Chapter 14- Now, I know

1.5K 27 6
                                    

After the weekend getaway ng 2 pairs, back to work na ulit sina Dylan at Judith..

Nakaupo si Judith sa harap ng kanyang desk nang lumapit ang lalaking nakapagpapabuo ng bawat araw niya…

“Good morning!..”, bati ni Dylan kay Judith na nakangiti at nangungusap ang mga mata..

“Oh.. Good morning! What’s with you?...”, bati ni Judith at napansin ang kakaibang mood ni Dylan.

“Remember yung pustahan natin?...”, paalala ni Dylan kay Judith..

“ahhh…Ha?? Anong pustahan???”, nagtatakang nagtanong si Judith.

“yung sa swimming… I won, remember?”, sagot ni Dylan.

“aaaahhhh… naalala ko na… oo na, panalo ka na…. eh ano ngayon?”, tanong ni Judith habang unti-unting namumula ang mukha…

“you will be my personal assistant for the whole week… like a secretary…. Ganun….”, sabi ni Dylan na ngumiti kay Judith nang mas matamis..

“…. Tse! Tumigil ka nga! Ang flirt mo ah… kakainis! “, sabi ni Judith.

“Uy.. anong flirt?? Eh pinapaalala ko lang naman yung pustahan eh… Come on! I’ve got a lot on my plate…. Marami akong gagawin… “, sabi ni Dylan.

“Hmp! So do I…”, mataray na sabi ni Judith sabay talikod kay Dylan.

“Miss… Pwede mo ba akong ipagtimpla ng coffee, please? And kindly bring it to my office… Thanks…”, sinimulan na ni Dylan ang pagtupad sa pustahan nila, pagkasabi nito’y kinindatan pa si Judith na lalo namang ikinairita ng dalaga…

“Hmp! Tse… anong Coffee??! Hindi ko na trabaho yun! Sobra naman ‘to..”, angal ni Judith.

“sabi ko nga diba, just like a secretary… an assistant… alam mo na yun…  I’ll wait for it…”, sabi ni Dylan, sabay alis sa harap ni Judith at pumasok na sa kanyang office na hindi kalayuan sa pwesto ni Judith.

“Friend, ano yun?... parang ang ganda ng ngiti ng lokong yun ah…”, usisa ni Helen pagkalapit kay Judith.

“ah, wala.. may pustahan kasi kami… eh natalo ako… so heto, P.A. niya ako ngayon… feeling celebrity! Hmp! O kaya naman feeling Boss! Dinaig pa si Sir Ian! Kakainiiiiiiiiiiiiiiiisssssss!!!!!”, bulalas ni Judith..

“Hahahah… good luck to you, girl… hahah…”, pang aasar pa ni Helen..

“Thanks Len ha… you’re really helping!...”, sarcastic na sabi ni Judith sa kaibigan.

Maya-maya’y ikinuha na ni Judith ng Coffee si Dylan at dinala sa office nito kahit hindi siya komportable sa ganoong setting nila ni Dylan…

*knock* *knock*..

“Come In..”, --Dylan

“Oh, ayan…. Coffee mo… “, sabi ni Judith na nakasimangot..

“Thanks..”, sagot ni Dylan, kinuha ang Coffee at ngumiti nang nakakaloko kay Judith.

“Mapaso ka sana… hmp!”, bulong ni Judith.

“ah… may sinasabi ka?...”, tanong ni Dylan nang marinig na may ibinulong si Judith.

“ah.. w…wala… babalik na ako sa trabaho ko…”, sagot ni Judith, at humakbang na papalabas ng office ni Dylan.

“Wait up… Thank you…”, hinawakan ni Dylan sa braso si Judith, at tumingin sa mga mata nito… nagtagal ito ng ilang sandal….

“ahm…. Ah… Dy…”, sabi ni Judith nang unti-unting makabawi..

“ah, I.. I’ll just call you when I need anything….”, sabi ni Dylan with a smile..at bumalik na sa kanyang upuan..

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon