Chapter 9- This crazy feeling

1.5K 24 3
                                    

---Sa site sa Pampanga…---

Nakaupo si Dylan sa harap ng isang table sa first floor ng isang ginagawang bahay sa subdivision nang dumating si Judith.

“Huy! Ang aga ah…”, bati ni Judith.

“Oo.. wala lang… mas maganda pala pumunta ditto ng mas maaga… mas tahimik…”, sagot ni Dylan.

“Oh… eh bakit ang aga aga, ang haba ng mukha mo dyan? Sige ka, papangit ka lalo… hahahah…”, pang aasar ni Judith.

“wala… wala ‘to… ang aga mong mang good time ah….”, sagot ni Dylan kay Judith.

“whooooooooh…. Wala daw?! Ano yan? Dali! Spill it…”, pag uusisa ni Judith dahil may napapansin siya sa mood ni Dylan.

“Teka nga… parang noong isang araw lang, ikaw ‘tong nag susungit ah… tapos ngayon… nangungulit ka naman… labo mo…”, --Dylan.

“eh noong isang araw pa yun… sorry na..nasungitan kita…”, --Judith

“eh bakit ka nga kasi nag sungit bigla? ..”, tanong ni Dylan.

“oo na.. tama ka… PMS…”, pagsisinungaling ni Judith..

“haaay.. sabi ko na eh… tsk tsk… Women….”,--Dylan

“Hmp! Eh ano yan? Ikaw naman ngayon ang may PMS??...”, nang aasar na tanong ni Judith.

“Tss… ewan ko sa’yo…! Ako na naman napag iinitan mo…”, sabi ni Dylan.

“haaaay.. mang huhula na naman ba ako… ano? May LQ kayo ng asawa mo noh?”, --Judith.

“….. natural lang naman yung ganun…”, sabi ni Dylan.

“Oo nga.. natural nga lang… kaya nga, huwag mong dibdibin… eh sa itsura mong yan, umaga pa lang, eh mukhang sira na agad ang buong araw mo… ngiti ka na lang kasi… Uuiiii… mag ssmile na yaaaaan…. “, pagpapagaan ng loob ni Judith kay Dylan. Sabay kurot sa tagiliran nito.

“ (smiling).. you know what…. Even with just your simple words and gestures, you always lighten up my mood… I don’t know what’s with you… kahit si Denise, hindi nagagawa sa’kin yun…”, Dylan told Judith honestly.

“Ows? Talagaaaa? Hmp! ‘wag mo naman akong i-compare sa asawa mo… ano ka ba? Ikaw talaga…. At tsaka.. eh ganun talaga ako eh… gusto ko, napapasaya ko yung mga taong nasa paligid ko…”, seryosong sabi ni Judith.

Pagkasabi niya nito, bahagya siyang natigilan….

Denise..

Denise…

Denise…

Denise….??

“Huy… anong nangyari? Bakit naka tulala ka?”, pagpuna ni Dylan sa kausap.

“ah.. w…wala… Denise? Denise ang name ng wife mo?”, nanlalamig si Judith at may kakaibang naramdaman habang sinasabi niya ito.

“oo.. that’s her name.. why?”, nagtatakang tanong ni Dylan dahil napansin niya ang uneasiness ni Judith.

“ah.. w..wala naman… baka kapangalan lang.. heheh.. “, pabulong na sabi ni Judtih…. “Ah, oo.. malamang kapangalan nga lang… sa dami ba naman ng Denise sa mundo diba?.. hahah…”,sagot niya kay Dylan.

“kapangalan nino? “, tanong ni Dylan.

“ah… wala yun… ahm…. Anong apelyido niya?”, tanong ni Judith.

“ ‘Castillo’, malamang… asawa ko nga, diba?”, pamimilosopo ni Dylan.

“Hindiiiiiii…. I mean, Oo nga… pilosopo ka rin eh noh! Ang itinatanong ko, yung maiden name nya? Yung apelyido niya bago mo siya naging asawa?.. sira talaga ‘toh..”, sabi ni Judith.

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon