Bukod kasi sa pag sswimming ay magaling din mag paint si Dylan, at pati na rin mag sketch..

Sanay na si Dylan na kapag nagpapaint or nagssketch siya, si Denise ang lagi niyang inuunang iguhit..

Ngunit, these days, nagtataka rin si Dylan sa sarili kung bakit kahit si Denise ang gusto niyang i-drawing, dahil gusto niyang magsubside ang feelings niya for Judith, ay hindi niya ito magawa…

Kahit pa nga picture ni Denise ang nilalagay niya bilang kopyahan sa pagssketch, ay mukha ni Judith ang naiguguhit niya…

Kahit hindi picture ni Judith ang tinitignan niya at pinaparisan sa pagguhit, ay tanging ang maamo at magandang mukha ni Judith ang naiguguhit ni Dylan…

Kapag dumarating si Denise sa bahay galing sa trabaho ay hindi na siya gaanong pinapansin ni Dylan… nagiging malamig na ang treatment nito sa asawa, na napapansin at nahahalata naman ni Denise, dahil ilang lingo nang ganito si Dylan, actually, ilang buwan na rin… noong una’y hindi lang niya ito pinapansin dahil iniisip niyang preoccupied lang si Dylan sa trabaho, ngunit nang magtagal ay narerealize ni Denise that her husband was preoccupied with something else, or should we say…..someone else?

Dylan knows to himself na kahit gaano na niya kamahal si Judith ay hindi sila kailanman nagkaroon ng affair or relationship ni Judith… kahit gustuhin man niyang baguhin ang takbo ng mundo, his relationship with Judith is only for work, nothing more…

Pero hindi ito ang iniisip ni Denise, she can feel that something is wrong with her husband… parang may mali…

Nang minsang matiyempuhan ni Denise na bahagyang nakauwang ang pintuan sa kwarto kung saan nagpapaint at nagssketch si Dylan, sumilip siya sa kwarto at nagkataong wala doon si Dylan dahil lumabas muna ito sandal para may ayusin sa garage…

Pumasok si Denise sa kwartong iyon, at nadatnan niya ang sketch ni Dylan….

She was so surprised, it is not her… hindi siya ang dinrawing ni Dylan, kahit na picture niya ang inilagay na kopyahan…

Right there and then, she knew that her husband might have feelings for Judith, ang babaeng itinuring niyang karibal noon sa lahat ng bagay kahit hindi naman siya kinukompitensiya nito, ang babaeng inagawan niya ng unang pag-ibig…..

Denise’s POV:

“Si Judith…. Si Judith….. of all women!!! Bakit siya pa?....”, sambit ni Denise sa sarili….

“Karma ba ‘to? Is she taking revenge? Alam ko namang mali yung mga ginawa ko sa kanya noon, but is this her way of getting even?...”, at tuluyan nang napaiyak si Denise…..

Nakatakbo na siya palabas ng kwarto bago pa man makabalik si Dylan…

Ilang araw ding nag isip-isip si Denise at inobserbahan ang kilos ng asawa…

She was too worried na baka tuluyan nang mawala sa kanya ang asawa…. Tsaka lang niya naisip na dapat niyang ituwid ang anumang dapat ituwid…

Pumunta si Denise sa office nina Dylan, bagamat alam niyang wala doon ang asawa dahil nasa Laguna ito, ito na ang last day ng project nila doon, pero hindi kasama ni Dylan si Judith… alam ito ni Denise, na nasa office lang si Judith…

Naghintay si Denise sa lobby ng building…hanggang sa mag lunch break ang mga employee…

Nang Makita ni Denise si Judith na lumabas mula sa elevator ay agad niyang tinawag ito….at nilapitan..

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon